Borj and Roni

1.1K 62 2
                                    

Special Chapter 5
Year 2024
Borj and Roni
Total Truth

Matapos ang pag-uusap nina Borj at Roni sa ilalim ng puno, napag-isipan na muna nilang umuwi na sa bahay ni Alex. Palubog na rin ang araw at baka abutan pa sila ng dilim pabalik ng entrance gate.

Hindi na rin maiwasan kung gaano kasaya ang dalawa ngayon. Makikita pa sa mga mata nila ang kinang ng nagmamahal.

Sa pagdating nina Borj at Roni sa bahay ni Alex, napag-isipan muna ni Roni na ayusin ang mga gamit nito sa kaniyang kwarto. Borj volunteered to help Roni, hindi naman na tumanggi pa ang huli.

Maraming mga kahon ang siyang nakatambak ngayon sa kwarto ni Roni, lahat iyon ay mga lumang kagamitan ng dalaga simula pa no'ng bata siya.

"Ang dami naman nito, saan ko ba ilalagay ang mga kahon na ito?" tanong ni Borj. May bitbit pa itong dalawang nagpatong na kahon.

"Sa budega sana. Pero ibaba mo nga muna iyan, matingnan nga sandali ang laman ng mga 'yan."

Agad na sinunod ni Borj ang siyang pinag-uutos sa kaniya ni Roni. Nang mailapag ng binata ang mga kahon sa sahig ay 'di na nag-atubiling buksan iyon ni Roni.

Nang pagpagin at alisin ni Roni ang mga alikabok sa kahon ay biglang nagsiliparan ang mga iyon, nagpapatunay lamang na matagal ng nakatambak ang kahon na iyon.

Napaubo at napabahing pa ang dalawa nang makasinghap sila pareho ng alikabok. Mayamaya lang din ay sinimulan na ni Roni na kalkalin ang laman ng kahon. Halos ang makikita lamang doon ay ang mga luma nitong libro, magazine, at tapes ng paborito niyang banda at manganganta na sina Brandi and Monica.

"Paano ba napunta ang mga gamit mo dito?" nagtatakang tanong ni Borj.

"Nahilig din kasi si Alex sa mga makalumang tugtugin at saka 'yung iba, pinasunog ko na sa kaniya no'ng lumipat ako sa sarili kong bahay. Pero, malalaman kong nandito pa pala ang mga 'to," paliwanag ni Roni.

Muling nagpatuloy ang dalaga sa kaniyang mga ginagawa hanggang sa bigla na lang itong mapatigil. May isang bagay ang siyang pumukaw sa pansin nito. Isa iyong may kalakihang wooden storage box na siyang pinaglalagyan ng mga importanteng kagamitan.

Kinuha iyon ni Roni at agad na binuksan. Doon naman bumungad sa kaniya ang mga luma ng letter cards, letrato, at ang isang pamilyar na porselas.

Napakunot noo naman si Borj nang makita niya ang hawak-hawak ngayon ng dalaga. Sa oras na iyon ay pamilyar ang mga letter cards na siyang nakapaloob doon.

"Are those----" putol na wika ni Borj.

"Mga sulat na binigay mo sa'kin no'ng mga bata tayo. Nandito rin ang regalo mong porselas."

"Well I guess, may purpose si Alex kung bakit 'di niya sinunod ang pinapagawa mong ipasunog ang mga 'yan."

Muling nanariwa sa alaala ng dalawa ang mga panahon nang sila ay mga bata pa. Halos parang kahapon lamang no'ng niregaluhan ni Borj ang dalaga ng porselas. At dahil uso pa noon ang magbigay ng card letter ay iyon lagi ang binibigay rin ng binata.

"Roni, can I ask you something?" unti-unting humina ang boses ni Borj nang magtanong ito sa dalaga. Nagdadalawang isip man na magtanong siya sa kasalukuyan ay sadya lamang gusto niyang may malaman pa.

Napangiti naman si Roni saka ito napatango. Nawala ang kaba na siyang naramdaman ni Borj nang makita niya ang nakakurbang ngiti sa labi ng una.

"I was just wondering, bakit ako ang mahal mo ngayon?" Sa sobrang hiya ay napakamot na lamang sa ulo si Borj.

Mayamaya lamang ay mahinang napahagikhik ang dalaga, samantalang si Borj naman ay tatawa-tawa rin. Noong mga bata pa kasi ang dalawa'y naging klaro naman na sa kanila kung ano ba talaga ang magiging papel nila sa isa't isa.

It was actually clear on Roni's side that she actually love Basti back then, na mismong ang tinitibok ng puso niya ay ang huli. At para naman sa binatang si Borj, mahirap man sa kaniya na tanggapin na hanggang kaibigan lamang sila noon ng dalaga ay nirespeto niya ito. He thinks that sacrificing is his best choice.

"Sigurado na ako noon that Basti is the right man for me. Mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya when he came back. And I'm really sorry that I left you out. Pero, iyon naman ang alam ko, si Basti ang tinitibok ng puso ko noon," mga litanya ni Roni.

Malungkot ang siyang naging reaksyon ngayon ng dalaga. Ngunit, pinilit na lamang nitong ngumiti at kalaunan ay napailing. She even sighed before she speaks again.

"But, when did you realize that it was me that you actually love?" Borj was now directly to the point. He never hesitate to ask another question.

Napahawi na lamang ng buhok si Roni. Napatingin pa siya ng diretso sa mata ni Borj.

"No'ng paulit-ulit na kaming naghihiwalay ni Basti. Sa mga oras na iyon, nakukulangan na 'yung pagmamahal ko sa kaniya, hindi na 'yung dati na buo. Akala ko, the wedding would actually fix the missing piece, but I was wrong," ang tugon ni Roni.

"Hindi lang siguro gano'n kawagas ang pagmamahal ko for Basti. No'ng gabi bago kami ikasal, napanaginipan kita. I really don't know kung bakit, I thought that was a bid of goodbyes. Pero, iba ang pinapahiwatig no'n. Kung hindi dahil sa panaginip na iyon, hindi ko pa malalaman na ikaw pa rin ang mahal ko at mamahalin ko," pagpapatuloy ng dalaga.

Marahang itinulak pa ni Borj ang dalaga na ngayon ay kapareho niyang nakaupo ngayon sa may parihabang sopa. Borj can't escape from the fact that he was really moved on what Roni said awhile back.

"Hindi ka naman nawala sa puso ko e, nanatili ka at nagpahinga saglit. At no'ng dumating si Basti, natabunan iyon at nilapatan ang pagmamahal ko para sa kaniya. E ikaw ba? Bakit hanggang ngayon, mahal mo pa ako?" diretsahang tanong ni Roni.

Borj awkwardly smile. Kulang na lamang ay mamula siya sa sobrang kilig. Pero ang tanda na niya para maramdaman ang mga bagay na iyon.

"Akala ko nga rin na wala na akong nararamdaman para sa'yo. Pero, talaga ngang malakas ang kapangyarihan ng pangakong nabitawan ko sa'yo no'n. Alam mo naman na iyon 'di ba?" tugon ni Borj.

Napatango lamang si Roni. Alam naman na rin ng dalaga kung ano ang tinutukoy ng binata.

"Tanggap ko naman lahat na hanggang magkaibigan tayo, na puppy love lang ang naramdaman natin. Pero, lumipas ang maraming taon at naging mature ako, I just soon realized, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko." Napatawa na lamang si Borj nang mapakwento siya.

"Maturity makes us realized what's the difference between good and bad," malimit na tugon ni Roni.

"All I know, when you got older and got matured, malalaman mo lang talaga kung anong tama. Kung sino ba talaga ang dapat mong mahalin. Oo, inaamin ko na pinilit kong iwala 'yung feelings ko para sa'yo no'n, pero bumalik siya dahil naniniwala ako na hindi pa ako nakabitaw sa mga pangako ko," mahaba-habang salaysay ni Borj.

"It's the total truth then," si Roni.

"It is," tugon ni Borj.

Napasandal na lamang ang ulo ni Roni sa balikat ni Borj. Doon naman na inakbayan ng huli ang dalaga. Mayamaya lang din ay pareho ng napatitig muli sina Borj at Roni sa wooden storage box na hawak-hawak pa rin ng dalaga.

All they did at the moment was to read all the letter cards and reminisce the past.

Sa lumipas na ilang taon, ang pag-ibig na siyang hindi naipagpatuloy ay mas lalong umusbong.

Now, both Borj and Roni knows how to be truth to themselves and to each other. No one can ever escape from the total truth.

ʕ •ᴥ•ʔ

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon