Hindi namamalayan ni Roni na dinala na siya ng kanyang mga paa sa may clubhouse. Iniisip lamang kasi nito kanina pa na makaalis mismo sa lugar na kung nasaan ang ex-fiancé ni Borj.
Dahil sa halo-halong emosyon--- sakit at pagod. Napahawak na lamang sa kanyang dibdib ang dalaga saka ito napasandal sa pader. Para itong namilipit sa sakit at bigla-biglang nagsibagsakan ulit ang mga luha niya.
"Bakit?" Those pain from Roni comes in waves, they were too strong and she felt like she swept away.
Roni wants to ride those waves, but it seems like she will end up drowning on its own miserable moments. Ngayon pang maganda na ang samahang nabuo nila ni Borj ay doon naman may eeksena bigla.
Pakiramdam tuloy ni Roni na pinaglalaruan lang siya ng kanyang tadhana. Hindi rin matanggal sa isipin niyang, marahil ay wala na nga siyang pag-asa na mahanap pa ang lalaking magmamahal sa kanya ng walang bumabalakid.
"Ngayon pa talaga? Sh!t, ang tanga mo Roni," napamura na lamang ang dalaga.
Gusto na muna ni Roni ang mapag-isa upang makapag isip-isip ng maayos, marahil siguro'y napadpad siya sa clubhouse dahil iyon ang magandang lugar na maaari niyang paglabasan ng mabibigat niyang nararamdaman.
Minabuti na lamang ng dalaga na pumasok sa tambayan, at sa pagbukas nito sa may pinto, doon niya narinig na may nagtatawanan sa loob. Napatigil bigla ang dalaga nang malaman niyang sina Basti, Junjun, Tonsy at Yuan iyon.
Hindi na tinuloy pa ni Roni ang siyang tuluyan niyang pagbukas sa pinto at mas inisip na lamang niyang makinig na muna sa pinag-uusapan ng barkada.
Hindi niya alam kung bakit may nag-udyok sa kanya upang gawin niya ang bagay na iyon. Napasilip na lamang si Roni sa may maliit na giwang ng pinto.
"Grabe, nakakapagod mag-prepare ng friendly dinner date," reklamo ni Yuan.
"Isipin mo na lang, it will be all worth kapag nasabi na ni Borj ang gusto niyang sabihin kay Roni," si Tonsy. Mahinang tinapik-tapik pa niya ang balikat ni Yuan.
"Pero kinabahan talaga ako kanina, akala ko mabubuking na tayo nina Borj at Roni. Ang galing talagang magpalusot ni Yuan." Nagpipigil man ng tawa si Junjun ay nagawa niya rin namang maituwid na bigkasin ang kanyang sinabi.
"Mabuti na lang talaga. Kung bakit pa kasi hindi na tayo gumawa ng plano na magkaayos ang barkada? Kailan tayo titigil sa pagkukunwari natin?" si Basti.
Napatingin naman ang lahat sa gawi ngayon ni Junjun. Alam kasi nilang si Junjun lamang ang pwedeng makapagpatapos sa plano dahil siya naman ang pasimuno no'n.
"Ang sama niyong makatingin!" Napasandal pa ng 'di oras si Junjun sa kinauupuan niya nang mapaatras ito.
"Kailan ba natin tatapusin ang pagkukunwaring ito?" reklamo ni Yuan.
"Can't we just do it tomorrow?" suhestyon ni Tonsy.
Napatayo pa si Junjun saka ito napahalukipkip. Para bang nasa isa itong pagpupulong na napakaseryoso kung kumilos.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...