006

1.3K 183 178
                                    

Nasa counter ngayon si Roni, abala itong nagbabalot ng marami-raming take out para sa isang costumer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa counter ngayon si Roni, abala itong nagbabalot ng marami-raming take out para sa isang costumer. Kasama naman doon ng dalaga ang kaibigan nitong si Jelai. Naisipan kasi ni Jelai na tumulong muna sa may restaurant nina Roni dahil wala naman itong magawa sa kanilang bahay, wala rin naman siyang pasok dahil may day-off ito ng dalawang linggo.

"Balita ko sa asawa kong si Junjun na makikipag-usap na raw sa'yo si Basti. Handa ka na bang harapin siya?" seryosong tanong ni Jelai na may halong pag-aalala.

Tumango lamang si Roni habang patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Wala siyang imik at tanging mga kilay nito'y nagkakasalubong pa.

"Roni, I hate to say this, pero paano kung excuses lang pala ni Basti ang closure na pag-uusapan niyo? Paano kung makikipagbalikan siya,"

Hindi na mapigilan ni Jelai ang mag-isip ng kung anu-ano. She can't help it but to jump into conclusions.

"I don't think that Basti would do that. I do still love him, pero kung gano'n man ang mangyari, hindi ko na siya babalikan."

Napabunghalit ng tawa si Jelai. Napapangiti siya na para bang gusto nitong mang-asar. Hindi pa nito tinantanan si Roni at mahinang tinusok niya pa ito sa kanyang tagiliran.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, nagmu-move on ka na. Congrats, Roni! Nagising ka na rin sa katotohanan," diretsahang saad ni Jelai. Alam din kasi ni Jelai na ilang beses nang nakipagbalikan ang kaibigan nito sa binata kaya gano'n na lamang siya kasaya nang masabi nitong tatanggi na mismo si Roni kung magkataong makikipagbalikan man si Basti.

Napapatalon pa sa saya si Jelai habang napapapalakpak. Hindi mapigilan ni Roni ang mapangiti dahil sa kakulitan ni Jelai. Mayamaya lamang ay sinita na ni Roni ang kaibigan nitong tumahimik na dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng restaurant.

"Jelai, you should behave," sita ni Roni.

"Oo na. Siya nga pala. Mamayang gabi na ang Valentine's Night Ballroom. Mas ako pa ang kinakabahan para sa'yo." Napahawak pa si Jelai sa kamay ni Roni ngunit agad binawi ng huli ang kanyang mga kamay.

"Jelai, ang lamig ng kamay mo. Ganyan ka ba kanerbyosa?" si Roni.

Tumango lamang si Jelai at ngumiti, tumawa na lang si Roni saka ito napailing. Muli na lamang ibinaling ng dalaga ang paglalagay ng mga nakabalot na pagkain sa loob ng paper bags.

ʕ •ᴥ•ʔ

Valentine's Night Ballroom

Ngayong gabi na ang pinakahinihintay ng magbabarkada na Valentine's Night Ballroom. Nakapag-ayos na sina Yuan at Missy, tanging si Roni na lamang ang kanilang hinihintay.

"Where's Roni? Naririnig ko na ang tugtugin, mukhang nagsimula na ang sayawan," nababagot na wika ni Missy.

"Kahit man mahuli tayo sa party, isasayaw pa rin kita," pa-sweet pang wika ni Yuan. Hinawi pa niya ang buhok ni Missy saka ito inipit sa tainga nito.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon