7 Months after
Borj and Roni's Wedding DayEveryone was surprised when they all learned that Borj and Roni were getting married, even though their relationships didn't reached a year. Ngunit, sadya lamang hindi importante kay Borj kung isang araw o ilang linggo lamang ang relasyon nila ni Roni, alam na naman nitong sa kasalan din mauuwi ang lahat.
"Pangako kong sa araw-araw ay liligawan kita," ang binitawang pangako ni Borj nang mag-alok ito ng kasal kay Roni.
Ginaganap sa kasalukuyan ang kasal nila sa campsite na kung saan doon nakatanim ang siyang halaman na sumisimbolo sa katatagan ng pagmamahal ng dalaga kay Borj.
Ang punong din iyon ang siyang magiging saksi sa muling pagbibitaw ng sumpaan nina Borj at Roni. Ngayon, hindi nga makapaniwala ang dalagang si Roni na muli pa siyang maglalakad papunta ng altar. Inihahatid pa siya ngayon ng Ama at Ina nito.
It was in the late afternoon when the light was flawless and there's a soft autumn glow. And the tree that stand as their altar, draped with soft white silk gently blowing the breeze. There is this aisle, split with crisp white chairs, doon lahat nakaupo ang mga saksi sa paglalakad ngayon ni Roni at ng mga magulang nito patungo kay Borj.
Samantala, hindi rin maiwasan ni Borj ang saya na nararamdaman nito. Hindi na rin makapaghintay pa si Roni na malapitan na ang binata.
"Paano ba 'yan pare, e 'di bayaw na ang tawag ko sa'yo ngayon? Totoong bayaw na!" natatawang wika ni Borj habang hindi pa rin matanggal ang tingin niya kay Roni na naglalakad na patungo sa kaniya.
"Sabihin mo na ang gusto mo, pero wa'g mo ng iiwan ulit si Roni," pagpapaalala ni Yuan.
"Promise 'yan bayaw!" ang pangakong binitawan ni Borj sa kaibigan nitong si Yuan.
Ang dati lamang na pabirong sinasabi ni Borj na bayaw kay Yuan ay naging totoo na sa kasalukuyan. Sa tuwing naaalala ng dalawa ang mga alaalang iyon ay natatawa na lamang silang pareho.
Halo-halong emosyon ang siyang nararamdaman na ng binata, ni hindi na nito namamalayang nakarating na si Roni sa gawi niya kasama ang mga magulang nito.
Bago man tuluyang pahintulutan ni Daddy Charlie na tuluyan ng magsimula ang kasal ay masinsinan niya munang kinausap si Borj.
"Hijo, marami na kayong napagdaanan na dalawa. Sana naman, 'wag niyo ng masaktan pa ang isa't isa. Kung may problema man kayong dalawa, 'wag kayong matakot na humingi ng tulong sa amin. Nandito lang kami lagi," paalala ni Daddy Charlie. Nagpipigil pa ito ng kaniyang luha dahil sa saya.
Hinawakan naman ni Mommy Marite ang mga kamay ni Borj saka siya napangiti. "You'll take care of Roni. 'Wag niyo ng iwanan ang isa't isa. Sa'yo ko na ipinagkakatiwala ang anak ko."
Napatango lamang si Borj at mangiyak-ngiyak na napapangiti. Mayamaya lamang ay doon na tuluyang binitawan nina Daddy Charlie at Mommy Marite ang pagkakahawak nila kay Roni.
Mayamaya lamang ay doon na sinimulan ng pari ang sermon ng kasal. Tahimik naman ang lahat habang sila'y nakikinig. Hindi rin matanggal ang saya at kilig na nararamdaman ngayon nina Borj at Roni. Pakiramdam pa nila'y para lamang silang nananaginip.
After few minutes has passed, doon naman na sinimulan nina Borj at Roni na magbitaw ng kanilang sumpaan.
Roni's Vow:
We were kids when we met--- I used to fantasize about this exact moment. Ikaw pa nga ang lagi kong naiimagine na Romeo at Prinsipe ko. The journey we had was indeed an adventure, and it really challenged us to work through hardships, obstacles and to become stronger in our communication, in our commitment and to our love. Lagi kong pinagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko, na ikaw ang lagi kong naging kakampi sa tuwing ang iba nating kasama ay tinutukso ako. You're my hero, my protector.
Pero, naging malungkot ako nang minsan ay umalis ka. Tama nga sila, you don't know what you have until it's gone. I was blind back then, I'm always denial with my real feelings. I only just realized how much I needed you on my daily basis. Ni hindi ka nawala sa puso't isipan ko. I realized just how much I needed you everyday, that I could not see a future without you in it.
You had thought me so much about how to love and how to be loved, that all I want is to be in love with you forever. Thank you for always being there for me. I love you because you see the good in people, you're the first to apologize when we're angry, and the first to comfort me when I'm feeling upset. I love you because you're always honest and I can always depend on you. I was so lucky enough to find you again in my life.
Borj's Vow:
Matagal akong naghintay para lang sa'yo. I even promised that I would wait for you even I'm old. Kahit na nakakapagod, mas tinatagan ko dahil gano'n ang nagmamahal. Kakayanin kahit na anong mangyari. Our love started young, but over the years we've built our lives together on a strong foundation of faith; smiles and laughter; adventures and fun; and most importantly hard work, mutual respect and trust. We have blossomed from two reckless teenagers who loved freely to two adults who learned that pure love takes hard work and dedication. Na kailangan mag-mature muna tayo.
Ngayon, ipinapangako kong mamahalin kita hanggang sa huli kong hininga. Hindi ako mapapagod na ligawan ka pa rin sa araw-araw. Lagi kong ipapaalala sa'yo na mahal na mahal kita. I promise to try my hardest, to step away from my stubbornness, and accept that I make mistakes and that I am not always right.
I wish I could also promise you on giving the whole world, but the world is not mine to give. What I can promise you is to give you my own world. I love you, Ronalisa. I always have, I always will.
Nothing can separate Borj and Roni as they already both exchanged vows and the ring is now the symbol of their love. Walang simula at wala ng katapusan. Ang buhay pag-ibig nila'y umiikot na lamang sa kanila.
"You may now kiss the Bride," the Priest said.
Napangiti naman si Borj saka ito napapahagikhik. Kalaunan ay doon na niya tinanggal ang belo na siyang nakatalukbong ngayon kay Roni.
Nagpalakpakan naman na ang lahat habang ang mga barkada nila'y nagsisigawan pa at patuloy na kinakantsawan ang bagong kasal.
Nagkatitigan na lamang ang bagong kasal at mayamaya lamang, marahang hinila ni Borj ang kaniyang asawa upang mapalapit ito sa kaniya. Ilang segundo lamang ay naglapat na ang mga labi nila, giving each other a kiss.
Napangiti na lamang ang dalawa nang matapos ang halik at napayakap na lamang sila sa isa't isa kalaunan.
"I love you, Roni." Kahit ilang ulit man sabihin iyon ni Borj ay hindi pa rin ito magsasawa.
"I love you more, Borj," tugon ni Roni.
Hindi inaasahan ni Roni na dumating ang araw na ito para sa kaniya. Ang dating pangarap niyang maikasal ay natupad na. Ang dati lamang na pangako na siyang binitawan ni Borj ay nagawa na niya.
Ang dami pang pinagdaanan ng dalawa bago nila napagtagumpayang mahanap muli ang isa't isa. Kahit ilang beses man na nasaktan ang dalawa, ilang taon man ang hinintay ni Borj at kahit anong pagpipigil ang ginawa ni Roni sa tunay nitong nararamdaman, hindi pa rin mawawala sa katotohanan na sila ang nakatakda para magkatuluyan.
ROYGEBIVTWIRL|2021
THE ENDʕ •ᴥ•ʔ
To all my ka-StefCam,
Salamat po sa pagsubaybay sa bawat kabanata ng G-Mik: First Love, Last Love. Nakakataba lamang sa puso na hanggang sa dulo'y sinamahan niyo ako. Kahit papaano, sa simpleng kwentong aking nagawa dito, naipagpatuloy ang kwento nina Borj at Roni.
P.S
More surprises to come, dahil may Special Chapter pa ang bawat couple ng G-Mik. Hindi ko naman hahayaan na walang happy ending si Basti. Tutok na lamang po sa natitira pang kabanata.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...