FAQ
Ginawa ko po ito para maliwanagan po kayo kahit kaunti sa kwento.
1. Bakit laging may 'ʕ •ᴥ•ʔ' sa bawat kabanata?
-Isa po iyang simbolo na humahati sa bawat eksena ng aking kabanata. Time skip ika nga nila. Ang emoticon na po iyan ay isang teddy bear. Ang isa kasi sa mga objectives ko sa kwento ay ang regalo ni Borj na teddy bear kay Roni no'ng 14th Birthday nito.
2. Bakit niyo naisipang gumawa ng G-Mik Fanfiction?
-Fan na fan na talaga ako ng StefCam noong bata pa ako. Hindi pa natatambal ang dalawa ay talagang nagugustuhan ko na lagi silang magkatrabaho. No'ng nalaman ko ang eksistensya ng G-Mik, I was really happy na magkatambal ang StefCam. But, when I learned na hindi sila ang nagkatuluyan sa serye. I decided to write a fanfiction about it, na dugtungan 'yung kwento ulit. Naisipan ko, 22 years after siya para medyo nasa edad na talaga silang lahat. As much as possible, I want to keep the story more realistic at nakaka-nostalgic at the same time. Isa rin ako sa mga 'di maka-move on sa ending ng G-mik.
3. Mahirap bang buuin ang kwento ng G-Mik: First Love, Last Love?
-Mahirap siyang buuin talaga. Kasi, itong G-Mik Facfiction na ginagawa ko, karugtong siya ng G-Mik Series. Kaya dapat talaga tugma 'yung takbo ng present sa past. Kailangan mong malaman kung anong kwento ng mga naunang season ng series din. Bawat detalye talaga ay kinailangan kong malaman para mabuo lamang itong Fanfiction.
4. Nakakalito ang mga karakter, parang mga estudyante o bagets pa rin kung magsalita sila.
-Kahit nga kaming magbabarkada ay gano'n pa rin kami magsalita at umakto. Ang iba na nga sa amin ay may asawa na pero lakas parin maka-bagets kung mag-asaran kapag magkakasama kami. Parang inspired lang yung ginawa kong Fanfiction sa kung anong kwento ng barkada ko ngayon. But, I did my best na iayon ang age nila sa kanilang karakter ngayon.
5. Bakit hindi si Jane ang inilagay niyong ex-fiance ni Borj at bakit si Ellaine?
-Sabi ko nga po, I want everything to be realistic. Since 22 years naman na ang nakalipas sa kwento, syempre marami na rin ang nag-iba. Mas maganda na magkaroon din tayo ng bagong karakter. Mas maganda kung ibang tao na para may impact sa surprises.
6. Si Trisha ba na asawa ni Tonsy ay ang ex-girlfriend noon ni Borj at bakit hindi si Bea ang napangasawa niya?
-No, ibang tao ang pinakasalan ni Tonsy. Ibang Trisha itong nasa kwento. About naman kay Bea, as what I mentioned, maraming nagbabago. May mga couple talaga na kahit ilang taon na sila, nagkakahiwalay rin. Change is the only permanent thing in this world, sinasalamin ko lang ang totoong buhay sa kwento para kahit ang mga henerasyon ngayon e nakakarelate pa rin.
7. Nasaan ang ibang mga miyembro ng barkada?
-Nasabi ko nga, I want everything to be realistic. Syempre marami ng nagbago sa loob ng 22 years, masasabi kong may nanatili at may mga umaalis.
8. Naguguluhan ako sa feelings ni Roni, bakit ang daling magbago ng nararamdaman ni Roni?
-Maski ako rin ay naguluhan sa feelings ni Roni dito sa kwentong ito. Pero dahil gano'n naman na dati si Roni sa serye, talaga lamang ginawa kong static 'yung karakter niya dito sa gawa kong fanfiction ngayon. Pero, napaliwanag ko na rin naman na kung bakit naguguluhan si Roni sa feelings niya.
9. Gagawa ka pa po ba ng mga BorjRoni stories?
-Hindi ko pa po alam. Iniisip kong, tama na 'tong G-Mik: First Love, Last Love. Hindi ko pa kasi alam kung anong pwede pang kwento ang pwede kong magawa.
10. Kailangan pa bang magkaroon ng Special Chapter?
-Para sakin, kailangan ko lamang lagyan ng Special Chapter ang kwento lalo pa't bitin ang kwento ni Basti. Siya na lang ang walang partner e. Gusto ko rin na malaman din ng mga readers kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ng mga bawat karakter. Alam ko rin naman na nabitin ang iba. And sa Special Chapter, hindi lang siya puro kilig na, gusto kong may lesson din siya. Dito na natin makikita kung gaano na ka-mature ang mga G-Mik Barkada. Kasi, all through the story, fun-fun lang sila na parang bumalik ulit sa pagkabata. Parang itong Special Chapter na e, makikita na natin ang bawat stuggles ng kanilang Marriage Life.
11. Mas marami po yata ang malulungkot na eksena.
-Gano'n po talaga ang buhay. Binalanse ko lamang ang kwento, hindi naman sa lahat ng bagay puro saya at kilig ang kwento.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...