Nagkanya-kanya na ng lakad ang magbabarkada. Pasimple namang nagpapaiwan si Basti dahil sa kanina pa nitong pinaplano na magtungo sa bahay nila Borj. Nang mapagtanto nitong nakakalayo na ang mga kaibigan niya'y, doon na siya kumuha ng pagkakataong magtungo sa kaibigan nito.
Samantala, saktong papasok na ng bahay si Borj kasama ang anak nitong si Mori. Kagagaling lamang nilang dalawa sa may palaruan.
"Did you have fun, Mori?"
"Yes Pops! But if only we could stay here longer, I want to spend more time playing with my new friends I met." Ang ngiting nasa labi ni Mori ay napalitan ng pagkabusangot.
Sa araw pa na nagkaroon siya ng bagong kaibigan ay panandalian lamang niyang makakasama ang mga iyon.
"But you also have friends in America, right? What's their name again, Cole, Hector and Milly? I'm sure, they miss you already,"' wika ni Borj.
Napailing naman ang batang si Mori saka niya hinawakan ang kamay ng Ama nito. "They are no longer my friends, Pops. They bully other kids in my school and you thought me not to be friends with bad kids."
"What did you do then? You should tell your friends not to make fun with other people," ani Borj.
Pilit na lamang napangiti si Borj sa kwento ng anak niya. Maski sarili nitong anak ay hindi na niya natututukan. Niyakap na lamang niya ng mahigpit ang bata saka ito hinalikan sa ulo niya.
"Pops, you're squeezing me!" pilit pang tinutulak ni Mori ang Ama nito papalayo sa kanya.
"Sorry Mori," natatawang wika ni Borj.
Mayamaya lamang, tuluyan ng nagtungo ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay. Sa pagbukas pa lang ni Borj sa may pinto ay saktong dumating naman si Basti. Seryoso ang titig nito habang pilit na kinakalma ang loob-loob niya.
"Borj," malimit na sambit ni Basti sa pangalan ng kanyang kaibigan.
Napalingon agad si Borj sa gawi ni Basti. Napakunot noo pa ang una dahil sa hindi inaasahang pagbisita sa kanya ni Basti.
Saglit namang ibinaling ni Borj ang tingin nito sa kanyang anak saka niya iyon kinausap.
"Mori, you go inside first. Your Pops will just talk to someone," utos ni Borj sa anak niya.
Napatango lamang si Mori at tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay. Mayamaya lamang ay doon na niya tuluyang itinuon ang pansin sa kaibigan niyang si Basti. Habang nananatiling nakakunot noo'y papalapit naman na siya sa gawi ng binata.
"What are you doing here, Basti?" tanong ni Borj. Sa boses pa lamang nito ay mukhang wala na siyang gana na makipag-usap.
Laking pagtataka lamang ni Borj kung bakit napadpad si Basti sa kanyang bahay. Hindi rin naman maipagkakaila na sobrang seryoso pa rin ni Basti sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...