Matapos mababaan ng tawag si Tonsy, hindi na nito mapigilan ang mapadalawang isip. Inaalala lamang niya ang naging payo ng mag-asawang Salcedo sa kanilang magbabarkada.
Hindi pa niya alam kung anong nararapat niyang maging desisyon sa oras na iyon.
"Think Tonsy? Anong gagawin ko? Kung hindi ko susundin si Ellaine, we won't be able to see Borj again. But if I and my friends will go to the airport, baka mapakiusapan pa naming mag-stay pa si Borj," ani Tonsy sa kanyang sarili.
Ni hindi na nga ito mapakali sa sobrang pag-iisip ng kanyang gagawin. Kanina pa siya palakad-lakad sa may hardin nila na mapapansing tense na tense na ito.
Sa hindi inaasahan, dumating naman ang buong barkada sa bahay ni Tonsy at doon nila naabutan ang huli na sobrang problemado. He's walking back and forth looking so stress at the moment.
"Anong ginagawa ni Tonsy?" tulirong tanong ni Junjun.
Napakibit-balikat lamang si Yuan saka ito sumagot, "Malay ko, maaga pa naman. Sigurado akong nag-eerhisyo lang 'yan."
Samantala, parehong napakunot noo si Missy at Jelai habang nakatitig na kay Tonsy.
"Meron bang nag-eerhisyo na sinasabunutan ang sarili?" pilosopong tanong ni Jelai at napaturo pa siya sa gawi ni Tonsy.
"What is he doing?" ani Missy.
Hindi na lamang nag-aksaya ng oras ang magbabarkada at sabay-sabay na lamang silang nagtungo sa gawi ni Tonsy. Ngayon lamang ulit nila nakitang gano'n kaproblemado ang kaibigan nila.
"Tonsy, ang aga naman yata para ma-tense ka? Manganganak na ba Misis mo?" pagbibiro pa ni Junjun. Napabunghalit pa ito ng tawa, ngunit sinita lamang siya ni Jelai upang umayos.
Agad napatigil si Tonsy sa kanyang ginagawa nang makita niyang nasa harapan na pala niya ang kanyang mga kaibigan. Napaayos pa ito ng kanyang buhok na para bang hindi na niya alam ang umakto ng normal.
"Tonsy, ano bang problema mo? Bakit ba parang nakakita ka ng multo?" Napahalukipkip na lamang ng kamay si Jelai.
Sa sobrang pagkalito'y napapunas na lamang ng mukha si Tonsy. Napabuntong hininga pa ito at pinipilit na maging mahinahon.
"Everyone, you listen. Ngayon na ang alis ni Borj!" hingal na wika ni Tonsy sa mga kaibigan niya. Parang nagbi-beat pa siya ng Lupang Hinirang dahil sinasabayan ng pagkumpas ng mga kamay niya ang sinasabi nito.
Dahil sa tugon na iyon ni Tonsy, hindi naiwasan ng magbabarkada ang mapamulat ng sobra dahil sa pagkagulat. Nagkatinginan pa silang lahat na para bang nagpapasahan ng iniisip sa kasalukuyan.
Ngunit, maliban kay Basti. Walang reaksyon ang siyang nasa mukha niya sa kasalukuyan. Hindi na rin ito magugulat dahil kahapon pa man ay alam na niyang aalis na ang kaibigan nilang si Borj. Ngayon din sana niya iyon sasabihin sa mga barkada ang tungkol doon, pero nasabi naman na ni Tonsy.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...