030

786 90 13
                                    

Abala na nag-eempake si Borj ng kanyang mga gamit at seryoso pa ito sa kanyang ginagawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abala na nag-eempake si Borj ng kanyang mga gamit at seryoso pa ito sa kanyang ginagawa. Sa hindi naman inaasahan, nadatnan naman siya ni Ellaine.

Napatanggal pa ng shades si Ellaine saka naningkit ang mga mata nito. Hindi na siya nagtaka pa sa kung anong ginagawa ngayon ni Borj sa kasalukuyan. Napansin na rin niya ang isang maleta na sa tingin niya ay tapos ng malagyan iyon ng mga ibang gamit.

Napasandal na lamang sa may pinto si Ellaine habang pinagmamasdan ang ginagawa ngayon ni Borj.

"May pupuntahan ka? Abala ka yata sa pag-eempake, saan naman ang destinasyon mo ngayon?" sarkastikong tanong ni Ellaine.

"This is what you want, right? Ang sumama ako sa Amerika pagbalik niyo," pamimilosopo ni Borj.

Kulang na lamang ay mapadabog pa sa pagtupi ng damit si Borj. Sa pagsiksik pa niya sa mga gamit sa maleta ay mariin niya iyon ginagawa.

"How about that girl, what's her name again? Roni 'di ba?" May oras pang mang-asar si Ellaine.

Gusto lang naman kasi niyang malaman kung ano ang iniisip ngayon ni Borj patungkol na kay Roni. Sa hindi inaasahan, napatigil bigla ang binata sa kanyang ginagawa at naningkit bigla ang mata nito nang mapatingin siya sa gawi ni Ellaine.

"You're really asking me that question?" Sa tono ng pananalita ni Borj ay may halong galit at sakit.

Pansin pa rin sa kanya kung gaano siya nasasaktan sa kasalukuyan. Hindi pa rin kasi matanggal sa isipan niya ang pangyayari nang sabihin ni Roni na hanggang kaibigan lamang sila. Para bang nanumbalik ulit ang sakit na siyang naramdaman niya no'ng huli siyang sabihan ng dalaga nang katagang iyon no'ng mga bata pa sila.

"Is there something wrong with it? Come on Borj, you can't just leave without putting up a fight, pero ginagawa mo ba?" Walang preno kung magsalita si Ellaine. Gusto lamang ng dalaga na kahit doon man lang ay magawa na niyang baguhin ulit ang desisyon ni Borj.

"Minsan, hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong sabihin, Ellaine? Sasama na nga ako pabalik ng Amerika, ang dami mo pang kuda. Bakit mo pa kailangan tanungin ako tungkol kay Roni?" 'Di na napigilan ni Borj ang mapataas ng kaunti ang boses nito.

"Wala lang, hindi ko lang kasi lubos maisip na kaya mong iwan si Roni. Sayang naman, may sinabi pa naman siya sa---"naputol bigla ang sasabihin ni Ellaine. Sumingit kasi si Borj dahil naiinis na siya sa kadaldalan ni Ellaine.

"Ellaine, will you please shut up! Itigil na nga natin ang kwentuhang ito, 'wag mo ng maisingit-singit ang pangalan ni Roni," napasigaw pa ng wala sa oras si Borj.

Napairap na lamang si Ellaine. Iyon na sana ang pagkakataong masabi niya sa binata na nakausap na niya si Roni at alam na nito na may gusto siya kay Borj, ngunit sinira pa mismo iyon ng binata at pinutol.

"I was just trying to say, Roni lov---" naputol na naman ulit ang sasabihin ni Ellaine dahil may isang bagay ang siyang tumama sa mukha niya.

Hindi kasi nakapagtimpi si Borj kaya't nahagisan niya ng damit si Ellaine. Inis pang pinulot ng dalaga ang nakakalat ng damit sa sahig. Napataas pa ang isang kilay nito at masama na rin ang tingin niya sa binata.

"What's this?"

"Isa pa talaga, Ellaine. Hindi lang damit ang lilipad sa pagmumukha mo! Sinabi ko na ngang ayokong pag-usapan na si Roni. Matalino kang tao, hindi ko na kailangan iulit pa ng ilang beses ang sasabihin ko." Marahas pang isinara ni Borj ang maleta.

"Para matahimik ka na, sige na, kakausapin ko na si Roni at sasabihing ikaw na ang pinili ko. Happy with that?" dugtong pa ni Borj.

Sa sobrang galit ay mismong si Borj na lamang ang umalis sa kwarto niya at iniwang nakatayo lamang sa may pinto si Ellaine. Dahil na rin sa inis ay napapadyak na lamang ang dalaga.

"F*ck you, Borj! You really missed your chance! Ugghh, I hate this!" bulong ni Ellaine. Muling napapadyak ang dalaga at sa damit na hawak niya ngayon, doon niya inilabas ang buo niyang inis sa binata.

Kulang na lamang ay punitin niya iyon o sunugin. Halos manggalaiti siya sa damit na iyon na para bang si Borj ang pinaghahampas niya sa may pader. Ginawa na lahat ni Ellaine ang makakaya niya, sadyang ayaw talaga siyang pakinggan ni Borj.

Mayamaya lamang, naisipan din niyang habulin ang binata upang kausapin ito sa pangalawang pagkakataon. Sa pagbukas nito sa pinto ay hindi niya inaasahang bubungad sa kanya si Tonsy.

Napakunot pa ang noo ng dalaga dahil namumukahan niya ang taong nasa harapan niya.

"Tonsy, right?"

"Yes! By the way, where's Borj?" ngiting tugon ni Tonsy.

Napabuntong hininga na lamang si Ellaine habang nagtungo ito sa may sala at dismayadong naupo sa may sopa. Nagdadalawang isip man si Tonsy ay pumasok na siya sa loob ng bahay at doon na rin naupo sa isang single sofa.

"Naisipan ko lang bisitahin si Borj," wika ni Tonsy. Napalinga-linga pa siya sa loob ng bahay, ngunit walang ni anino ni Borj ang nandodoon.

"Wala siya dito, baka nagkasalisihan kayo. Pinuntuhan niya si Roni para kausapin."

Napangiti naman si Tonsy dahil sa sagot ng dalaga. Ngunit ang hindi niya alam ay may tatapusin lamang si Borj na usapan nila ni Roni.

"It's not what you think, Tonsy," pagpuputol ni Ellaine sa saya ni Tonsy.

Biglang napawi ang ngiting nasa labi ngayon ni Tonsy. Naningkit pa ang mga mata nito at agad na nagtaka.

"What do you mean? May dapat ba akong ikabahala?" tulirong tanong ni Tonsy.

Napasandal na lamang sa kinauupuan niya si Ellaine, she also crossed her legs at doon seryosong napatingin sa gawi ni Tonsy.

"Ewan ko ba sa kaibigan niyong 'yan. Ura-urada na lang, ni hindi marunong makinig."

Napakibit-balikat na lamang si Tonsy saka ito napabuga ng hangin. "Sa pagkakaalam ko, gano'n na talaga siya. 'Di na siya nag-iisip, gagawin niya na lang kung anong gusto niyang gawin. I was just wondering, ano kayang kahihinatnan ng gagawin niya ngayon?"

Hindi na napigilan ni Tonsy na mag-isip kung ano bang pwedeng mangyari kapag natapos na ang naging usapan nina Borj at Roni. Napapailing na lamang siya sa kasalukuyan. Ayaw man nito na mag-isip ng hindi maganda ay 'di pa rin talaga nito maiwasan.

ʕ •ᴥ•ʔ

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon