Kalalabas lamang nina Borj at Roni sa may Perfect Match Booth. Nagtatawanan na lamang ang dalawa habang nakatingin sila pareho sa singsing na siyang hawak-hawak nila.
Mayamaya lamang, sinuot na ni Roni ang singsing na kanilang napanalunan. Nakangiti pa itong napatitig siya sa kanyang daliri.
"Woah, I never thought that this ring would fit on my finger," mahinang napabunghalit pa ng tawa si Roni.
Pasimple ring isinuot ni Borj ang singsing sa kanyang daliri at panay rin ang pagngiti nito.
"Mine too," si Borj.
Nagtawanan na lamang pareho sina Borj at Roni. Hindi na lamang binigyan ng dalawa ng kahulugan ang napanalunan nilang singsing, ayaw naman nilang magkahiyaan pa sila ulit. They can just both ride the moments for a while.
Nagpatuloy na lamang naglibot muli ang dalawa, hanggang sa may namataan silang booth na ikinatigil nila sa paglalakad. Naningkit pa ang mga mata ni Borj upang basahin lang ng maayos ang nasa plaka ng booth.
"May nanghuhula!" Tinuro pa ni Borj ang isang matanda na nakaupo malapit sa may malaking puno. Balot ang ulo nito ng isang tela habang maraming abubot sa kanyang katawan. Kung susumahin ang edad niya'y, nasa pitumpung taong gulang pataas ito.
Napabunghalit naman ng tawa ang dalagang si Roni. "Bakit, magpapahula ka? Don't tell me, you believe those kind of people?"
"Hindi naman, katuwaan lang naman. Subukan kaya natin?" suhestyon ni Borj.
"There's no harm in trying, sabi nga nila." Napakibit-balikat na lamang si Roni.
Sabay na nagtungo ang dalawa sa pwesto ng matandang manghuhula.
Tahimik at nakapikit lamang ang matandang manghuhula. Hawak-hawak pa niya ang kanyang naipon na baraha. Magsasalita na sana si Roni nang bigla siyang unahan ng manghuhula.
"Kung hindi lang din kayo naniniwala sa'kin, mas mabuting huwag na lang kayong tumuloy."
Nagkatinginan pa sina Borj at Roni. Para bang gulat pa sila dahil sa sinabing iyon ng matandang manghuhula. Nakakapagtaka lamang kasi na papaano nabasa ng manghuhula ang nasa isipan ngayon ng dalawang magkaibigan.
"Ay hindi po, magpapahula po talaga kami," wika ng dalagang si Roni.
"Kung gano'n, maupo ka Ginoo," muling wika ng matandang manghuhula.
Tuliro man si Borj, ngunit naupo pa rin siya. Hindi lubos maisip ng dalawang magkaibigan kung papaano nalaman ng matandang manghuhula na may kasama si Roni na binata, e ni hindi pa nadidilat ng matanda ang mga mata nito simula no'ng magawi ang magkaibigan doon.
Mas minabuti namang nakatayong tumabi si Roni sa binata. Tahimik lamang ang dalaga habang seryosong pinagmamasdan ang susunod na gagawin ng matandang manghuhula.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...