Special Chapter 3
Year 2029
Basti Barrios
HappinessIt's been years has passed and Basti is getting fine with his personal life. Abala na nga siya ngayon sa tatlong taon niyang pinapalakad na hotel sa Baguio. Nasa receptionist area siya ngayon at patuloy lamang na may inaayos na mga papeles.
Ni hindi nga siya marunong mapagod. Mas natutuwa pa si Basti kung marami siyang ginagawa, para sa gayon ay may pagkakaabalahan siya.
Mayamaya lamang, may isang batang babae ang siyang tumatakbo ngayon patungo sa may receptionist area. Nasa edad tatlo na taong gulang na ito.
Sa sobrang kulit pa niya'y pinakialaman pa niya ang isang crotal bell na nakadisplay sa may counter table. Nilaro-laro niya iyon habang patuloy siya na nagtatatalon habang napapakanta. Agad napansin ni Basti ang ginagawa ng batang babae, kaya agad niya itong sinita.
"Violette! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi iyan laruan?" ani Basti, ngunit malumanay lamang niyang pinagsabihan ang bata.
Napatigil ang batang babae sa kaniyang ginagawa at dahan-dahan itong humarap kay Basti. The little girl just gave a big smile while slowly giving back the crotal bell on its original place.
"I'm sorry po, Papa." Napayuko na lamang ang ulo ng batang si Violette.
Napabuntong hininga lamang si Basti at dali-dali na lamang nagtungo sa gawi ng kaniyang anak. Binuhat niya iyon at doon naman na sila parehong nagtungo sa may lobby upang maupo na muna sa may parihabang sopa. Unang pinaupo ni Basti ang kaniyang anak saka siya tumabi sa kaniya.
"I'm really sorry, Papa. Naaaliw lang po talaga ako sa tunog ng crotal bell," muling paghingi ni Violette ng patawad.
Napatingin muna si Basti sa kaniyang relos saka niya muling tiningnan ang anak.
"Naiintindihan naman kita kung wala kang masyadong magawa dito. Ganito na lang, break time ko naman, sabihin mo sa'kin kung anong gusto mong gawin?" tanong ni Basti.
Napangiti naman ang batang si Violette at makikita ang pananabik nito.
"Talaga po, Papa?"
"Oo,"
Napapikit saglit si Violette at ilang segundo lamang ay napamulat siya ulit ng kaniyang mga mata. Masaya niyang tinitigan ang Ama at niyapos ito ng mahigpit.
"Can you tell me, kung paano kayo nagkakilala ni Mama?" request ng batang si Violette.
Mahinang napatawa si Basti dahil sa naging hiling ng kaniyang anak. Hindi naman na niya puwedeng tanggihan pa ang bata.
Muling nanariwa sa alaala ni Basti ang kaganapan sa kung papaano niya unang nakilala ang asawa tatlo na taon na niyang asawa na si, Viola. Paano ba niya makakalimutan iyon kung nakatatak na panghabang buhay iyon kay Basti. Natatawa na lamang siya kapag naaalala niya iyon.
Way back in year 2024, sa buwan ng Disyembre. Nagbakasyon mag-isa si Basti sa Baguio noon. He was in the middle of enjoying the breeze when he suddenly saw a girl taking a pictures on a pine trees.
"Never been on to trust a sale,"
Natigil bigla ang dalaga sa kaniyang ginagawa at tulirong napaharap sa gawi ng binatang si Basti.
"Kung may sale, hindi ko talaga maiwasang isipin na marahil ay dahil sa isang mahalagang okasyon. 'Di naman kaya, they have too much inventory, maybe it's because it's poorly made and they just wanted to get rid of it."
Napakunot noo ang dalaga sa kadahilanan hindi niya makuha-kuha kung ano ba ang pinagsasabi ni Basti sa kaniya. Ni hindi pa nga nito kilala ang binata at parang kung makipag-usap ito sa kaniya'y matagal na siya nitong kilala.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...