Roni and Alex were sitting on a log bench that was located at Alex's Garden. Yakap-yakap ni Roni ang kanyang sarili habang dinadamdam ang magandang simoy ng hangin. Samantala, pinagmamasdan lamang siya ng kapatid niyang si Alex.
"Ate Roni, ano bang pakiramdam ng masaktan?" Hindi inaasahang tanong ni Alex.
Napatingin bigla si Roni sa katabi nitong si Alex. Nagulat kasi ito sa tanong ng kanyang kapatid. Hindi na lamang niya mapigilan ang mapabunghalit ng tawa. Para lamang kasing nakikita ng dalaga ang sarili nito noon sa kapatid niya.
She even remember na gano'ng tanong din ang siyang nasabi niya noon sa Kuya Yuan nila. Mapagbiro nga ang tadhana at ang simpleng tanong niya noon ay siyang nararamdaman na niya sa kasalukuyan.
"Bakit mo tinatawanan ang tanong ko, masaya bang masaktan?" sarkastikong wika ni Alex.
Napailing na lamang si Roni saka ito nagseryosong muli.
"Naalala ko lang kasi no'ng bata kami ni Kuya Yuan. Ganyan na ganyan din ang tanong ko sa kanya no'ng minsang nasaktan siya sa crush niyang si Marga."
"Pero, ano ba talaga ang pakiramdam?" Alex was just curious, kaya natatanong niya ang mga bagay-bagay na 'yun.
Hanggang puppy love pa kasi siya. Ni hindi pa nga handa si Alex para pasukin ang isang relasyon.
"Sa totoo lang, hindi ko siya ma-explain. Pero isa lang masasabi ko, parang napipiga ng pino ang puso ko. 'Yung pakiramdam na para bang may mabigat na dumadagan sa dibdib ko," paliwanag ni Roni.
Napapahawak pa sa kanyang dibdib ngayon ang dalaga at para bang kapansin-pansin na namang matamlay ito. Mas minabuti naman na ni Alex na ibahin na lang ang topiko.
"Hanggang kailan ka magi-stay dito? Dito ka na lang para may kasama ako," ngiting ani Alex.
Pilit namang napangiti si Roni saka niya inakbayan ang bunsong kapatid. Gustong-gusto nga talagang manatili doon ng dalaga at huwag ng bumalik pa sa bahay niya, ngunit iniisip din kasi nito na marami siyang maiiwan sa lugar na siyang kinalakihan na niya.
"Dito lang ako hanggat magulo pa ang isipan ko, babalik lang ako sa bahay kapag buo na muli ako," tugon ni Roni. Ginulo-gulo pa niya ang buhok ng binata.
Pero kalaunan rin ay tinigil agad ng dalaga ang kanyang ginagawa dahil bigla lamang may naalala siya.
"Alex, tanong ko lang. Napanatili pa rin ba 'yung lugar kung saan lagi pinagtatamnan ng puno?" tanong ng dalaga.
Kumunot naman ang noo ni Alex at napaisip ito bigla sa kung anong lugar ang siyang tinutukoy ng dalaga. Ngunit, mayamaya lamang ay bigla na niyang naalala ang isang lugar na alam niyang pinagtatamnan ng mga puno no'n.
Noong nasa elementarya ito'y napuntahan na rin niya ang siyang lugar na nasabi ng kanyang Ate Roni.
"Iyan ba 'yung campsite na napuntahan namin no'ng elementary ako? Sa pagkakaalam ko, wala na 'yun. Off limits na siya simula no'ng lumipat ako sa lugar na'to," ani Alex na napahawak pa siya sa kanyang baba.
BINABASA MO ANG
G-Mik: First Love, Last Love [Completed]
FanfictionCOMPLETED --- Matapos ang hindi matagumpay na relasyong nabuo nila Ronalisa 'Roni' Salcedo at Sebastian 'Basti' Barrios ay doon ipinangako ng una na hindi na siya magpapantasyang magkakaroon pa ito ng happy ending love story ng gaya sa fairytale. Ng...