022

928 112 36
                                    

Hindi naman na matanggal ang ngiti na siyang nakakurba sa labi ngayon ng dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman na matanggal ang ngiti na siyang nakakurba sa labi ngayon ng dalaga. Para na rin itong nalulutang kakaisip sa kaganapan kanina sa simbahan at pilit na ikinukumpara iyon sa panahong sila rin ni Borj ang nakasalo ng bouquet at garter no'ng mga bata pa sila.

Napabuntong hininga pa si Roni habang napapatitig na sa kawalan. Doon naman siya nadatnan ng mag-asawang sina Mommy Marite at Daddy Charlie.

"Ayos lang ba si Roni?" bulong ni Daddy Charlie.

Napakibit-balikat na lamang si Mommy Marite at sabay pa sila ng asawa nitong dahan-dahang nagtungo sa likod ni Roni. Nasa kusina kasi ang dalagang si Roni, nakaupo siya ngayon sa may hapagkainan.

Upang putulin na ang pagpapantasya ng dalaga ay mas minabuting gulatin na lamang siya ng Ama nito.

"Hoy Roni! Ano na anak?" Hinawakan pa ni Daddy Charlie sa magkabilang balikat si Roni.

Napatalon pa dahil sa gulat ang dalaga at doon siya napapadyak dahil sa inis nang makita niya ang mga magulang nito. Hindi na naman naiwasan ni Roni ang mapabusangot.

"Ronalisa Salcedo, ano na naman ba ang naiisip mo anak? Nalulutang ka pa diyan," tanong ni Mommy Marite at napayakap pa siya sa anak nitong si Roni.

Naupo naman si Daddy Charlie at hindi nakatakas sa paningin nito ang bouquet na siyang nakapatong sa may mesa ngayon. Napataas pa ang isa nitong kilay at agad ng nagtaka kung bakit merong gano'ng klaseng bulaklak sa bahay nila.

Kinuha ni Daddy Charlie ang bouquet saka ito pinagmamasdan ng mabuti. "So, saang kasal ka dumalo?"

Alam na ni Daddy Charlie sa oras na iyon kung anong klaseng bulaklak ang siyang hawak-hawak niya. Nagulat naman at nanlaki bigla ang mga mata ni Roni dahil nakikita niyang hawak-hawak na ng Ama niya ang nasalo nitong bulaklak kanina.

Agad na hinablot ni Roni ang bouquet mula sa Ama nito na siyang ikinagulat ng huli. Doon din tuluyang kumalas sa pagkakayakap si Mommy Marite sa dalaga.

"Roni? Any explanations?" mapanuring tanong ni Daddy Charlie.

Pilit namang napatawa si Roni at mukhang hindi niya alam kung saan parte siya unang magkukwento. Natatawa na lamang sa gilid si Mommy Marite at mukhang alam na rin niya ang dahilan.

"Kaya ka ba napapangiting mag-isa, dahil diyan sa bulaklak na 'yan? Sino bang ikinasal?" nakangiting tanong ni Mommy Marite.

Kalaunan ay naupo si Mommy Marite sa tabi ng kanyang asawa. Samantala, napasandal naman si Roni sa upuan habang hindi na natatanggal ang ngiti sa labi nito. Para bang kinikilig pa siya.

"Namasyal po kasi kami ni Borj," nahihiyang tugon ni Roni.

"Namasyal o nag-date?" mapang-asar na wika ni Daddy Charlie.

Roni awkwardly laugh. "Daddy, namasyal lang kami ni Borj. At saka, aksidente ko lang din nasalo itong bouquet kanina sa may simbahan. Napadaan kasi kami ni Borj kanina doon."

Hindi nakapagpigil si Mommy Marite at tinusok pa niya ang tagiliran ng kanyang anak. Maski siya ay kinikilig na rin. Bigla rin niyang naalala noong unang beses ding nakasalo ang anak nito ng boquet.

"Ibig sabihin lamang niyan ay may pag-asa ka pang ikasal." Hindi na natigil si Mommy Marite sa pangangantyaw sa anak nito.

"E sino naman ang nakasalo ng garter?" tanong ni Daddy Charlie.

Hindi na napigilan ni Roni ang matawa, kahit anong pilit niyang magpigil ay mas lalo naman siyang inaasar ni Mommy Marite.

Napabuga na lamang ng hangin si Roni saka ito pilit na nagseryoso, ngunit sadya talagang traydor ang pagtawa ng dalaga kaya't napapahagikhik itong tumugon.

"Hindi hinagis ng Groom, binigay na lang kay Borj." Inamoy-amoy pa ng dalaga ang bulaklak na hawak-hawak niya.

Doon naman parang pompyang na inihampas sa isa't isa ni Daddy Charlie ang mga palad niya. Napailing na lamang si Mommy Marite, samantalang natatawa pa rin si Roni.

Sa oras na iyon, hindi maiwasang makaramdam ng kilig at konting pagka-nostalgic si Daddy Charlie. Hindi pa kasi nito nalilimutan ang mga pangyayari ilang taon na rin ang nakakalipas. Siya ba naman noon ang makasaksing ginawa pa ng anak niyang si Roni at ang kaibigan nitong si Borj na gawin ang tradisyon matapos makasalo ng bouquet at garter no'n.

"Hanggang ngayon, swerte pa rin si Borj na laging siya ang napapares sa'yo. Akalain mong kayo ulit ang nakakuha ng bouquet at garter. Pero sana, hindi laging ganyan na lamang." Tuwang-tuwa pa si Daddy Charlie no'ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

Dati lamang ay napaka higpit nito sa anak niyang si Roni, ni ultimo'y distansya sa pagitan ng dalaga at ng mga kalalakihan ay talaga pang sinusukat niya.

"Ibabalik ko sana ang bouquet sa Bride kanina, pero sabi niyang ako naman ang nakasalo, kaya akin na lang daw," pagkukwento pa ni Roni. Ang matatamis nitong ngiti ay siyang lalo pang parang bituin kung tumingkad.

Napatayo naman si Mommy Marite at saka nito mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Anak, payo ko lamang sa'yo 'to. Always protect your heart." Ramdam ni Mommy Marite kung gaano katinding umaasa pa rin ang dalaga. Ramdam kasi niyang may katiting pang inaasam ng anak nitong maikasal.

Sa pinapakita ngayon ni Roni ay kapansin-pansin sa kanya na hindi pa rin nawawala ang pagkasabik nitong maging Bride, ngunit pangarap niyang maikasal na siya sa tamang lalaki.

Daddy Charlie extended his right arm to hold Roni's hand. "Ang hiling ko lang ay maging masaya ka sa piling ng mahal mo. It's time for you to be happy with the man who can also love you."

Namataan naman bigla ni Daddy Charlie ang suot-suot ngayon na singsing ni Roni. Nakalimutan kasi iyon tanggalin kanina ng dalaga.

"A ring? Engaged ka na ulit?" Umakto pang nagulat si Daddy Charlie kahit na nagbibiro lamang siya.

"Daddy naman, napanalunan lang namin 'to ni Borj sa may Valentine's Day fair sa parke kanina," tugon ni Roni.

"Ibig sabihin, pares kayo ng singsing ni Borj? Roni ah, masyadong minamadali niyo ang lahat. Hindi pa namamanhikan 'yang si Borj, may pasingsing na kayo!" Hindi na talaga nawala kay Daddy Charlie ang pangsesegway nito.

Pero ilang segundo lamang ay biglang nagseryoso si Daddy Charlie. "But I actually mean it. I hope you'll find the right man. But, if you think that it's Borj, we'll support you."

Ang kanina lamang katuwaan na usapan ay nauwi na sa seryosohan. It was like a heart to heart talk. Well, Roni deserves to be happy. Hinihiling na lamang ng mga magulang ni Roni na sana ay matupad na ang matagal ng pinapangarap ng anak nila.

"Makakarating ka rin ng altar, kasama ang pinakamamahal mong lalaki. Hindi pa man ngayon, nararamdaman kong nandiyan lamang siya." Hinalikan pa ni Daddy Charlie ang kamay ng kanyang anak at kalaunan ay ikinulong niya ito sa mga palad niya.

Tumango-tango lamang si Roni habang nakangiting nakatitig sa kanyang Ama.

Bilang isang mga magulang, hindi naman nila gugustuhing maging miserable na lang habang-buhay si Roni. Ayaw naman nilang mag-isa lang ito sa buhay. Matatanda na rin sina Mommy Marite at Daddy Charlie, hindi sa lahat ng pagkakataon, nandoon sila lagi sa tabi ni Roni.

ʕ •ᴥ•ʔ

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon