039

1K 89 27
                                    

Malapit na ang paglubog ng araw nang marating ng magbabarkada ang campsite na dati ay kanila na rin napuntahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malapit na ang paglubog ng araw nang marating ng magbabarkada ang campsite na dati ay kanila na rin napuntahan. Ni hindi na nga nag-atubiling bumaba ng van si Borj nang matigil iyon sa tapat ng entrance gate.

Sa pagpasok ng binata sa loob ng campsite, bigla nitong nabunggo si Alex. Mabuti na lamang at parehas nilang nabalanse ang kanilang mga sarili at 'di sila tuluyang napasalampak sa lupa.

"Pare, dahan-dahan ka naman! 'Di mo ba alam ang tumingin sa paligid mo?" Napaayos pa ng sarili si Alex habang nakakunot noo na ito.

Ang papunta sa gawi ni Alex na mag-asawang Joe at Nelia ay nag-alala naman na sa lagay ng una. Ngunit, mayamaya lamang din ay doon napansin ni Nelia ang binatang si Borj na hindi mapakali.

"Oh geez! Am I seeing things right? Borj, ikaw ba 'yan?" Napatutop pa ng bibig si Nelia dahil sa gulat.

Matagal na rin kasi nitong hindi nakikita si Borj. Natutuwa rin naman siyang muli niya iyon makita.'Di pa niya maitago ang kanyang kilig at ngiti dahil alam niya sa oras na iyon na si Roni ang sadya ng binata.

"You're looking for Roni, right?" tanong ni Nelia. Sinisigurado niyang tama lang ang kutob niya.

Napatango naman si Borj bilang sagot nito. Doon naman todo ngiti ang siyang ipininta ni Nelia sa kanyang labi.

"Sabi na nga ba! Joe, pakihatid nga itong si Borj," marahang tinapik pa ni Nelia ang balikat ni Borj na pinapahiwatig niyang suportado pa rin siya sa tambalang BoNi.

"O sige. Pare, halika na," pag-anyaya ni Joe.

Nagsimula ng naglakad sina Joe at Borj para puntahan na ang dalagang si Roni. Hindi na rin matanggal ang ngiti sa labi ng huli, pero 'di rin nakatakas na maramdaman niya ang nerbyos.

Mayamaya lamang, lalabas na rin sana sina Alex at Nelia upang magpunta ng boutique shop, nang biglang makasalubong nila ang buong barkada ni Borj. Nagulat pa ang lahat at dahilan upang mapatigil sila sa paglalakad.

"Kuya Yuan? Anong ginagawa niyong lahat dito?" gulat na tanong ni Alex. Inisa-isa pa niyang tiningnan ang bawat magbabarkda.

Akala lang kasi ni Alex ay si Borj lamang ang mag-isang nagpunta doon. Napahalukipkip naman sa kamay si Nelia saka ito seryosong napatingin sa magbabarkada.

"Susunod kami kay Borj, magchi-cheer lang kami," kahit tunog sakrkastiko ang siyang tugon ni Yuan ay iyon naman talaga ang gagawin ng buong barkada.

Napakunot bigla ang noo ni Alex saka ito napailing. Alam naman na sa oras na iyon ni Nelia na pangpagulo lamang ang magbabarkada kapag magpupunta pa ang mga iyon sa kung nasaan man ang dalaga. Kaya't minabuti nitong huwag silang makasunod kay Borj.

"Hep! Walang makakalagpas, walang susunod kay Borj!" Nelia spread her arms para lamang harangin ang magbabarkada na susunod sana kay Borj.

Ginaya rin ni Alex ang ginawa ni Nelia upang sabayan din ito. Gusto lamang kasi ni Nelia na hindi na sumunod pa ang lahat para makapag-usap sina Borj at Roni na sila lamang.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon