005

1.5K 190 182
                                    

Abalang naglalapag ng mga plato si Mommy Marite sa may mesa, samantalang nagsasandok si Daddy Charlie ng kanin upang isalin sa malaking mangkok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abalang naglalapag ng mga plato si Mommy Marite sa may mesa, samantalang nagsasandok si Daddy Charlie ng kanin upang isalin sa malaking mangkok.

Mayamaya lamang ay biglang dumating ang mag asawang sina Missy at Yuan habang magkahawak-kamay kasama ang anak nilang nasa edad na lima.

"Hello Mommy, Hello Daddy," masayang bati ni Yuan sa magulang nito.

Yumakap naman at nakipag beso-beso pa si Missy kay Mommy Marite. Mayamaya lamang ay sumalubong na rin si Daddy Charlie. Pumantay pa ito sa taas ng apo niyang si Yohan.

"How's our Princess," bati ni Daddy Charlie.

Ngumiti ang batang si Yohan at doon bumungad ang matatamis nitong ngiti.

"I'm always good, Papi Charlie. I miss you so much, you and Mimi Marite," tugon ng batang si Yohan.

Agad na binuhat ni Daddy Charlie ang apo at doon naman na saktong dumating si Roni na may bitbit na maleta. Naisipan kasi ng dalaga na mamalagi muna sa bahay na dati namang tinitirhan niya no'ng bata pa siya upang hindi na ito mamroblema pang magmaneho papunta ng subdibisyon para lang magmadaling dumalo sa Valentine's Night Ballroom.

Napagtanto na lamang ni Roni na mas magandang antayin niya na lamang ang araw na iyon.

Agad namang sumalubong si Mommy Marite sa anak nitong si Roni at niyapos ito nang napakahigpit.

"It's good to see you again, Roni." Hinaplos pa ni Mommy Marite ang likod ng anak nito.

Ngumiti lamang si Roni at kalaunan din ay humiwalay siya sa pagkakayakap at napahawak sa kamay ng Ina nito.

"It's good to be back. I really miss this place," napalinga-linga pa si Roni ngunit hindi maitatanggi ang lungkot sa mukha niya.

Nang igala ng dalaga ang kanyang paningin sa buong bahay ay hindi nakawala sa mata niya ang letratong naka-display sa mesa ng sala. Letrato nilang tatlo iyon nina Yuan at Borj.

Muling naalala ni Roni ang mga araw no'ng siya'y bata pa. Parang gustong balikan ng dalaga ang panahong pumupunta lahat ng barkada sa bahay nila upang magsalo-salo sa meryenda. Bumalik lang sa wisyo si Roni nang muling magsalita ang Ina nito.

"Dito ka na ba magi-stay?" tanong ni Mommy Marite.

Umiling si Roni. "Dito na muna ako hanggang Valentine's Night Ball. But if you want, I can extend my stay."

Napangiti si Mommy Marite sa sagot ng anak nito. Masaya na ang Ina ni Roni na kahit papaano ay makakasama na muli nila ang kanilang anak.

Itinabi na muna ni Roni ang maleta niya at lahat ng pamilya Salcedo ay nagsalo-salo na sa may hapag kainan.

Hindi naman napigilan ni Yuan na kantiyawan ang kaptid nito. Lagi talagang mapang-asar si Yuan at nasa dugo na niya iyon.

"Roni niyo, nagkakaroon na ng ibang iskedyul," si Yuan.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon