027

812 101 19
                                    

Nasa loob na ng sariling bahay si Borj

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa loob na ng sariling bahay si Borj. Nakaupo ito sa may sopa habang masama ang tingin nito kay Ellaine na siyang nananatiling nakatayo habang nakahalukipkip. Ang anak naman ni Borj na si Mori ay nasa taas na ng kwarto at mahimbing na natutulog.

"I came here para sunduin ka, Babe." Nakuha pang landiin ni Ellaine ang binatang si Borj.

Parang ahas kung makapulupot ang dalaga sa binata. Nainis bigla si Borj at marahas niyang tinanggal ang nakayakap na braso ng dalaga sa kanya at kalaunan ay tinulak niya ito palayo .

"Ellaine, matagal ng walang tayo! So don't you ever call me Babe again." Nanlilisik pa ang mga mata ni Borj.

"But Babe, gano'n mo na lang ba itatapon ang relasyong meron tayo? Besides, your Mom talked to me. Payag na siyang magpakasal tayo when you get back to States." Kung makapagsalita si Ellaine ay parang sila pa rin ni Borj. Para bang sa ganitong inaakto niya ay wala siyang nagawang mali.

Hindi nagustuhan ni Borj ang mga pinagsasabi ni Ellaine, kaya't mas lalong nagpuyos sa galit ang una.

"It would be a big mistake if I'll marry you. Ayokong matali sa isang babae na mas makati pa sa higad. I'd rather be alone than to spend the rest of my life with you." Now that's too harsh. Para bang hindi babae ang siyang kinakausap ni Borj sa kasalukuyan.

Nawala na kasi ang respeto ni Borj sa dalaga simula nang maghiwalay sila. Sa loob ng ilang buwan ay nakayanan naman ng binata na makalimot na sa kung anong naging ugnayan nila ni Ellaine noon, ngunit nang magpakita muli ang dalaga, napamukha na naman sa binata ang pagiging tanga niya sa pag-ibig.

Napalayo pa si Ellaine kalaunan, ngunit mayamaya lang din ay pilit itong napangiti. Ngiting may kakambal na kumikirot sa puso niya.

"Babe, don't say that. Nagtatampo ka pa rin ba? I'm really sorry," nang-aakit na wika ni Ellaine. Akala niya ay madadaan niya pa rin sa ganoong usapan si Borj.

"Ellaine, sa tingin mo ba uubra ang mga pinaggagagawa mong 'yan?! At tampo, sa'yo? Damn it, bobo ka ba? Hindi ako mag-aaksaya ng oras para lang magtampo." Panlilisik na tingin ang siyang ipinupukol pa rin ni Borj sa dalaga.

Mas lalong nandiri ang binatang si Borj sa mga pinaggagagawa ngayon ng dalaga sa kanya.

"Babe, hindi mo na ba ako mahal?" tanong ni Ellaine.

"Hindi na ikaw ang mahal ko, Ellaine. Is that enough para tigilan mo na ako?" si Borj.

"At sino naman ang ipinalit mo sa akin? 'Yung babaeng cheap na 'yun? She's not that even attractive at all. Mas may class naman ako kaysa sa kanya." Napapadyak pa sa inis ang dalaga. Sa tingin kasi nito'y para lamang naapakan ang pagkatao niya kung pumatol nga si Borj sa dalagang si Roni.

Sadya lamang na mapagmataas si Ellaine. Kahit na sino ay kaya niyang ilampaso. What she thinks, 'yun ang totoo. What she wants, makukuha niya. Most especially, kung sino ang mahal niya, ayaw na niyang pakawalan pa.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon