Special Chapter Part 2
Year 2029
Junjun and Jelai
TimeTinanghali na ng dating si Junjun galing ng kaniyang trabaho. Kapansin-pansin na ang maiitim na pumapalibot sa kaniyang mga mata. Puyat at pagod na pagod na ang siyang nararamdaman nito sa kasalukuyan.
Sa sobrang pagkaantok ay napahiga na lamang si Junjun sa may sopa. Sa hindi naman inaasahan, dumating bigla ang mga anak nitong sina Jessie at Justin sa may sala. May dala-dala silang mga gamit pang-eskwelahan.
"Daddy, look at my drawing. Isn't it so beautiful?" Masaya pang ipinakita ni Justin sa Ama niya ang iginuhit nito. Inilapit pa niya iyon sa mukha ni Junjun para lamang mapansin niya iyon.
Mayamaya lang din, itinulak naman ni Jessie ang kapatid nito at ang hawak-hawak nitong kwaderno ay hindi nagdalawang isip na itinutok iyon sa pagmumukha ngayon ni Junjun.
"Daddy, help me with my math homework," pamimilit ni Jessie.
Dahil gusto rin naman ni Justin na siya ang maunang mapansin ng kanilang Ama ay marahas niyang itinulak ang kaniyang Ate Jessie.
"No! Daddy, ito muna tingnan mo," bulalas ni Justin.
"Hindi, magpapaturo muna ako kay Daddy. Daddy, ako unahin mong pansinin," sigaw ni Jessie.
Sa sobrang inis ay napatayo bigla si Junjun. Marahas niyang hinawakan sa braso sina Jessie at Justin na siyang dahilan upang mabitawan nila ang mga hawak-hawak nilang kagamitan. Nagpupuyos na sa galit si Junjun at makikita kung gaano katatalim ang siyang ipinupukol na tingin nito sa mga anak niya.
Natakot bigla ang mga bata sa Ama nila. Nagbabadya na ring bumagsak ang mga luha ni Justin dahil sa pagkagulat nito kanina.
"Hindi ba kayo titigil! Ang iingay ninyo, ang kukulit niyo pa. Can't you see, I'm exhausted! Gusto niyo bang mapalo ko kayo para magsitigil kayong dalawa," bulalas ni Junjun. Ni hindi na nga niya namamalayang humihigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso ng kaniyang mga anak.
Impit pang napapikit si Justin habang tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha nito. Ang panganay naman na anak ni Junjun na si Jessie ay pasimpleng kumakawala.
"Daddy, you're scaring us," natatakot na wika ni Jessie.
Ilang segundo lamang, doon naman na napahiyaw si Justin at hindi na ito matigil sa pag-iyak. Halo-halong emosyon ang siyang nararamdaman nito ngayon.
Doon naman na saktong dumating si Jelai galing sa likod bahay. Katatapos lamang kasi nito na magsampay ng kaniyang nilabhan. Nagulantang na lamang ito nang makita niyang umiiyak na ang bunso nitong anak na si Justin.
Dali-daling nagtungo si Jelai sa mag-aama nito at nag-aalala niyang binawi ang mga anak sa kaniyang asawa. Napakunot pa ang noo nito habang binibigyan ng nakakalitong reaksyon si Junjun. Napayakap pa ang dalawa nitong anak sa kaniya kalaunan.
"Junjun, ano bang nangyayari? Bakit ba umiiyak si Justin?" mga tanong ni Jelai.
Napasapo na lamang sa mukha si Junjun saka ito napabuntong hininga. "Ang iingay kasi nila, hindi ko napigilan ang sarili kong mapagtaasan sila ng boses." Napaupo na lamang sa sopa si Junjun saka ito napapailing.
Mayamaya lamang, pinapunta muna ni Jelai ang mga anak nito sa kani-kanilang kwarto, para sa gayon ay makausap niya ang asawa niya. Agad nagtungo ang magkapatid sa taas at nang may marinig si Jelai na pagsara ng pinto'y doon na niya muling ibinaling ang pansin kay Junjun.
"Junjun, alam kong pagod ka galing sa trabaho. Pero, sana naman hindi mo tinakot ang mga bata ng gano'n," seryosong wika ni Jelai.
"Wala akong oras na makipagdiskusyon sa'yo, Jelai. Konting katahimikan naman sa bahay na 'to, pagod ako sa pag-aasikaso sa mga kasong hinahawakan ko. Besides, I have to win another case so I can have the money, you know what that could buy?" tugon ni Junjun.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...