"Ano ba, Junjun. Kasama talaga 'yung suntukin ako kanina? Kakampi mo ako," angal ni Tonsy. Nakaharap siya ngayon sa may salamin at impit itong ginagamot ang natamong pasa sa kanyang bibig.
Nasa dugo na talaga ni Junjun ang pagiging mali-mali at kung minsan pa ay wala siya sa tamang timing.
Magkatabi naman ang mag-asawang sina Junjun at Jelai. Ginagamot ngayon ni Jelai ang putok na labi ni Junjun.
"Buti na lamang at hindi iyon napansin nina Borj at Roni, panigurado na 'yang pagkamali-mali mo e napurnada pa 'yung plano." Kumuha ng bulak si Jelai saka ito nilagyan ng betadine at kalaunan ay marahang dinidikit-dikit iyun sa mga sugat na natamo ni Junjun.
Napahiyaw pa doon si Junjun kaya pinalo siya ng kanyang asawa upang manahimik. Dinaig pa kasi ni Junjun ang sirena ng bumbero kapag humiyaw.
"Pasensya na, masyado akong nadala sa karakter ko. Jelai, 'wag mo namang diinan 'yung bulak sa sugat ko." Lumalayo na ang mukha ni Junjun sa bulak na siyang pinapahid ni Jelai. Hindi na kasi nito makayanan ang kirot na nararamdaman.
Nang hindi na makatiis si Junjun ay marahang inilayo niya na lamang ang kamay ng kanyang asawa. Dahan-dahan pa siyang napahawak sa putok niyang labi.
"Ang sakit ng pagkakasuntok at pagkakasakal sa'kin ni Yuan. Kamusta naman kaya ang mga kabilang panig? Black eye kasi ang binigay ko kay Yuan." Hindi napigilan ni Junjun ang matawa nang maalala niya ang kanyang ginawa kay Yuan. Pansin rin ang marka sa leeg ngayon ni Junjun dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Yuan kanina.
Ngunit napatigil bigla sa pagtawa si Junjun nang maalala niya ang nangyari kay Borj kanina. Hindi nito naiwasan ang mag-alala para sa kaibigan. Nakita kasi nito kung gaano karami ang dugo sa kamay kanina ni Borj.
"Kamusta na kaya si Borj? Hindi ko inaasahang war freak pala 'tong si Tonsy. Akalain niyo bang nagbasag pa siya ng dalawang vase kanina," si Junjun.
"Dahil sa ginawa kong iyon, kamuntikan pang nasugatan si Roni. Pero buti na lamang at agad na sumaklolo si Borj sa kanya. Tingnan mo nga naman, ang Borj natin, nagpapakahero," wika ni Tonsy saka ito napailing.
Gusto man nilang tumawa at magdiwang dahil kahit papaano ay napaniwala nila sina Borj at Roni, ngunit sa gulong ginawa nila ay hindi rin mawawala sa tatlo ang kalungkutan dahil may nasaktan.
ʕ •ᴥ•ʔ
Sa bahay ng mga Salcedo. Nasa sala ngayon ang magkakaibigan, kanya-kanya na sila ngayon ng ginagawa. Si Missy ay patuloy na nililinisan ang mga sugat sa mukha ng kanyang asawa na si Yuan, samantalang si Roni naman ay inis na inis na ginagamot ang siyang nakalmot sa ibabang mata ni Basti.
Patuloy lamang na nananahimik si Borj sa gilid habang nagtitiis sa hapdi ng sugat nito. Siya na dapat ang uunahin ngunit sinabi nitong mauna na lamang sina Basti at Yuan. Kaya pa rin naman daw niyang magtiis.
"Ayan! Ito ang mga napapala niyo sa pagiging basagulero ninyo. Saksakin mo na sa susunod para mas intense!" Mas lalong diniinan ni Roni ang bulak na may alcohol sa ibabang mata ni Basti na siyang nagtamo ng kalmot.
"Roni, dinadagdagan mo lang yata ang pasa ko!" angal ni Basti.
"Kulang pa 'yan Basti. Ang tatanda niyo na, gano'n pa talaga kayo mag-away," sita ni Roni.
"Look who's talking. Gano'n din naman kayo ni Borj-sorry. My bad," natahimik na lamang si Basti dahil alam niyang mali siya doon.
Napabuntong hininga si Roni saka ito nagsalita. "Huwag niyo kaming isali sa usapan. Sagutan lamang ang nagawa namin ni Borj, hindi nag-wrestling!" Diniinan pa lalo ni Roni ang bulak sa mga kalmot ni Basti.
"Aray naman, Roni!" indang sigaw ni Basti. Napahawak pa siya sa kanyang kalmot dahil sa sobrang hapdi.
Napatakbo pa si Basti palayo kay Roni dahil ayaw na nitong magpagamot doon. Tumabi na lamang ang binata sa tabi ni Yuan. Tanging pag-iling ang siyang nagawa ni Roni, ngunit makikita sa mukha nito kung paano siya nadismaya sa kung anong ginawa ng mga kaibigan niya na nagkagulo. Kung alam lang niya na kunwari lamang ang lahat ng iyon, ngunit hindi rin inaasahan ng mga nagplano na magkakasakitan sila ng pisikalan.
Talaga lamang magagaling kung umarte ang barkadahan at talagang napaniwala nila ang dalawa na may alitan nga ang magkabilaang panig.
"Okay na ako, Roni. Gamutin mo na lamang si Borj, mukhang mas kailangan niya ang tulong mo," napanguso pa si Basti nang ituro niya si Borj.
Napatingin si Roni sa gawi ni Borj. Nandoon lamang ang binata sa may parihabang sopa, nagtitiis na hindi indain ang mga sugat niya sa kamay. Kumpara kina Yuan at Basti, si Borj ang mas napuruhan dahil nasugat pa ang kamay niya dahil sa bubog na nagkalat kanina sa sahig. Gusto lamang kasi niyang protektahan kanina si Roni.
"No, I can ma---" Hindi na iyon natapos pa ni Borj dahil pinutol agad iyon ni Missy.
"'Wag ka ng mag-inarte. Hindi mo 'yan kaya, may sugat ang kamay mo dahil sa bubog kanina. Let Roni help you clean your wounds." May iniabot pa si Missy na medicine kit kay Roni at saka muli itong nagpatuloy na nililinis ang iba pang sugat ni Yuan.
"Ummm-mukhang kailangan ko ng umalis," hindi inaasahang pamamaalam ni Basti.
Dali-daling napatayo si Basti sa pagkakaupo at pasimple itong napakindat sa gawi ng mag-asawang sina Missy at Yuan. Sinyales lamang na binibigyan niya ng babala ang dalawa upang sumunod silang umalis para iwan sina Borj at Roni sa sala para doon magkaroon sila ng oras para sa isa't isa.
Agad naintindihan nina Missy at Yuan ang mga ipinapahiwatig ni Basti. Palihim na lamang na napatango ang mga ito habang nakapinta sa mga labi nila ang ngiting may balak.
Napakunot pa ang noo ni Roni dahil sa pagkalito. Pansin kasi niyang may ibang kinikilos talaga ang tatlo kanina pa. Para sa dalaga ay para bang may mga secret code sina Basti, Missy at Yuan dahil sila-sila lang ang nagkakaintindihan.
"Yuan, Borj, Missy---mauna na ako. Roni, bahala ka na kay Borj diyan," pagpapaalam ni Basti saka agad na kumaripas ng takbo palabas ng bahay.
"Hoy Basti, hindi ka pa tapos!" sigaw ni Roni.
"Don't mind me Roni, gagamutin ko na lang sarili ko sa bahay. Gawin mo na lang ang pinag-uutos ni Missy," pahabol na sigaw ni Basti.
Sa loob-loob ni Basti ay tuwang-tuwa pa itong makaalis ng bahay ng mga Salcedo. Gumawa na siya ng unang hakbang para lamang mabigyan ng pagkakataong masarili nina Roni at Borj ang isa't isa.
"Kuya Yuan---" putol na wika ni Roni.
Hindi na natapos ni Roni ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Yuan. Oras na kasi para isagawa nila ang pinaplano nila.
"Parang inaantok na ako," palusot ni Yuan at nagkunwari pa itong humikab para lamang magampanan na inaantok na siya.
Bumaling naman ang tingin ni Roni kay Missy at doon naman agad napapungay-pungay ng mata ang huli.
"I'm also tired. Mauna na kami ni Yuan. Roni, ikaw na bahala dito,"
Ang mag-asawang sina Missy at Yuan ay agad ng nagtungo sa taas. Palihim pa silang nag apir.
Ngayon ay sina Borj at Roni na lamang ang natitira sa may sala. Tanging pagtitig sa isa't isa ang nagagawa ng dalawa. That awkward moment and gap between Roni and Borj were actually present, again. Well, only that means in their case right now, sweet ones are always awkward.
Mayamaya ay aligagang napaupo na lamang si Roni at doon na niya inihanda ang gagamitin para linisin ang mga sugat ni Borj.
ʕ •ᴥ•ʔ
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...