001 Prologue

2.4K 236 272
                                    

Year 2010Wedding Day of Basti and Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Year 2010
Wedding Day of Basti and Roni

Ngayon ang pinakaimportanteng araw para kay Roni, dahil sa pagkakataong ito ay gaganapin na ang kasal na pinakahinihintay niya. Sa hinaba-haba ng panahon ay matutupad na rin mismo ang pangarap ng dalaga na mapakasal siya sa pinakamamahal nitong si Basti.

Kahit na on and off ang relasyong meron sila ay nagkaroon rin ng pagkakataong maikakasal na sa wakas sina Roni at Basti.

Lahat ng mga bisita ng ikakasal ay naiinip ng naghihintay sa labas ng simbahan. Si Yuan na kapatid ni Roni at ang asawa nitong si Missy ay parehong bagot na bagot nang nakaupo sa may hagdan kasama si Junjun.

Sa gawi naman ni Roni, nananatiling nasa loob pa rin siya ng kotse at hindi mawala-wala sa labi nito ang matatamis na ngiti. Naghihintay na lamang si Roni sa pagdating ng kanyang mapapangasawa, ngunit labing limang minuto na ang itinatagal ay wala pa rin kahit na anino ni Basti ang siyang nasa simbahan.

Ilang segundo lamang ay biglang kumatok si Jelai sa bintana ng kotse, sa likod naman nito ay doon nakatayo ang Ina at Ama ni Roni. Malungkot pa ang mga reaksyon nila habang napapatitig sa gawi ng kanilang anak.

Agad binuksan ni Roni ang pinto upang papasukin sa loob ng kotse si Jelai. Ilang taon na rin ang nakakalipas at nananatili pa ring maganda ang pagkakaibigang meron sila ni Roni.

"Roni," maikling wika ni Jelai. Napalunok pa ito sa huli at hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa sasabihin nitong masamang balita.

Sa gawi ni Roni, hindi pa rin matanggal sa labi nito ang ngiti at tila ba'y sabik na sabik na siyang makatungtong ng altar, pero mayamaya lamang ay napansin niya ang ipinapakitang reaksyon ni Jelai kaya't ang maaliwalas na ngiti ni Roni ay napalitan ng pangamba at kaba.

"Jelai, is there a problem? Nasaan na si Basti?" Sumilip-silip pa si Roni sa labas ng kotse ngunit walang Basti ang siyang nandodoon. Muli na lamang ibinaling ni Roni ang tingin nito kay Jelai na ngayon ay nagpipigil ng mga luha.

Sa hindi inaasahan ay bigla-bigla na lamang napayakap si Jelai sa kaibigan nitong si Roni. Dahil sa ginawang iyon ng kaibigan niya ay parang ramdam na ni Roni na may hindi magandang nangyari. Napatulo ang luha ni Roni dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman. Nalilito siya dahil na rin sa kaba.

"Nasaan si Basti? Jelai, answer me."

Kalaunan ay kumawala sa pagkakayakap si Jelai at doon niya mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaibigang si Roni.

"Roni, hindi na makakarating si Basti. Umurong na siya sa kasal ninyo," malungkot na balita ni Jelai.

Napailing si Roni at pilit itong napangiti kahit na tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha nito.

"You're just joking, right? Prank ba ito, Jelai, 'wag kang magbiro ng ganyan," mapakla pang napatawa si Roni, ngunit patuloy pa ring seryosong reaksyon ang ipinupukol ni Jelai sa kaibigan nito.

"Hindi ako nagbibiro, Roni. Kararating lang ni Tonsy dito sa simbahan at binalita nga sa amin na napagdesisyonan daw ni Basti na 'wag ng ituloy ang kasal ninyo," salaysay ni Jelai.

"Pero bakit? Ngayon pa talaga sa araw ng kasal namin siya magku-quit?" garagal na wika ni Roni.

Nalilito na si Roni dahil wala naman siyang maisip na dahilan upang umurong sa kasal si Basti. Hindi mapigilan ng dalaga ang maguluhan sa sitwasyong nangyayari ngayon.

"I'm sorry, Roni. Today should be your most memorable day, pero mukhang hindi na. May pinapaabot din si Tonsy. Sulat daw 'yan ni Basti." Iniabot naman ni Jelai ang isang puting sobre kay Roni at mayamaya lamang ay napagdesisyonan ng lumabas ang una sa loob ng kotse.

Kitang-kita sa labas kung papaano yumakap ng mahigpit si Jelai sa asawa nitong si Junjun. Hindi na mapigilan ni Jelai ang maawa at malungkot para sa kaibigan nitong si Roni.

Sa loob naman ng kotse, doon na binuksan ni Roni ang sobreng naglalaman ng sulat. Doon bumungad sa kanya ang sulat kamay ni Basti at ang mahaba-haba nitong paliwanag.

My Dearest Ronalisa,

First of all, I want to say sorry for the damages I'd cost. Hindi ko intensyong saktan ka, pero alam kong ito ang nararapat kong gawin. I'm really sorry at sa kasal pa natin mismo ko ito sasabihin.

I thought that being in a relationship with you for almost 10 years made me think that we are now destined together, but it seems like it was all a mistake. Sa tinagal-tagal ng relasyong meron tayo, I only just realize now how your heart doesn't really belong to me as a whole. Ramdam ko 'yon, Roni. Alam kong kahit ikaw ang kapiling ko sa nagdaang taon na iyon, iba pa rin ang sinasabi ng puso mo. Hindi mo man sabihin ay alam ko na. Ayaw ko namang matali ka sa akin at magkaroon ng pagsisisi sa huli. I guess, I'm not the man you would actually want to spend for the rest of your life. You deserve someone better. You deserve him. He deserves you more.

It's time for me to let you go, pero gusto ko lang malaman mong, ikaw pa rin ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.

Love,
Basti

Sa tindi ng emosyong bumabalot sa puso ni Roni ay hindi nito mapigilang mapakuyom ang kamao na siyang nagdulot ng pagkalukot ng sulat.

Hindi lamang kasi inaasahan ni Roni na aabot sa ganitong sitwasyon ang lahat. Sa pagkakaalam nitong magiging perpekto na ang lahat mula sa pagkakaroon nito ng minamahal at pagpapakasal ay nagkamali lamang siya sa huli.

"Baba!" bulalas ni Roni sa kanyang Driver.

Hindi naman nakaimik ang kawawang Driver at natatakot lamang napatitig siya sa may rear view mirror na kung saan nandodoon ang repleksyon ni Roni. Kitang-kita sa mga mata ni Roni sa kasalukuyan na sobra itong nasasaktan. Pulang-pula na ang mata nitong kanina pa naiiyak.

"I said, get out!" muling sigaw nito at doon lamang tarantang lumabas ang Driver.

Mayamaya lamang ay dali-daling pumaharap si Roni papunta ng driver's seat. Walang pagdadalawang isip na itinakbo ang kotse nito pauwi ng bahay.

Lahat ng mga tao sa simbahan ay nagkagulo na, litong-lito pa sila kung bakit biglang umalis ang bride. Walang nagawa si Tonsy at minabuting ipaliwanag sa lahat na hindi na matutuloy ang kasal nina Roni at Basti.

Dahil sa ibinahaging masamang balita ni Tonsy ay hindi maitatanggi ang pagkadismaya ng lahat.

Si Marite na Ina nina Yuan at Roni ay napayakap na lamang sa asawa nitong si Charlie. Hindi mapigilan ni Mrs. Salcedo na masaktan para sa anak nito.

Roni's dream wedding were all once destroyed by a man whom she actually thought it was her forever.

ʕ •ᴥ•ʔ

G-Mik: First Love, Last Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon