017

1K 129 80
                                    

Nasa iisang conference video call ngayon ang magbabarkada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa iisang conference video call ngayon ang magbabarkada. Mukhang tuwang-tuwa pa si Junjun sa kasalukuyan dahil dinig sa linya ang hagikhik nito. Kung hindi pa siya sinita ng asawa niyang si Jelai ay puro tawa na lamang ni Junjun ang maririnig sa tawag.

["Tama ba ang ginawa natin? Kailangan pa bang taguan natin sina Borj at Roni?"] nag-aalalang tanong ni Missy.

Hindi na nawala kay Missy ang pag-aalala at pagdadalawang isip nito.

["Hindi naman kaya makatunog ang dalawa, sabay-sabay pa tayong hindi nagpakita?"] si Basti.

["Magtiwala na lang kasi kayo. Maganda ngang sabay-sabay tayo, para maisip nilang talagang ayaw natin makita kuno ang isa't isa."] paliwanag ni Junjun.

Dahil nasa iisang lugar lamang sina Basti at Tonsy, inagaw na lamang ng huli ang telepono na hawak-hawak ng una upang siya naman ang bumungad sa screen.

["Siya nga pala, nagka-usap kami ni Borj no'ng isang gabi. Parang gusto niyang tulungan ko siya na maayos ang away ng barkada, pero iniba ko agad 'yung topiko,"] pahayag ni Tonsy.

["Magaling Tonsy, ayos ang ginawa mo."] Mukhang proud pa si Junjun sa ginawa ni Tonsy.

["Aminin niyo guys, hindi nawawalan ng gimik 'tong si Junjun,"] ani Yuan na sinabayan pa nito ang pagtawa.

["Ako pa? Sanay na ako sa gimik. Binansagan nga ang barkada natin na mga gimikero at gimikera, gimik lang sapat na!"] bulalas ni Junjun. Kulang na lamang ay ipagsigawan pa niya iyon sa buong mundo.

Nagtawanan na lamang ang lahat. Halos mga hagikhik ang siyang maririnig ngayon sa linya.

Sadya talagang hindi na nauubusan ng gimik ang barkada, dahil ito naman na kasi ang kanilang ginagawa noon pa man. Patuloy na matibay ang kanilang samahan sa kadahilanan na pare-pareho sila ng gusto. These group were indeed a perfect match.

ʕ •ᴥ•ʔ

Matapos ang usapan ng barkadahan. Nakaupong pareho sina Basti at Tonsy ngayon sa may tabing dagat. Wala naman na kasing masamahang iba si Basti, kaya't nagprisinta si Tonsy na yayain na lamang ang una na maging third wheel.

Maganda ang mag-usap sa tabi ng dagat, lalo na kapag palubog na ang araw. Para bang mararamdaman mo ang pinag-uusapan. Basti and Tonsy watches the sea, lost in the rhythmic percussion of waves on sand. Their eyes are steady to the horizon, faces aglow with the orange rays.

"Ayokong magsimula ng kadramahan, pero my curiosity really hits me. Ano pala ang nangyari sa'yo pagkatapos mong 'di sinipot si Roni no'n sa simbahan?" Ito na talaga ang gustong tanungin ni Tonsy noon pa.

Napatawa ng malakas si Basti at kalaunan ay sumagot din ito. "Where do broken hearts go? Nagpunta ako ng Bali."

"Uso na ba ang magpunta sa ibang bansa kapag pusong sawi? Sa Bali pa talaga. Baling-bali na puso mo." Tawang-tawa pa talaga si Tonsy sa kasalukuyan. Kulang na lang ay hampasin niya ng todo si Basti.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon