021

889 115 43
                                    

Naglalakad ngayon ang dalawang magkaibigan malapit sa may simbahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalakad ngayon ang dalawang magkaibigan malapit sa may simbahan. Parehas lamang silang tahimik at mukhang ayaw nilang magsalita dahil sa hula kanina.

Parehas lamang kasi silang nalulungkot dahil sa sinabi ng matandang manghuhula. Inaasahan kasi nilang, sila ang para sa isa't isa. Pero, dahil hindi na sineryoso pa ni Borj ang hula ay mas minabuti na niyang putulin ang katahimikang bumabalot sa kanila.

"Roni----" Naputol bigla ang siyang sasabihin ni Borj dahil sa biglang pagtunog ng kampana sa simbahan.

Napatingin pang sabay sina Borj at Roni sa may pinto ng simbahan. Bumukas ang pinto at doon niya iniluwa ang mga tao. Mayamaya lamang ay sabay na nagmartsa palabas ang ikinasal. Sinasabuyan pa nila ang mga ito ng talulot ng rosas at bigas.

"Kasal," malungkot na litanya ni Roni.

Kasal na rin sana ngayon si Roni kung natuloy lamang iyon. Sa tuwing nakakakita ang dalaga ng ikinakasal ay hindi nito maiwasan ang malungkot at mainggit.

Pinapanood lamang ng magkaibigan ang mga tao sa simbahan, hanggang sa makita nilang tumalikod na ang Bride at muling hinarap ang pinto ng simbahan. Ang mga kababaihang abay ay naghahanda na rin sumalo ng bouquet.

"Isa...dalawa...tatlo!" Nagbilang pa ang Bride bago niya inihagis ang hawak niyang bouquet.

Hindi naman gano'n kalayuan sina Borj at Roni, may tatlong metro lamang ang layo nila mula sa mga tao sa simbahan.

Malakas ang pagkakahagis ng Bride sa bouquet, kaya naman umabot iyon sa pwesto ni Roni. Hindi inaasahan ng dalaga na siya ang makakasalo no'n. Ang mga bisita sa simbahan ay halos nakatingin ngayon sa gawi ni Roni.

Nahiya bigla ang dalaga dahil sa mga titig na ipinupukol ng karamihan sa kanya. Napatakbo agad si Roni patungo sa Bride. Sumunod naman sa kanya si Borj. Hindi kasi parte si Roni sa mga abay, kaya iniisip ngayon niya na 'di nito deserve makuha ang bulaklak.

"'Yung bulaklak niyo po," wika ni Roni. Ibabalik na sana nito ang nasalo niyang bouquet, ngunit napailing ang Bride.

Inilayo na lamang ng Bride ang iniabot ni Roni na bouquet sa kanya.

Ngumiti lamang ang babaeng ikinasal saka malimit na sumagot, "Sa'yo nakatakda iyan, ayos lang."

At doon na tuluyang pumasok ang Bride sa loob ng bridal car. Bago man sumunod sa kanya ang Groom, napatigil muna ito't tumapat kay Borj. May iniabot muna siya sa binata, isang bagay na mismong kukumpleto sa hawak-hawak ni Roni ngayon.

"I suppose, you should have this one," mahinang tinapik ng Groom ang balikat ni Borj.

Kalaunan ay pumasok na ang Groom sa loob ng bridal car at doon na humarurot ang sasakyan palayo. Napaawang lamang ang bibig ni Borj habang napapatingin siya ngayon sa bagay na binigay sa kanya ng Groom.

Isa iyon garter na dapat ay ihahagis pa kanina, ngunit minabuti na lamang ng ikinasal na lalaki na ibigay iyon kay Borj, dahil sa pagkakaalam niya'y nararapat iyon na mapasakamay ng huli.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon