016

1.1K 139 103
                                    

Umuwing pagod na pagod ang dalagang si Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umuwing pagod na pagod ang dalagang si Roni. Sa hindi nito makayanang pagangalay na mga paa ay binagsak na lamang niya ang katawan sa may sopa. Tanging sa araw lang na iyon naging abala si Roni sa restaurant, sa dami ba kanina ng mga kostumer ay talaga ngang pati utak niya'y hindi na rin makapag isip ng maayos, parang gusto na rin nitong magpahinga na at matulog.

Ngunit, natutuwa rin naman ang dalaga dahil kahit papaano ay dumagdag si Borj kanina sa restaurant para tumulong. Mayamaya ay ipinikit na muna ni Roni ang kanyang mga mata, naisipan niyang maidlip na lang muna.

Roni was really drowned from being exhausted, ni hindi na niya namalayang naupo na sa tabi niya si Mommy Marite. Marahang tinapik pa ni Mommy Marite ang balikat ng kanyang anak na siyang dahilan upang mapabalikwas sa kinahihigaan niya si Roni.

"Anak, sa kwarto ka na matulog," mahinhin na wika ni Mommy Marite.

Napakusot pa ng mata si Roni saka ito humarap sa kanyang Ina.

"Sorry Mommy, napagod lang talaga ako. 'Di ko na rin namalayan na nakatulog na ako." Napasapo na lamang sa mukha si Roni at pilit na ginigising ang inaantok na katawan.

Mayamaya lamang ay biglang naalala ng dalaga ang mag-asawang sina Yuan at Missy. Napalinga-linga pa ang dalaga sa kanyang paligid at pansin niyang tahimik ang kanilang bahay. Wala siyang marinig na kahit anong ingay ng isang bata na naglalaro o kahit na boses man lang ni Yuan na siyang nang-aasar.

"Mommy, nasaan sina Kuya Yuan at Missy? Natutulog na ba si Yohan?" tanong ni Roni.

"Umuwi na sa kanila. Hindi ba nasabi sa'yo ng kapatid mo? Biglaan nga ang lahat. Siya nga pala, dumaan ka ba sa bahay nina Jelai? Naisauli mo na ba 'yung hiniram kong blower?" si Mommy Marite.

"Dumaan ako sa bahay nila no'ng pag-uwi ko, pero wala akong nadatnan. Sinabi ng kapit-bahay nila na nagbakasyon raw sila."

From that moment, biglang naisip ni Roni na para siyang tinatakbuhan ng mga kaibigan niya. She can't help but to think na gusto munang magpalamig ng ulo ang barkada dahil sa gulong namamagitan sa kanila.

"Akala ko nga ay magtatagal pa sila Yuan at Missy dito, kasama si Yohan. Ikaw Roni, babalik ka na rin ba sa bahay mo?" tanong ni Mommy Marite. Bahagyang nalungkot siya dahil gano'n na lamang kabilis umalis ang anak nito kasama ulit ang pamilya niya.

Napailing lamang si Roni. "No Mommy, I'll stay here for a couple of days. I have lots of reasons to stay here."

Biglang napangiti ng nakakaloka si Mommy Marite, saka ito mapangantyaw na napatitig sa kanyang anak. Sa oras na iyon, ang tanging tumatakbo sa isipan ni Mommy Marite ay si Borj. Naiisip kasi nitong isa sa dahilan ang binata kung bakit magtatagal pa si Roni.

"I see! So how's the restaurant, how's your day?"

"It's quite stressful, but it was fun at the same time. Tumulong si Borj kanina," masayang pagkukwento ni Roni.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon