013

1.2K 153 120
                                    

Ramdam ni Borj sa kasalukuyan na hindi ganoon kakomportable si Roni dahil sila na lamang ang nandodoon sa may sala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ramdam ni Borj sa kasalukuyan na hindi ganoon kakomportable si Roni dahil sila na lamang ang nandodoon sa may sala. Borj simply cleared his throat and tried to compose himself. Hindi rin siya mapakali habang napapatitig sa dalaga.

"Roni, you don't have to do this. Uuwi na lamang ako at doon ko na lang lilinisin ang sugat ko," wika nito.

Tatayo na sana si Borj ngunit agad nagsalita si Roni, dahil doon ay napurnada pa ang pag-alis ng binata kaya't minabuti na lamang niya na umayos sa pagkakaupo.

"Remember, kababalik mo lang dito sa Pinas? Don't tell me, kumpleto ka na ng medicine kit doon," seryosong saad ni Roni.

Napatigil muna si Roni sa ginagawa niyang paglalagay ng alcohol sa bulak at pasimple lamang napatitig kay Borj at saka unti-unting napababa ang mga kamay nito.

"Sino naman ang pwedeng gumamot sa'yo? 'Di mo pa kayang mahawakan ang kakapiranggot na bulak na ito. Let me help you this time, Borj." Makikita sa dalaga ang kanyang senseridad. Para ngang maamong tuta ang siyang nakaharap ngayon kay Borj.

Gusto naman talaga ni Roni na tulungan si Borj na gamutin ang mga sugat nito. Kahit iyon man lang ang magawa niyang kabayaran sa mga pagpapahiya at pagsagot-sagot niya ng masasama sa binata.

Sadya lamang nahihiya si Borj na makaharap ngayon ang dalaga. Sa tuwing malapit ang binata sa dalaga at nagtatagpo ang mga mata nila'y hindi nito mapigilang patahanin ang puso niyang nagkukumahog. Hindi naman sa ninenerbyos siya o 'di naman kaya inaatake na, ngunit isa lamang iyon sinyales na may gusto siya kay Roni, na sa araw-araw ay talagang tumitindi ang siyang nararamdaman niyang pag-ibig sa sa dalaga.

Hindi na namamalayan ni Borj na natutulala na siya habang napapatitig kay Roni. Naningkit naman ang mga mata ni Roni at tuliro ito dahil sa kinikilos ngayon ng binata.

"Ayos ka lang ba, Borj? Masama ba ang pakiramdam mo?" Dahil sa hindi malamang nangyayari kay Borj ay dali-daling lumapit si Roni sa kanya.

Umupo ang dalaga sa tabi ng binata at doon niya pinakiramdaman ang noo ng huli para malaman kung mainit ba iyon. Ngunit, sa pagdapo ng palad ni Roni sa noo ng binata ay ramdam niyang malamig iyon at kitang-kita na pinagpapawisan pa siya.

"Wala ka namang lagnat," mausisang sinuri ni Roni kung mainit nga ba si Borj hanggang sa puntong napapalagay na ang dalaga na napapatitig sa binata.

Para na lamang nahuhugutan ng hininga sa kasalukuyan si Borj, pasimple na rin itong napapaatras ngunit wala naman na siyang maatrasan dahil nasa dulo na siya ng sopa at may harang na rin iyon. Napapalunok na lamang dahil sa kaba ang binata at kung magtatagal pa ng gano'n ay baka may pagkakataong magwala ang puso niya.

"Roni, I'm fine." Agad napahawak si Borj sa kamay ni Roni na siyang nakadikit sa kanyang noo, ngunit sadya lamang talagang nakakarami na ng momento ang dalawa.

Natigilan bigla si Roni dahil sa ginawang iyon ni Borj, napatingin pa ang dalaga sa kamay niyang ngayon ay hawak-hawak na ng binata. Ramdam na sa kasalukuyan ni Roni na nag-iinit na ang pisngi nito. From that moment, she's wishing that she didn't blush so fast. Pinagdadasal na nga rin niya na hindi iyon mapansin ni Borj.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon