Maagang nagising ang dalagang si Roni. Napapainat pa siya upang iwala ang kanyang antok. Roni's eyes softly close and her body becomes floppy. And when she walks, her shoulders slouched.
Napapahikab pa siya habang napapakusot-kusot ng kanyang mata. Buong-buo mang gising ang diwa nito'y nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata niya.
It's already 7:45 in the morning. Hindi naman siya ang nakatoka ngayon sa restaurant, pero hindi lang nito alam kung bakit nagising siya ng gano'ng kaaga. Maybe, because it's already her body clock.
"Kaya ko pa 'to. Gising na!" mahinang sinasampal-sampal na lamang ni Roni ang kanyang mukha.
Patungo siya ngayon sa may pintuan upang buksan iyon. At sa pagbukas ng dalaga sa may pinto, hindi niya napansing kanina pa nakatayo doon si Borj. Nakasandal pa ang huli sa may pinto habang kumakaway-kaway sa dalagang patuloy na nakapikit ang mata.
Borj suddenly cleared his throat making Roni to open her eyes. Nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga nang makita niyang kaharap niya ngayon ang binata. Napaatras pa ng 'di oras ang dalaga.
"Good morning, Roni?" sumaludo pa si Borj habang nakangiti ito.
"Borj?! Anong ginagawa mo dito, ang aga mo yata?" Napalinga-linga pa ang dalaga sa labas ng kanilang bahay. Tinitingnan kung merong kasama ang binata, ngunit mag-isa lamang ito.
"Maaga ba?" mahinang napatawa na lamang ito. Napatingin pa siya sa relos niya at doon bumugad sa kanya ang 7:45 am.
Napangiti na lamang ang binata nang muli siyang mapatingin sa gawi ng dalaga. Dati naman ng maagang nagagawi ang binata sa bahay ng mga Salcedo. Walang maaga para kay Borj, kung ang pinag-uusapan ay mapuntahan lamang palagi ang minahal niya.
"Pumasok ka na muna. Teka, nakapag-almusal ka na ba?" tanong ni Roni.
Napangiwi naman si Borj bilang sagot nito.
"Tamang-tama, may makakasama na ako. Saluhan mo ako sa almusal," pag-anyaya ni Roni.
Kalaunan ay pumasok na si Borj sa loob. Parehong nagtungo ang dalawa sa may kusina saka sila sabay na naupo sa harap ng hapagkainan. Mabuti na lamang at may naluto ng almusal si Mommy Marite kanina, kaya hindi na poproblemahin pa ni Roni ang magluto.
Inabutan na lang ni Roni ng plato at kubyertos ang binata at saka nito inisa-isang tinanggal ang takip ng mga pagkain. Sinalinan na rin ng dalaga ang mga baso nila ng orange juice.
"Ano pala ang sadya mo dito? Ang aga mo talaga," nagtatakang tanong ni Roni, sabay subo ng kanin.
"Pupuntahan ko nga sana kanina ulit si Tonsy para kausapin, pero wala sila ng asawa niya sa bahay nila. Tinawagan ko siya at sinabi nilang nagbakasyon sila. Tinatawagan ko rin si Basti, 'di niya sinasagot tawag ko," salaysay ni Borj.
Napasubo ulit ng pagkain si Roni habang napapaisip. Sa bawat pag nguya nito ay para bang ang lalim ng mga detalyeng pumapasok sa isipan niya. Pero, mayamaya lamang ay bigla siyang napalunok at napainom ng orange juice.
"There's really something wrong with our group?" bulalas ni Roni.
Sa katagang iyon ay mukhang nakakatunog na ang dalaga. Naningkit naman bigla ang mga mata ni Borj at mukhang hindi niya makuha ang gustong ipinapahiwatig ni Roni.
"Ano?"
"I have this feeling na, pinagtataguan nila tayo. Para bang umiiwas ang barkada sa isa't isa." Malakas ang kutob ni Roni na gano'n nga ang ginagawa ngayon ng barkada.
"Talagang naisip mo pa 'yan, imposible." Natatawa na lamang si Borj dahil sa mga pinagsasasabi ni Roni.
Ngunit, sadya lamang talagang malakas na ang radar ng dalaga at napapansin nga nitong ayaw ngang magpakita ng mga kaibigan nila sa kanila.
"Tingnan mo 'to, nagsasabi lang naman ako ng obyus. Nagpunta ako kina Junjun at Jelai no'ng nakaraang araw, pero may nakapagsabi sa'kin na nag-outing daw silang magpapamilya. And take note, dapat sa isang buwan pa ang uwi nina Kuya Yuan at Missy, pero biglaan ang alis nila kahapon," mga pahayag ni Roni.
Sa mga sinabing iyon ng dalaga ay unti-unti na rin nalilinawan ang isipan ng binata. Nakukuha na rin nito ang punto ni Roni. Sa oras na iyon ay talaga ngang naniniwala na si Borj sa dalaga na pinagtataguan o nilalayuan sila ng kanilang barkada.
"Mukhang ayaw talaga nilang magkabati-bati. Nakaamoy siguro na kakausapin natin ulit sila. Paano ba 'yan, wala naman napala 'yung pagbabakasyon ko dito kung 'di ko rin naman makakasama ang iba nating barkada." Nilalaro-laro na lamang ni Borj ang kanyang pagkain.
Malungkot pa ang mga mata niyang nakatitig lang sa pagkaing nasa plato niya. Roni really can't stand kung gaano kalungkot si Borj sa mga oras na iyon. Kaya nag-isip na lamang ito para pasayahin ang binata.
"Hayaan na muna natin sila. Magkakaayos din ang mga 'yun. Kailangan lamang nila ng sapat na araw para makapag-isip. At saka, hindi ba kaibigan mo rin naman ako? Nandito pa ako, pwede naman tayong magsama---I mean, maaari namang kahit tayo lang dalawa muna ang magkasama."
Napaangat bigla ang ulo ni Borj at dali-daling napatingin sa gawi ni Roni. Ang laki na naman ng kanyang ngiti na abot hanggang tainga.
"Talaga?" Dahil sa sobrang saya, mahigpit pang napahawak si Borj sa kamay ni Roni.
But on the other hand, Roni doesn't want those moment to get awkward again. Minabuti na lamang nitong bawiin ang kamay niya.
"Pwede tayong mamasyal. Tutal, sina Mommy at Daddy naman ngayon ang nakatoka sa restaurant, free ako." Nakangiti lamang si Roni habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Napapailing na lamang ang dalaga habang binilisan naman na ng binata ang paglantak ng pagkain. Borj was just so excited that finally, he can spend more time with Roni. Matagal na rin naman niyang gustong mamasyal kasama ang dalaga.
ʕ •ᴥ•ʔ
There was this fine young lady, wearing a mini silver dress. The way she walks feels like she was in a runway stage. She also have this aura of being a model, her long hair were wavy, just like the curve of an ocean wave. Hawak-kamay pa sila ng isang batang lalaki na nasa edad na anim. Ang isang kamay ng dalaga ay hila-hila ang isang malaking maleta.
Hindi maipagkakaila kung gaano katangkad at kaganda ang hubog ng katawan ng dalaga. Kapansin-pansin din ang lahi nito ng pagiging Amerikana.
Naglalakad ngayon ang dalawa palabas ng airport. May kausap pa ang dalaga sa kanyang telepono.
"Hello Tita? Opo, nakarating na kami ni Mori sa Pilipinas. We're both now excited to see Borj," nagagalak pa nitong wika.
["It was nice to know that, Ellaine. Paki-ingatan na lamang si Mori. I know that he's already excited to see Borj."]
"I will, Tita," tugon nito at iyon naman na ang huli nilang pag-uusap sa telepono.
Kusang si Ellaine na ang pumatay ng tawag at doon na nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad.
Tiyak na magugulat si Borj kapag nalaman niyang nasa Pilipinas ang dati niyang kasintahan. Samantala, napapangisi naman si Ellaine habang hindi mawala sa kanya ang pananabik na muling makita ang dati nitong kasintahan na si Borj.
Napatanggal pa ng shades ang dalaga saka nakataas pa ang isa nitong kilay.
"I can't wait to see you again, Borj," bulong ni Ellaine.
Mayamaya lamang, napatingin naman si Ellaine sa kahawak-kamay nitong batang lalaki na si Mori. Nginitian lamang niya ang bata at gano'n din ang ginawa nito sa kanya. Makikita kung gaano kasaya si Mori na kapansin-pansin pang gusto na talaga niyang makasama muli si Borj.
"I'm going to see my Pops now!" bulalas na sinabayan pa ng hagikhik ni Mori.
ʕ •ᴥ•ʔ
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...