Nasa isang resto bar ngayon sina Junjun, Tonsy at Yuan. Masaya ang tatlong nag-iinuman habang nag-uusap. Nakakarami na rin ng naiinom na alak si Yuan, samantalang nakakaisa pa sina Junjun at Tonsy.
"I already did my part, pumayag na si Roni." Itinaas pa ni Tonsy ang basong may laman ng alak sa ere at saka nito tinungga ng diretso.
"Alam niyo, nasasaktan talaga ako para sa kapatid ko. Naaawa na ako sa kanya, ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng closure kay Basti. G*gong 'yun, pag nakita ko talaga siya, masusuntok ko ang pagmumukha niya," panggigigil na wika ni Yuan. Halos mahigpit pang napahawak siya sa baso.
"Kalmahan mo lang Yuan. Mukhang wala naman ng balak si Basti na magpakita sa'tin. May mukha pa ba siyang ihaharap?" natatawang wika ni Tonsy.
Tatawa-tawa naman si Junjun habang kumakain. "Nice one, Tonsy. Pero, isang puntos para sa'yo. Makakasama na natin ulit si Roni niyan. E 'di kumpleto na ang barkada sa darating na Valentine's Night Ballroom."
Sa sinabing iyon ni Junjun ay biglang nawala ang ngiti sa labi ni Tonsy at Yuan. Inisa-isa namang tiningnan ni Junjun ang mga mukha ng kaibigan nito.
"Oo nga pala, wala pa lang Borj. Kamusta na kaya ang taong iyon? Wala na tayong naging contact sa kanya simula no'ng umalis siya ng Pilipinas," malungkot na litanya ni Junjun sabay inom ng alak. Napaiwas pa ito ng tingin dahil sa hiya.
Masyado lamang matabil si Junjun kaya't minsan ay kung anu-ano na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.
Napailing na lamang si Tonsy, samantalang nanatiling nakayuko ang ulo ni Yuan habang napapatitig sa baso nitong wala ng laman. Ngunit, isang segundo lamang ang nakalipas ay napangisi bigla si Yuan.
"We're best friends since I can remember, pero para siyang may amnesia na nakalimot na lang bigla. Kahit magsulat lamang ng liham ay 'di pa niya magawa. We do have social medias now pero ni isa wala siya pare," wika ni Yuan.
"As year passed by, nagbabago ang mga tao. Change is the only permanent thing in this world, Yuan. If Borj choose to distance himself from us, wala tayong magagawa. Tampo 'yan?" Tonsy said ironically.
Napangisi naman si Yuan at mahinang napatawa. Hindi naman kaya ni Yuan ang magtampo sa kaibigan nitong itinuring niyang parang kapatid. Matanda na siya para magtampo pa sa ganoong bagay at naiintindihan naman ni Yuan na talaga lamang pribadong tao si Borj.
"Nakakamiss lang isipin no'ng buo pa ang barkada natin. Pero dahil may kanya-kanya tayong buhay, hindi sa lahat ng bagay, magkakasama tayo palagi," si Junjun.
"Hindi ka nag-iisa, Junjun," mahinang tinapik-tapik pa ni Tonsy ang balikat ni Junjun.
Patuloy lamang na nagkukwentuhan ang tatlong magkakaibigan. Panay tawanan na ang nagagawa nila. Tumagal ng kalahating oras ang usapan nila at kalaunan din ay naisipan na nilang umiwi sa kani-kanilang bahay. Malapit na rin kasing maghating gabi at baka mapagalitan pa sila ng kani-kanilang asawa.
Patungo na sa may parking lot ngayon sina Junjun, Tonsy at Yuan. Iisang kotse lamang ang ginamit nila at si Tonsy ang nagmamay-ari no'n. Pasuray-suray pang maglakad si Yuan dahil siya ang nakarami ng nainom na alak.
"Next time, isama na natin ang mga Misis natin para happy!" masayang wika ni Yuan.
Talaga lamang lasing na si Yuan dahil kung anu-ano na ang nasasabi nito. He's even humming while smiling. Para na lamang siyang nababaliw habang nahihirapang inaalalayan siya ni Junjun.
Nang marating ng magkakaibigan ang kotseng kanilang sasakyan ay nauna ng pumasok si Tonsy sa loob habang nakaakbay ang isang kamay ni Yuan sa batok ni Junjun. Bubuksan na sana ni Junjun ang pinto ng kotse nang may isang lalaking nagsalita mula sa likod nila.
"Yuan!" malimit na sambit ng isang binata.
Napalingon agad si Yuan sa pinanggalingan ng boses. Naningkit ang mata ni Yuan at inuusisa ng mabuti kung sino ang binatang tumawag sa pangalan niya. Ngunit, ilang segundo lamang ay nagbagang bigla ang mga panga nito at bahagya pang napakuyom ang mga kamao niya.
"'Basti, you bastard!" bulalas ni Yuan.
Dahil sa sigaw na iyon ni Yuan ay tarantang lumabas ng kotse si Tonsy. Gulat din itong nakita si Basti sa may parking lot, samantalang si Junjun naman ay napabitaw kay Yuan dahil tinulak siya nito.
Walang pagdadalawang isip na sinugod ni Yuan si Basti. Galit na galit na talaga ito at ang tensyong nagmumula sa kanya ay napunta sa kamao nito't sinuntok bigla si Basti sa pisngi.
Natumba si Basti dulot ng malakas na pagsuntok ni Yuan. Halos mapahiga na ito sa lupa at doon na naman pumatong si Yuan upang palamunin ng hindi matigil na bugbog si Basti.
"Yuan! That's enough!" sigaw ni Tonsy at agad itong tumakbo patungo kina Yuan at Basti.
Mabilis na hinila papalayo ni Tonsy ang kaibigang si Yuan at doon dali-daling inilagay ang kamay ng huli sa likod nito upang hindi na makawala ang kaibigan.
"Tama na, Yuan," pagpapatigil ni Tonsy.
"Hinding-hindi ka makakalapit sa kapatid ko. You better keep your distance from her!" pagbabanta ni Yuan.
Marahas siyang pumalag kay Tonsy kaya naman agad na rin siyang binitawan ng huli.
Tumayong mag-isa si Basti at impit siyang napapahawak sa kanyang tagiliran na kung saan doon siya nagtamo ng maraming bugbog. Paika-ika pa itong lumapit ng kaunti. Napapunas pa siya sa putok niyang labi.
"I'm sorry, Yuan. I just came here to make some request. Gusto ko lang makausap si Roni."
"At pinaabot mo pa ito ng labing apat na taon bago mo siya kausapin. Ang g*go mo talaga Basti! Sana noon mo pa hiniwalayan ang kapatid ko nang hindi na umabot pa na papakasalan mo siya pero hindi rin sisiputin sa simbahan. Peste ka!" Gigil na gigil na si Yuan. Gusto niya muling palamunin ng suntok si Basti ngunit nagpipigil lamang siya.
Upang siguraduhing hindi na makakasugod pa si Yuan ay pumagitna na lamang si Tonsy. Si Junjun namang nananatiling nakatayo malapit sa kotse ay lumapit na rin ng tuluyan kina Yuan.
Maluha-luha namang napatingin si Basti kay Yuan. "Deserve ko 'yung suntok, pero sana pagbigyan mo akong makausap ang kapatid mo. I really need to fix this mess," makaawa ni Basti.
Lumapit ng kaunti si Tonsy upang bumulong kay Yuan. "Give him a chance, ito na rin siguro ang isang solusyon para tuluyan ng makawala ang kapatid mo. Your sister needs to have a closure with Basti," suhestyon ni Tonsy.
Matatalim na tingin ang ipinupukol ni Yuan kay Basti. Napabuga pa ito ng hangin at marahang napatango.
"Kung 'yun ang nararapat, pagbibigyan kita," mariing wika ni Yuan.
Napangiti naman si Basti dahil sa sinabing iyon ni Yuan.
"Salamat," malimit na tugon ni Basti.
Mayamaya lamang ay iniabot ni Yuan ang kamay nito upang makipagkamay. Sinyales na rin iyon na makikipagbati na siya kay Basti. Ayaw naman ng patagalin pa ni Yuan ang galit nito kay Basti.
"You better fix this one, Basti," si Yuan.
"I will. Kindly tell Roni na sa Valentine's Night Ballroom na kami magkita, sa may pool area," Basti answered.
ʕ •ᴥ•ʔ
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...