010

1.3K 158 119
                                    

"Alam niyo, hindi na nagiging maganda ang turingan nina Borj at Roni sa isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam niyo, hindi na nagiging maganda ang turingan nina Borj at Roni sa isa't isa. Para na silang aso't pusa," reklamo ni Basti.

Napahampas pa ang palad niya sa mesa saka ito sumandal. Napapailing pa ito habang iniisip ang pangyayari kanina.

"Sanay na ako sa away-bati nina Borj at Roni, pero mas malala ang isang ito. 'Di pa rin nawawala sa utol ko ang pagiging maldita niya. Para bang may galit na wala sila sa isa't isa," pagpapatuloy ni Yuan.

Simula pagkabata ay talaga naman ng magkaaway na sina Borj at Roni, minsan pa nga'y napagbubuhatan ng kamay ng dalaga ang binata, ngunit mas matindi lamang sa panahong ito dahil hindi na normal ang sagutan na ginagawa ng dalawa at hindi iyon mahirap mapansin. Sadya lamang may pinanghuhugutan silang pareho.

"Kita niyo naman kanina kung paano sila magbatuhan ng nakaraan no'. Parang may kasamang panggigigil," umakto pa si Junjun na parang nanggigigil.

"Ito naman kasing si Basti. Kung bakit mo pa kasi nasimulan 'yang topiko tungkol sa diary ni Roni, ayan tuloy, parang nakasaksi tayo ng pagsabog ng dalawang bulkan na magkasabay," nanisi pa si Yuan ng 'di oras.

"Malay ko bang bigla na lang sila magsasagutan tungkol sa nakaraan nila." Walang nagawa si Basti kung 'di ang mapakamot na lamang sa ulo.

Hindi naman napigilan ni Junjun ang magsalitang muli. "Throwback? Rewind? Muling ibalik? Team 'di maka-move on?"

Hindi nakapagpigil si Jelai kaya't binatukan na lamang niya ang sariling asawa. Kung hindi pa niya iyon gagawin ay tiyak na masasabi na ni Junjun lahat ng talasalitaan.

"Ano ba 'yan Junjun, kung wala ka naman ng magandang sasabihin e tumahimik ka na lang diyan," sita ni Jelai.

Bago pa ulit magkagulo ay napatayo na lang bigla si Missy at marahas na hinampas ang mesa na siyang nagdulot ng malakas na tunog. Doon natigilan ang lahat dahil sa gulat. Inisa-isa pang tiningnan ni Missy ang mga kaibigan niya at nang mapagtantong nakatingin na sila lahat sa gawi niya ay doon naman na siya nagsimulang magbigay ng kanyang pahayag.

"Are you guys really that dumb or numb? Kapansin-pansin namang hindi alam ng dalawa kung papaano umakto ng parang normal kapag magkaharap na sila." Pinapamukha talaga ni Missy sa lahat ng mga kasama niya na talagang wala silang kaalam-alam.

Everyone was clueless except for Missy. Sadya lamang napapangunahan lang ng pagkalito ang karamihan kaya't hindi sila makapag-isip ng matino.

"Kapansin-pansin naman na hindi lang talaga marunong sina Borj at Roni na makipag-usap ng matino. May awkward, kasi nga----" sinadyang pinutol ni Missy ang kanyang sasabihin dahil gusto nitong sumagot ang mga kabarkada niya.

Hindi man sigurado ang lahat, ngunit sinubukan pa rin nilang sumagot kahit may pagdududa.

"They both like each other!" tugon ng lahat.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon