031

813 92 19
                                    

Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Roni. Mabilisan pa niyang hinablot ang susi ng kanyang kotse sa may counter table. Napansin naman siya agad ni Mommy Marite kaya't hindi iyon nagdalawang isip na punahin ang nangyayari sa anak nito.

Tatakbo na sana palabas ng restaurant si Roni nang agad siyang napigilan ni Mommy Marite.

"Hep! Hep! Roni, hindi pa tapos ang shift mo, 9:30 pm pa ang out mo. 7:35 pm pa lang." Tinuro pa ni Mommy Marite ang malaking pendulum clock na nasa sulok.

Pasimple lamang napangiti ang dalaga saka ito dahan-dahan na binubuksan ang pinto ng restau. Napapansin naman iyon ni Mommy Marite kaya't sinita niya ang sarili nitong anak dahilan upang isara ulit ni Roni ang pinto.

"I really need to go, Mommy. Please, payagan niyo na akong umalis ng maaga." Pinagdikit pa ni Roni ang kanyang mga palad para lang makumbinsi na ang Ina nito.

Napabuntong hininga na lamang si Mommy Marite. Hindi nito maiwasan ang magtaka kung bakit gano'n na lamang kaimportante sa anak niya ang umalis ng gano'n kaaga.

"Hindi mo ba 'yan pwedeng ipagpabukas na lang? Saan ba ang punta mo? Napakaimportante naman yata niyan, anak."

"Kasi Mommy----" Nagdadalawang isip pa si Roni kung sasabihin ba niya ang balak niya sa gabing iyon, kaya binabagalan na lang niya ang kanyang pagsagot.

"Ronalisa Salcedo? Ano na?" pang-aatat ni Mommy Marite.

"Mommy, pupuntahan ko lang si Borj para kausapin." Napapikit pa ang dalaga nang sumagot siya.

Dahan-dahan naman na napamulat ng mata si Roni upang tingnan kung anong naging reaksyon ng Ina nito.

"Himala yatang kakausapin mo siya. May lakas ka na bang harapin siya. Aren't you being too fast?" nag-aalala lamang si Mommy Marite. Iniisip kasi nito na sa pagmamadali ni Roni ay hindi na naman magiging maganda ang usapan nila ni Borj.

"Ayokong paabutin pa ito ng ilang taon, Mommy. A week is enough," tugon ni Roni.

"Kung gano'n, mag-ingat ka na lang, anak. Sana ay maayos niyo na ni Borj ang problema ninyo." Nakangiti lamang si Mommy Marite nang tumugon siya sa anak nito.

"Thank You, Mommy." Matapos Makapagpasalamat si Roni ay ngumiti muna ito bago na tuluyang umalis ng restaurant.

Nag-aalala man si Mommy Marite kung anong kahihinatnan ng pag-uusap nina Borj at Roni ay pinagpapasa-Diyos niya na lamang na sana ay magka-ayos na ang dalawa.

ʕ •ᴥ•ʔ

Kunot noong naglalakad ngayon si Borj sa kalsada ng subdibisyon. Hindi pa matanggal sa binata ang inis nito kay Ellaine. Ngayon ay napilitan pa siyang gawin ang matagal na niyang iniiwasan.

May pagkakataon din naman na gusto niyang makausap si Roni upang makapagpaliwanag na, ngunit lagi siyang pinapangunahan ng kanyang pagdadalawang isip.

Sa hindi inaasahan, nagpang-abot sa daanan sina Borj at Roni. Hindi nila inaasahang doon pa sila magkikita. Iisa lang din naman ang pakay nila sa isa't isa, 'yun ay ang makapag-usap silang muli na dalawa lamang.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon