038

859 84 17
                                    

Nakatayong mag-isa ngayon si Roni sa may hardin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayong mag-isa ngayon si Roni sa may hardin. Malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa mga magbabarkadang nakaupo sa may gilid ng kalsada. Napapangiting mag-isa lamang ang dalaga habang pinapanood ang mga magbabarkada na nagtatawan.

Bigla na lamang naalala ni Roni ang kabataan niya. Minsan din naging tambayan ng barkada niya ang gilid ng kalsada sa kanilang subdibisyon, minsan pa nga'y ginagabi sila dahil sa mga mahaba-habang kwentuhan.

Mayamaya lamang, nilapitan na ni Alex ang kapatid nito.

"Ate Roni, punta na tayo ng campsite," ani Alex at nginitian pa niya ang dalaga.

"Sige," malimit na tugon ni Roni.

Sabay naman na ang magkapatid na nagtungo sa may campsite. Maaari lamang lakarin iyon ng ilang minuto.

Sa kanilang pagpunta doon ay parehas lamang silang hindi nagsasalita at mas minabuting manahimik na lamang. Kahit gustuhin ni Alex na magsimula ng topiko ay baka hindi rin siya kausapin pabalik ng dalaga.

Mayamaya lamang, sa pagdating ng magkapatid sa may campsite. Doon ay may mag-asawang sumalubong sa kanila na kasing edad lamang ng dalagang si Roni.

Masayang sumalubong ang mag-asawa sa magkapatid na sina Roni at Alex. Napayakap pa ang binatang si Alex sa dalawa nitong kaibigan.

"Pareng Joe, salamat sa pagpayag sa request ko," wika ni Alex at kalaunan ay muli siyang tumabi sa kapatid nitong si Roni.

Sa hindi inaasahan, naningkit naman ang mga mata ng asawa ni Joe habang napapatitig ito kay Roni. Sadya lamang kinikilatis niya ang dalaga at para bang pamilyar ito sa kanya.

Doon lamang napagtanto ng asawa ni Joe kung sino ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Tinuro pa niya ito at para bang nagulat siya nang muli niya iyon makita.

"Roni?! Ikaw nga!" bulalas ng asawa ni Joe.

Doon napaangat ang ulo ni Roni saka napatingin sa babaeng tumawag ng kanyang pangalan. Sa hindi inaasahan, nagulat din ang dalaga nang muli niyang makita ang isang kaklase noong nasa High School ito.

"Nelia," sambit ni Roni sa pangalan ng kanyang kaklase noon.

Agad napayakap si Nelia sa dalagang si Roni. Ngunit, ilang segundo rin ay kumawala rin ang una at muli siyang bumalik sa kanyang pwesto.

"I didn't know na nandito ka pa pala. Matagal na kitang hindi nakikita. How are you right now?" tanong ni Roni.

Napatawa naman si Nelia saka ito pasimpleng napayakap sa braso ng kanyang asawa na si Joe.

"I'm always good kahit 'di kami ng Kuya Yuan mo ang nagkatuluyan. Buti na lamang at nahanap ko si Joe na mahal ako at mahal ko rin. Kaming dalawa ang napagkatiwalaang mag-alaga ng campsite na'to. We also have our own boutique," pagkukwento ni Nelia na hindi na natatanggal ang kanyang ngiti.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon