Special Chapter Part 1
Year 2029
Yuan and Missy
TeamworkHindi na matigil sa pag-iyak ang sampung taong gulang na si Yohan, madiin pa niyang tinatakpan ang kaniyang tainga habang nakayuko ito sa sulok ng kaniyang kwarto.
Dinig na dinig ng bata kung papaano magsigawan ang mga magulang niya sa gabing iyon. Unang beses lamang mangyari sa mag-asawang sina Yuan at Missy ang magkaroon ng gano'ng klaseng away sa labing-isang taon nilang pagsasama. Halos hindi na sila natigil na magpalitan ng panunumbat.
"Kailan pa 'tong problema mo, Yuan?! Answer me!" pamimilit ni Missy habang hawak-hawak niya lahat ng mga papeles na nagkakaloob ng mga sulat tungkol sa bills, request from the bank, at kung anu-ano pa tungkol sa pagkuha ng banko sa negosyo.
"Tatlong buwan," tugon ni Yuan.
"And you didn't tell me?!" Missy shouted as she firmly hold the the papers.
"I was ashamed!"
Missy was surprised on what Yuan answered. Ni hindi ito makapaniwalang gano'n lamang ang maisasagot sa kaniya ng asawa niya.
"Seriously Yuan! You're ashamed, coming from you?! Pera na ang pinag-uusapan dito, Yuan. It's important to tell me what happened to your shop. Asawa mo ako, I'm willing to help you. I'm willing to give you my savings just to save your gear shop!" Nasasaktan lamang ng labis si Missy dahil nakayanan ng asawa niyang si Yuan na pagtaguan siya ng gano'ng sikreto.
Ang akala lamang ni Yuan ay mas nakabubuting hindi na niya sabihin pa ang dahilan ng problema sa negosyo niya, dahil sa tingin nito'y makakaya pa naman niyang isalba iyon. Ngunit, nagkamali siya. Ngayon ay mawawala na ng tuluyan ang shop niya kapag hindi pa ito nakapagbayad ng tax at ng mga iba pang gastusin.
"I did try to tell you, pero mas nauna lamang ang pride at hiya ko."
"You didn't trust me, don't you?" a serious question from Missy."
Her eyes were red, a sign that she was crying for almost a minute. And her tears were flowing nonstop at the moment. Pakiramdam tuloy ni Missy ay hindi na siya pinagkakatiwalaan ng asawa niya.
"Hindi sa gano'n! I trust you. Hindi ko naman kasi akalain na scammer pala 'yung nakunan ko ng supply. That's a hundred thousand in cash na nawala sa'kin. Kung sa'kin 'yun nawala, ako rin dapat ang makapagpabalik no'n," mga dahilan ni Yuan.
Napailing lamang si Missy dahil sa mga dahilan ng kaniyang asawa. Para bang napapamukha lamang sa kaniya na wala na siyang karapatan pang tumulong sa asawa niya.
"Not all the time, you can do it all by yourself, Yuan! Asawa mo ako, nandito rin ako para tulungan ka," mariing tugon ni Missy.
"Hindi ko kayang pati ikaw ay mamroblema pa dito sa nagawa kong mali. I love you Missy, hindi ko hahayaan na ang mahal ko ang masali sa problemang ginawa ko,"
"I hope when you say those words, you were actually sincere and it wasn't just your hobby," malungkot na litanya ni Missy.
Hindi na nakakayanan ni Missy ang mga ganitong pagtatalo, naisipan na lamang nitong magtungo sa master's bedroom at doon na muna siya matutulog. Hindi pa nito kayang makasama sa iisang kwarto ang asawa niyang si Yuan.
ʕ •ᴥ•ʔ
Kinabukasan, sa bahay ng mag-asawang Jimenez. Nabulabog sina Borj at Roni dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng kanilang doorbell. Dahil sa inis ay napapunas pa ng mukha si Borj habang inis na nagtungo sa may gate.
"Ano ba, ilang pindot mo pa diyan sa doorbell namin?"
Padabog na binuksan ni Borj ang gate. Hindi niya inaasahang bubungad sa harapan niya ang umiiyak na si Yohan. Sa pagkataranta ay inalalayan niya itong makapasok sa loob ng bahay. Nalilito pa ito na nag-aalala dahil hindi na matigil sa paghikbi ang bata.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...