014

1.2K 140 119
                                    

Tanging pagtititigan ang nagagawa ngayon ng grupo sa loob ng kanilang tambayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tanging pagtititigan ang nagagawa ngayon ng grupo sa loob ng kanilang tambayan. Kunyari pa na matatalim ang siyang ipinupukol na tingin ni Missy sa panig nina Jelai. Halos makikita ang pagkakahati ng barkadahan dahil sa malaking espasyong nakapagitan sa kanilang kinauupuan.

Sa kaliwang bahagi ng parihabang sopa ay doon nakaupo sina Basti, Missy at Yuan. Samantalang sa kanang gawi ng parihabang sopa ay doon nakapwesto sina Jelai, Junjun at Tonsy. Nakatayo naman ngayon sina Borj at Roni sa harap ng kanilang mga kaibigan. Dahil na rin sa pangangalay ay napapasandal na lamang si Borj sa may mesa.

Nakahalukipkip pa si Missy na akala mo'y isa siya sa mga prosekyutor na gustong makakuha ng sagot. Lahat ngayon na nakaupo sa sopa ay walang kaalam-alam kung anong rason kung bakit sila naipatawag. Naiinip na rin ang iba sa kanila dahil sa katahimikan na siyang namamayani sa loob.

Mayamaya lamang, napatingin si Missy sa gawi ni Borj na ngayon ay nananatiling nakasandal sa mesa. Half of his butt were actually sitting on the table.

"What now, Borj? Ano bang ginagawa natin dito? May mga kasama pa talaga tayong magaling pumuna." If Missy was just an actress, matagal na siyang nakatanggap ng papuri dahil sa galing nitong umarte. Hindi pa nito naiwasang mapatingin sa gawi ulit nina Jelai.

Napairap na lamang si Jelai at doon naman na siya napatingin kay Roni. Ni hindi rin mawala sa una ang pagkakasalubong ng mga kilay niya. Everyone was in character. Kapani-paniwalang may mga tampo talaga ang dalawang panig.

"Hindi ko rin naman matagalan ang pagmumukha nila! Roni, please lang, maaari na ba kaming umalis?" pagpaparinig ni Jelai habang nakatingin ito kay Roni.

Dahil sa sinabing iyon ni Jelai ay agad nagreak si Missy at napatayo pa ito. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na sinabayan pa nito ang pagsinghap na akala mo ay nagulat siya. She started to be melodramatic again.

"Shame on you," bulalas ni Missy. Susugod pa sana ito, ngunit agad napatayo si Yuan upang pigilan siya.

Napatayo rin ng 'di oras si Junjun para hawakan ang asawa nitong si Jelai, nag-aalala lamang ito na susugod din siya sa kabilang panig. Ayaw naman nilang may gulo ulit na mangyayari.

"I'm out of here! Bitawan mo ako, Yuan!" marahas na binawi ni Missy ang kanyang kamay.

Nang dahil sa ginawang pagwo-walkout ni Missy ay gano'n na rin sana ang gagawin ng lahat. Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lamang napasigaw ng malakas si Roni dahilan upang walang sino man ang mapang-ahas na lumabas ng tambayan.

"Walang aalis!" nag-aalburutong sigaw ni Roni.

Everyone was like a statue who froze automatically. Halos lahat sila ay nagulat sa pagsigaw ni Roni. Ni isa sa kanila ay ayaw ng kumurap dahil baka doon ay masita pa sila ng dalaga. Hindi rin nila mapigilan ang mga puso nilang mabilis na kung tumibok dahil sa kaba. Hindi kasi nila inakala na magsusungit si Roni.

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon