Umuwing luhaan si Roni. Para na rin itong multo kung maglakad sa sobrang bagal. Nanlambot pa ang mga tuhod niya ngayon at unti-unti na siyang napalupasay sa sahig at napapayakap sa kanyang binti. Hindi pa niya masabi ngayon kung gaano na siya nasasaktan ng lubusan.
Nanginginig pa ang katawan niya sa paghahagulgol. Wala ng mas sasakit pa na marinig mismo sa pinakamamahal mo na sabihin niyang muli ka niyang iiwan.
Gustong mapasigaw ngayon ni Roni upang iwala ang siyang mabigat na bagay na pumapasan sa kanya. Samantala, bago umuwi si Mommy Marite, naisipan naman niya na daanan muna ang anak niyang si Roni upang kamustahin ito.
Ngunit, hindi naman inaasahan ni Mommy Marite na madadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa sahig.
"Roni!" napatakbo agad si Mommy Marite sa gawi ng anak niya.
Dahan-dahan lamang niyang inalalayan ang anak para parehas silang maupo sa sopa. Hindi na matigil sa pag-iyak si Roni at ang mga mata nito'y namumula na.
"Anak, ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalala pang pinupunasan ni Mommy Marite ang siyang mga luha ni Roni.
Sa sobrang lungkot ay napayakap na lamang ang dalaga sa Ina nito. Wala ng nagawa si Mommy Marite kun'di ang haplusin ang likod ni Roni.
Ilang segundo ang nakalipas ay kumawala na rin sa pagkakayakap si Roni at malungkot na tumingin sa mata ng kanyang Ina.
"Ano ba ang nangyari, Roni? How's your conversation with Borj awhile back?" mga tanong ni Mommy Marite.
"Mommy, ang sakit," tanging sagot lamang ni Roni.
Alam na sa oras na iyon ni Mommy Marite na hindi naging maganda ang usapang nangyari sa pagitan ng anak niya at ni Borj. Bilang isang Ina, ramdam na ramdam nito ang hapdi sa puso ng dalaga.
"Iiyak mo lang, Roni," wika ni Mommy Marite.
Napapahikbi na ay pilit pa rin na nakikipag-usap si Roni sa Ina nito. Naisip na rin niyang, mas magandang ikwento niya ang nangyari kanina kay Mommy Marite.
"Aalis na naman si Borj, hindi ko na naman sa kanya nasabi ang totoo kong nararamdaman. Anong mangyayari sa'min? He left me again and I waited for the day that he's gonna come back, and now he just told me he's taking off again." Gustong manumbat pa ni Roni, ngunit alam niyang wala rin saysay iyon.
Hinawi na lamang ni Mommy Marite ang buhok ni Roni saka niya iyon inipit sa tainga ng huli. "Bakit hindi mo pa nasabi? Akala ko ba, ngayon ka na aamin?"
Sa pagkakaalam talaga ni Mommy Marite ay iyon nga ang gagawin ng kanyang anak. Kaya ngayon, laking pagtataka niya kung bakit hindi na naman nakapagsabi ng totoong nararamdaman niya ang dalaga.
"Nagkabuhol-buhol na ang dila ko kanina. Kung sana ako na lang 'yung unang nagsalita, hindi sana humantong pa sa gano'n ang usapan namin." Mapapansin ngayon ang pagsisisi ni Roni. If only she have the courage, pero sadyang nangunguna ang pagkapipe niya minsan.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...