033

756 82 13
                                    

Tahimik pa lamang sa restaurant ng mga Salcedo dahil maaga pa naman kapag magbubukas sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tahimik pa lamang sa restaurant ng mga Salcedo dahil maaga pa naman kapag magbubukas sila.

Sa kasalukuyan, nakaupo ang magpapamilya sa harap ng mahabang mesa, may gagawin kasi silang pagpupulong sa oras na iyon. Nanatili namang tahimik si Mommy Marite at napapailing naman si Daddy Charlie.

Wala pang isang oras na nakalipas nang makaalis din ang magkapatid na sina Alex at Roni. Samantala, ang kararating lang na mag-asawang sina Missy at Yuan ay tahimik lamang na nakaupo. Tuliro naman si Missy habang ang asawa nitong si Yuan ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Para bang may sinisipat ito sa may counter.

"Mommy, bakit hindi ko yata nakikita si Roni dito sa restaurant? Ayos lang ba siya, may nangyari na naman ba?" tanong ni Yuan.

Natahimik lamang si Mommy Marite habang napailing naman si Daddy Charlie. Alam na rin kasi nito kung ano ang bagong pinagdadaanan ng anak niya, dahil naikwento na sa kanya ng asawa niya ang tungkol sa naging usapan nina Borj at Roni no'ng isang gabi.

"Calm down, Yuan. Hindi namin nasabi sa inyo na sumama muna siya kay Alex. Heartbroken pa rin ang kapatid mo e," tugon ni Daddy Charlie at napasenyas pa siya ng 'kumalma ka'.

"Heartbroken? Ano namang bago doon?" tulirong tanong naman ni Missy.

"Oo nga Daddy. E kung heartbroken siya, tawagin natin 'yung taong rason at baka siya pa ang makagamot. Si Borj, alam kong siya 'yan!" si Yuan. Talaga ngang lagi siyang sigurado sa kanyang sinasabi.

Napailing naman si Daddy Charlie. Alam kasi niyang wala pang alam sina Yuan at Missy sa kung anong bagong pinagdadaanan ni Roni.

"About that! Paano naman magagamot ni Borj ang wasak na puso ngayon ni Roni aber? Saka, nakwento mismo ng kapatid mo sa Mommy niyo na babalik na si Borj sa Amerika!" diretsahang tugon ni Daddy Charlie na sinabayan pa nito na pumameywang siya.

Sa hindi inaasahan, matagal na palang nasa may pintuan ang barkada nina Yuan at Missy. Tahimik lamang silang nakikinig sa usapan ng pamilya Salcedo kanina.

"Aalis ulit si Borj?!" sabay-sabay na bulalas ng barkada sa gawi ng pintuan.

Napalingon naman si Daddy Charlie sa gawi ng pinto at doon siya napakunot noo. Laking gulat niya na nandodoon lahat ng barkada ng anak niya.

"Kailangan talaga sabay-sabay kayo?" si Daddy Charlie.

Agad nagsitakbuhan patungo sa gawi ng pamilya Salcedo ang lahat ng barkada. Hindi pa sila mapakali nang maupo silang lahat sa mga bakanteng upuan. Para bang may gusto pa silang malaman at handa na silang makinig pa.

"Bakit hindi namin alam 'yun?" Napapakamot na lamang sa ulo si Junjun.

Napailing naman si Tonsy at dismayado siya sa oras na iyon. Hindi maiwasan ng lahat ang malungkot, iiwan na naman kasi sila ng kaibigan nilang minsan na rin ay nagpakalayo-layo sa grupo.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon