Handa na ang binata na sunduin ang dalagang si Roni. Napapabuntong hininga pa siya ngayon sa may pintuan. Kabadong-kabado kahit na sa pagkatok.
Kanina pa ito palakad-lakad na hindi na mapakali. Nag-eensayo pa nga ito ng linyang kanyang sasabihin sakaling makaharap na niya ang dalaga.
Sa huling pagbuga nito ng hangin ay siyang buong lakas na siyang kumatok sa may pinto. Ngunit, biglang bumukas iyon at doon niya iniluwa si Mommy Marite.
"Borj, nandito ka na pala. Pababa na rin si Roni. Pasok ka na muna, mahamog yata diyan." Inanyaya pa ni Mommy Marite ang binata, ngunit napailing lamang iyon.
Ilang segundo lamang ang nakalipas, doon naman na bumaba si Roni. Nasa may tabi rin ng hagdan ngayon si Daddy Charlie, kaya't siya ang unang nakakita sa dalagang patungo na sa may pintuan.
"Ang ganda ng anak ko," a sincere compliment from Daddy Charlie.
Hindi napigilan ni Borj ang mapatulala habang pinagmamasdan lamang ang dalagang si Roni na ngayon ay papalapit na sa gawi nito.
Her soft baby face was very captivating. Nakalugay pa ang buhok nito na kinulot niya lang kani-kanina. Roni looks amazing in the midi dress. They are flattering and it gives her a sense of feminine confidence. That kind of confidence is a beautiful thing.
Ni hindi na nga matanggal ni Borj ang tingin niya sa dalaga. Napabuntong hininga pa nga ito sa sobrang pagkabighani. Nakangiti na lamang si Roni habang nakatingin rin kay Borj. Pakiramdam pa ng dalaga na para bang ang bagal ng oras at hindi pa siya nakakarating sa may pintuan.
"Roni, you look beautiful." Hindi napapansing binigkas iyon ni Borj.
"Thank you, Borj."
Agad lumapit si Daddy Charlie sa may pintuan at tumabi ito sa asawa niyang si Mommy Marite. Tinuro pa niya ang binatang si Borj at hindi pa ito nakakalimot magbigay ng paalala.
"'Wag kayong masyadong gagabihin, but enjoy your friendly dinner."
"Oo na, sige na. Charlie, hayaan na natin sila." Hinila pa ni Mommy Marite si Daddy Charlie palayo ng pinto. Dali-dali naman ng sinara na niya ang pinto pagkatapos.
Natatawa na lamang si Roni sa inaasta ng mga magulang niya. Mayamaya rin ay ibinaling na ng dalaga ang tingin nito kay Borj.
"Saan ba tayo kakain, Borj?"
"Sa parke ng subdibisyon."
Kumunot bigla ang noo ni Roni. Mabuti na lamang at walking distance lang ang parke mula sa bahay nila Roni, kaya hindi naman siya gaano mapapagod. Mababa rin naman ang heels na saplot ng kanyang mga paa, kaya hindi ito mahihirapan sa paglalakad.
ʕ •ᴥ•ʔ
Nang makarating ang dalawa sa lokasyon, agad na sumalubong doon sina Basti at Yuan. Pareho pa silang nakasuot ng pang waiter.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...