019

978 129 74
                                    

Nasa parke ngayon sina Borj at Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa parke ngayon sina Borj at Roni. Maraming tao ang nandodoon at marami ring nakatayong paninda sa gilid-gilid.

Ngunit, kapansin-pansin ang isang event sa parke. The event was about celebrating a late Valentine's Day. May kiosk pang nakahilera na pwedeng bilihan ng iba't ibang klase ng paninda o makakain. Maririnig din ang mga hiyawan at tawanan ng mga tao doon.

Hindi naman na nagpahuli ang dalawang magkaibigan at minabuting libutin nila ang event na iyon. Lahat ng mga taong nandodoon ay tuwang-tuwa. May nakakaaliw rin silang palaro na maihahalintulad sa may peryahan, ang ilan nama'y nagpapaligsahan sa kung sino ang unang makakakain ng heart shaped cupcakes.

"Roni, subukan nating sumali doon sa cupcake eating contest." Tinuro pa ni Borj ang isang booth.

Natatawa na lamang napatango ang dalaga dahil parang bata kung gaano manabik si Borj. Sabay na lamang nagtungo ang magkaibigan papunta sa booth ng heart shaped cupcakes eating contest.

Dahil si Borj ang may ideya ng pagpunta sa booth na iyon, siya lamang ang sumali sa paligsahan. Dating gawi ulit si Roni, siya ang magsisilbing cheerleader kapag nasa kompetisyon si Borj.

Inihanda na ng dalaga ang kanyang cellphone upang kuhanan ng video ang binata. Lima ang sumali sa eating contest at saktong si Borj ang panghuling sumali. Ang lahat ng manonood sa booth ay may kanya-kanyang pambato. Tanging si Roni lang ang mapapansing cheerleader ni Borj.

"You only have 10 minutes to eat all these 50 pieces of heart shaped cupcakes. Your time starts, now!" wika ng lalaking host.

Nagsimula ng lantakin ng mga kalahok ang mga nasa harapan nilang limampung piraso ng heart shaped cupcakes. Ang iba ay kulang na lang mabilaukan sila dahil sa sunod-sunod na pagsubo nila ng buong cupcakes.

"Go Borj!" cheered by Roni.

Ni hindi na nagiging maayos ang pagkakakuha ni Roni ng video dahil sa pagkataranta nito. Akala mo'y siya ang nakikipagtunggali.

Nilamon pa niya pati mga boses ng mga kasama niyang nagchi-cheer din, dahil mismong ang boses na nito ang siyang lumilitaw sa kulupon.

"Borj! Bilisan mo sa pag nguya! Ipanalo mo 'to!" Nagsisisigaw na ang dalaga. Ni hindi na nga niya alam kung saan ibabaling ang paningin. Sa cellphone ba niya o sa mismong kaganapan ng paligsahan.

Marami-rami na rin ang nakakain ni Borj at ang iba nama'y hindi pa sila nakakalahati. Ang isa pa sa kanila ay napapainom na ng maraming tubig dahil minsan ay nahihirapan na siyang makalunok.

"Sige lang! Ginusto mo 'yan Borj, panindigan mo!" Natatawa na lamang si Roni habang pinapanood si Borj na hirap na hirap ng tapusin ang mga cupcakes sa tray.

Kulang na lang ay maglupasay sa tuwa ang dalaga. Tuwang-tuwa pa siya ngayon na nakikita na ang binata na nahihirapan sa paglunok ng kinakain niya. Ang kanina lamang na kaba niya'y napawi na agad.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon