037

809 81 15
                                    

Sa may waiting area

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa may waiting area. Tahimik lamang ang tatlo na nakaupo, may sari-sarili pa silang mundo at makikita ang bawat distansya nila sa isa't isa.

Samantala, abalang nanonood si Mori sa kanyang ipad habang nakasalpak sa tainga niya ang earphone. Kumukuha naman ng buwelo si Ellaine upang kausapin si Borj na tulala na sa kasalukuyan.

Napabuntong hininga pa ang dalaga at pilit na kinakalma ang sarili. Mayamaya lamang ay napatikhim na siya't tuluyan ng humarap sa gawi ng binatang si Borj.

"I know what you did, Ellaine. Pero salamat na rin at kahit papaano, nakausap ko pa rin sila bago tayo aalis." Pinangunahan na ni Borj si Ellaine bago pa man ito makapagsalita.

Doon naman napabuga ng hangin si Ellaine habang napasandal na lamang ito sa kanyang kinauupuan. Napapailing na lamang ito habang dismayado sa naging resulta ng plano niya.

"Umalis ka na lamang ng walang paalam sa mga barkada mo? What the heck, Borj. Anong klaseng kaibigan ka? Para kang bilanggo na tumakas sa kulungan saka tinataguan ang mga pulis. Mabuti na lamang at tinawagan ko si Tonsy, kahit papaano ay nakahabol pa rin sila na ihatid ka papasok ng airport," wika ni Ellaine. She even rolled her eyes from being so disappointed at the moment.

"Close pala kayo ni Tonsy, I didn't know that," tugon ni Borj.

"Marami ka talagang hindi alam," pamimilosopo ni Ellaine.

"I hate goodbyes, Ellaine. Maiintindihan na siguro nila ang ginagawa ko."

"Masaya ka ba sa naging desisyon mo?" paninigurado ni Ellaine.

Napatawa naman si Borj saka ito napangisi sa huli. Hindi lamang kasi niya inaasahan na tatanungin siya ng gano'ng bagay ni Ellaine. Unang beses lamang kasi siya nitong tinanong ng ganoon na topiko.

"That's a first. Are you just being curious or you're actually concern?" pamimilosopo ni Borj.

Hindi lamang sanay ang binata na minsan ay nag-aalala lang sa kanya si Ellaine. No'ng sila pa kasi no'n ng dalaga ay pansarili lamang ni Ellaine ang iniisip nito. She's been a manipulator back then. Ni hindi nga siya marunong makunsensya at laging pride niya ang pinapairal.

Hindi rin lubos maisip ni Borj na nakayanan pa ni Ellaine na makikuntsaba kay Tonsy para lamang pigilan siya na huwag ng umalis.

"Both!"

"Anyways Ellaine, I'm really sorry. Nasabihan pa kita ng masasakit na salita no'n." Borj sincerely apologized to Ellaine.

Napangiti naman si Ellaine. Natututwa na rin ito at kahit papaano ay narinig na niya mula sa bibig ng binata na pinapatawad na siya nito.

"Deserve ko naman na 'yun. At saka tapos na ang lahat. Kung wala naman na talagang tayo, I respect that. Utak lang ang pinapatakbo ko, I'm not like you na pati puso e kailangan magtrabaho. Alam ko naman ng hindi na ako ang mahal mo," ani Ellaine.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon