Naglalakad na pauwi ang magkaibigang sina Borj at Roni. Bawat paghakbang nila'y lumiit na at parang nagpapahiwatig na ayaw pa nilang makarating sa kani-kanilang bahay.
Matagal na ring hindi nagagawa ng dalawa ang maglakad-lakad sa ganoong oras. Noong mga bata pa sila'y hilig na talaga nila ang maglakad-lakad sa kalsada habang nag-uusap ng masinsinan.
Dahil magkalapit lang naman ang tirahan nila. Madali lamang na maihatid noon ng binata ang dalaga sa kanila.
"Namiss kong maglakad-lakad ng ganitong oras. Naalala mo bang nakakarami tayo ng kwento kapag ganitong kaganapan? Halos ilang hakbang lang naman ang bahay namin mula sa inyo, kaya ayos lang na ginagabi ako sa pag-uwi." Hindi napigilan ni Borj na maalala ang mga panahong halos 'di na sila noon nauubusan ng topiko ng dalaga.
May katotohanang kapag malayo-layo ang nilalakaran, maraming topiko ang siyang napag-uusapan. May mga sikretong nahahalungkat at mayroon ding kwentuhan na pinagtatawanan.
"Ang dami mo ngang jokes noon. Lagi mo akong pinapatawa," wika ni Roni.
"Kasi naman, ang dali mo lang mapatawa. Hindi ko pa nabibigkas ang isang salita, natatawa ka na agad," si Borj.
Pilit man magseryoso ng dalaga ay kusang napapangiti talaga ito. "Ang dami mo kasing ekspresyon sa mukha. Sinong hindi matatawa?"
Tanda nga ni Roni na madali lamang siyang matawa. Ngunit, hindi naman kasi talaga sa ekspresyon ni Borj natatawa ang dalaga, kun'di dahil kinikilig lamang ito. Mas maganda na lamang natatawa siya upang itago na kinikilig naman talaga ito.
"Ang alin? Anong ekspresyon?" tulirong tanong ni Borj.
Napaturo pa si Roni at napahagikhik na lamang ito. "Ayan! Ang dami mong eskpresyon, nakakatuwang pagmasdan."
Dahil nagugustuhan naman na ni Borj na nakikitang tuwang-tuwa sa kasalukuyan ang dalaga'y ginawa nga niya ang magpakita ng paiba-ibang nakakatawang reaksyon. Mababaw naman na ang kaligayahan ni Roni kaya't napalakas pa ang tawa nito.
"Borj, itigil mo na 'yan!" Tawang-tawa pa ang dalaga habang binibigkas ang mga salitang iyon. Napapahawak na nga ito sa kanyang tiyan at kulang na lamang ay mahugutan na ito ng hininga.
"Oh, tama na. Kung masyado raw masaya, baka may kapalit na hindi maganda," pabiro ni Borj.
Hindi nagustuhan ni Roni ang siyang sinabi ni Borj, kaya't mabilisang nag-iba ang awra ng dalaga. Agad napabusangot si Roni at tuloy-tuloy na itong nagseryoso. Mas nilakihan na lamang niya ang kanyang hakbang na siyang dahilan upang habulin siya ni Borj.
"Biro lang naman iyon." Hinigitan pa ni Borj sa kamay ang dalaga.
Napabuntong hininga naman si Roni saka seryosong napatitig kay Borj. Napatigil na rin siya sa kanyang paglalakad upang harapin ng maayos ang binata.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...