Nakahanda na lahat ang barkada sa pinaplano nila, tanging sina Borj at Roni na lamang ang kanilang hinihintay. Kabado naman sa kasalukuyan si Tonsy at gano'n din si Jelai. Samantala, hindi maipinta ang mukha nina Missy, Basti at Yuan. Panay lamang kasing blanko ang mga reaksyon nila.
"Alam niyo naman na ang gagawin ninyo," pagpapaalala ni Junjun sa mga kaibigan niya.
Tumango lamang ang lahat, ngunit kapansin-pansin sa mukha nila ang kaba at pagdadalawang isip. Gusto pa sana ni Missy ang umatras sa usapan ngunit naglakas loob na lamang itong magpatuloy dahil iniisip niyang para naman ito sa ikabubuti nina Borj at Roni.
"Basta mahahati tayo sa dalawang grupo. Ako, si Tonsy at Jelai ang magkakasama. Kayo naman Missy, Basti at Yuan ang magsama-sama. Tandaan niyo 'yung inensayo natin. Galingan niyong umarte," mga hindi na matapos-tapos na paalala ni Junjun.
Hindi naman makapagbigay ng komento ang lahat at tanging pakikinig na lamang ang kanilang nagagawa. Hinahayaan na lamang nilang si Junjun ang magsalita sa oras na iyon.
Nasa tambayan ngayon ang barkadahan. Kunwari ay nagpatawag si Tonsy ng pagpupulong tungkol sa gaganapin nilang camping.
Abala pa rin ang lahat na nag uusap-usap at doon sakto ng dumating sina Borj at Roni na magkasunod.
"Nagsimula na ba?" Nakasandal pa si Borj sa may pintuan.
Napasulyap saglit si Roni sa gawi ni Borj at saka ito napairap. May tampo pa rin kasi ito sa binata dahil sa sagutan nila no'ng nakaraang araw.
Umayos at naupo agad ang lahat at doon na tuluyang pumasok sa loob si Roni. Umupo na lamang ang dalaga sa tabi ni Jelai. Mayamaya rin ay nakitipon na rin si Borj at sa tabi naman siya ni Basti naupo.
Sa kabisera ang pwesto ni Tonsy dahil ito ang magsasagawa ng pulong.
"Let's start this meeting. Gusto ko lamang sabihin na napag isip-isip kong mag-camping tayo. Any suggestions kung saan ang destinasyon natin?" Nakangiting inisa-isang tiningnan ni Tonsy ang mga kaibagan nito.
Napapahawak pa sa baba si Yuan habang nag-iisip, si Junjun naman ay napapatingala, samantalang si Borj ay nananatiling nakatitig sa harapan na kung saan naroroon si Tonsy, habang si Basti ay pangiti-ngiti lang. Ang mga babae naman ay patuloy lamang na nakikinig.
"Anyone?" muling tanong ni Tonsy.
Mayamaya lamang ay sumagot si Junjun."What if, mag-rent tayo ng isang lokasyon? 'Yung talagang lugar kung saan ginaganap ang kamping,"
Naningkit ang mga mata ni Yuan at parang ang pinakita nitong reaksyon ay hindi siya sumasang-ayon.
"I don't think that's a good idea, magastos 'yan," hindi pagsang-ayon ni Yuan. Gumagawa na lamang siya ng paraan upang may mapag-initan sa usapan, dahil iyon naman talaga ang nasa plano nila.
Ilang segundo lamang ay muling nakapag-isip si Junjun ng isa pang suhestyon niya. Lahat ay napatingin sa gawi nito.
"Paano kung malapit sa beach tayo mag-camping?" hirit pa ni Junjun.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...