Matapos ang natunghayang rebelasyon. Minabuti na lamang ni Roni na umuwi na siya sa sarili nitong bahay. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa mga magulang niya at nilisan na lamang niya ang subdibisyon.
Lumipas ang isang linggo, ilang ulit ng sinubukan ng mga kaibigan niya na kausapin nila ang dalaga, ngunit walang sino man sa kanila ang nakakapasok sa bahay ni Roni.
Samantala, nasa kusina ngayon ang buong pamilya Salcedo, maliban na lang kay Roni. Pansin pa kay Mommy Marite ang pag-aalala nito sa kanyang anak. Pakiramdam niya kasi ay muling mauulit ang panahong magmumukmok ulit ng ilang araw o taon ang dalaga.
"Walang sino sa amin sa barkada ang gustong makausap ni Roni. Ni makalagpas sa gate ng bahay niya e 'di pa namin magawa," si Yuan. Napabuntong hininga pa ito sa huli.
"Mommy Marite, Daddy Charlie, what should we do?" nag-aalalang tanong ni Missy.
Napapahawak naman sa kasalukuyan sa kanyang baba si Daddy Charlie. Iniisip nito kung ano ba talaga ang nagsimulan ng gulo at bakit muling bumalik si Roni sa pagmumukmok nito.
"Sandali lang huh! Can you please explain to us kung bakit kayo nagkakaproblema ngayon?" tulirong tanong ni Daddy Charlie.
Hindi naman na nagsayang ng oras pa si Yuan at siya na mismo ang nagpaliwanag sa mga magulang niya kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa barkadahan nila.
"No'ng time kasi na nakabalik si Borj sa Pilipinas, hindi naging maganda ang turingan nila ni Roni. Lagi silang nag-aaway, kaya ang ginawa ng grupo namin, nagkunwari kaming may tampo para sa gano'n ay may oras sina Roni at Borj na makagawa ng plano para mapagbati ang grupo. We thought it's the best plan para may oras din silang magkasama lang na dalawa," mahaba-habang paliwanag ni Yuan.
"E bakit sukdulan naman na ngayon ang galit sa inyo ni Roni?" muling tanong ni Daddy Charlie.
"Kasi Daddy, bumalik 'yung ex-fiance ni Borj. Nakikipagbalikan yata, at ang malala pa, may anak pala na iniwan si Borj sa States. Ngayon pang parang nagkakamabutihan na sila ni Roni, doon pa lumitaw lahat ng tinatago ni Borj," salaysay ni Yuan.
Mas naliwanagan naman na ang mag-asawang sina Mommy Marite at Daddy Charlie sa sitwasyon ng anak nilang si Roni at ng mga kaibigan nito. Doon din nila napagtanto na muling nawasak ang puso ng dalaga dahil ulit sa pag-ibig.
"Ito na nga ba ang ikinatatakot ko sa anak natin, Charlie," malungkot na wika ni Mommy Marite.
Niyakap na lamang ni Daddy Charlie ang asawa nito. Maski siya'y nalulungkot din sa kung anong nangyayari ngayon kay Roni. Kung meron lamang silang magagawa upang tulungan ang dalaga ay mukhang wala pa silang maisip sa kasalukuyan.
"And worst, wala pa sa ating lahat ang nakakaalam kung anong lagay na ni Roni." Konting-konti na lamang ay maghihysterical na si Missy.
"Sino ba sa tingin niyo ang taong pwedeng makausap ni Roni?" tanong ni Yuan.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...