015

1.1K 137 94
                                    

Nasa restaurant ngayon si Roni, abala siya na nagtatrabaho sa kasalukuyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa restaurant ngayon si Roni, abala siya na nagtatrabaho sa kasalukuyan. Kanina pa nga ito nakatayo sa may cashier. Gusto niya man indain na pagod na siya ay kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagtatrabaho, dahil ito lamang ang kanyang hanap-buhay. Ngayon pa ba siya magrereklamo sa sarili nitong negosyo?

Mayamaya lamang ay biglang dumating si Borj na hingal na hingal. Para itong nanggaling sa paligsahan ng pagtakbo. Kitang-kita pa ang mga butil ng kanyang pawis na siyang nagsisibagsakan sa noo nito.

Mismong ang dalaga pa ang mas nahihirapan sa paghinga nang makita niya kung gaano hinihingal ang binata.

"Roni, we need to talk," hinihingal na wika ni Borj. Napasandal pa siya sa may counter table.

Naningkit ang mga mata ni Roni, tanging pagkalito ang siyang ipinupukol na tingin nito sa binata.

"Borj, saan ka ba nagsususuot? At saka, I thought we're in good terms now? Ano na naman ba ang pag-uusapan natin ngayon? Abala pa ako dito sa cashier." Abalang nagtitipa ngayon ang dalaga sa may cash register machine at seryoso pa ang nakapinta sa mukha niya.

Hindi naman mapakali si Borj at para itong may kiti-kiti. Gusto na kasi nitong makausap talaga ang dalaga dahil may importante itong sasabihin. Patungkol kasi iyon sa mga kaibigan nilang hindi pa nagkakasundo.

"This is really important, Roni. Pakiusap, kahit ilang minuto lang," makaawa ni Borj, ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Roni.

Tanging sa mga ginagawa niya nakatuon ang dalaga. Nagbibingi-bingihan pa ito para lang hindi na siya kulitin ni Borj. Wala talagang maibigay na sapat na oras ang dalaga para sa binata dahil maraming kostumer ang siyang kumakain ngayon sa restaurant. Isa pa, ayaw rin magpa-istorbo ni Roni kung oras ng trabaho.

"Excuse lang Borj, may magbabayad." Sumenyas si Roni na pumagilid muna si Borj at doon naman na pumasulong ang isang kostumer.

"Wala ba kayong waiter para doon na lang sila magbayad? Owner ka ng restaurant na ito, mag-hire ka ng mga tauhan mo. Anong klaseng restaurant ito? Roni, wala ka na sa kopong-kopong!" singit ni Borj at kitang-kita na sa kanya ang pagkamainipin.

"Wag mo akong tanungin ng ganyang bagay. Ganito ang patakaran ko dito, kaya tabi!" Nagmamaldita na naman si Roni. Napataas pa ang boses nito dahil sa huling salita niyang naibigkas.

Walang nagawa si Borj kung 'di ang tumabi ng kaunti. Ayaw na nitong mapalamunan pa ng pagmamaldita ng dalaga. Kotang-kota na siya sa araw na iyon.

Muling ibinaling ni Roni ang kanyang paningin sa isang kostumer na magbabayad. Ang kanina nitong nakabusangot na mukha ay agad na napalitan ng maaliwalas na reaksyon. Nagpatuloy lamang ang dalaga sa kanyang trabaho habang hindi makapaghintay na muling makausap muli ni Borj ang una. Nang matapos makapagbayad ang isang kostumer ay dali-dali na namang humarap ang binata kay Roni.

Napatakbo agad si Borj upang harapin muli ang dalaga. Ang mga palad niya ay nakapatong na sa may counter table.

"What now, Borj?" naiiritang tanong ni Roni.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon