Chapter 4- Challenge

297 12 0
                                    

Zaria POV

It's exactly the third day in senior and heck! Natambakan na ako ng gagawin. Bitbit ko ngayon ang mga papers na ihahatid ko sa Dean's office. Syempre taranta ako dahil kailangan 'to ni Dean ngayon.  I am on my way to the Dean's office when unexpected things block my way that cause me to stumble.

"Ouch," igik ko at hinawakan ang balakang ko,  sakit sa pwet.  Tiningnan ko naman ang bagay na dahilan kung bakit ako nadapa, isang bato.  Seriously? Bakit may bato dito?

At bakit naman kase ang tanga ko? Apat na nga mata ko, 'di ko pa nakita ang bato.

"Ayos ka lang?" may narinig akong boses kaya inis akong napatayo at agad na sumigaw.

"Hindi!" napatigil naman ako ng makitang si Ethan yun, kita ko naman kung pano siya nagulat ng sinigawan ko siya.  "May nadapa bang okay?" pambawi ko sa nakakahiyang pag sigaw ko.

"Ah.." napakamot siya sa ulo.

"Eh. Ih. Oh. Uh," I said and rolled my eyes, I heard how he chuckled kaya napailing nalang ako before getting the papers that fell from my hand.

"Let me help you," he said

"Wag na," sabi ko pero di siya nakinig at tinulungan niya parin ako kaya napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang siya. 

"Thank you," sabi ko at inabot naman niya sa'kin ang napulot niya.  "At sorry kung nasigawan kita, nakakainis lang kase,"

"No worries. Anyway, I'll go ahead. Bye!"

Sinundan ko naman siya ng tingin ng nagdire diretso na siyang naglakad palayo.Napangiti naman ako, may puso din naman pala 'tong lalaki pero hindi ako magpapaloko sa moves niya, sus if I know napakaplayboy niyan!

Itutuloy ko na sana ang paglalakad ko ng hinarangan ako ng isang babae, no other than Mira the feelingera inside this campus. Mayaman siya, maganda pero hindi siya pasado to be a campus queen because of her attitude. She was supposed to be in my place but when I transferred to this school, she was replaced by me. Mas belong daw ako dahil mabait ako at matalino pa, naku. Kaya napakalaki ng galit niyan sa akin.

"Are you hitting with my man?!" nagulat naman ako ng bigla nalang akong sinigawan ni Mira.

"Who?" I asked that make her mouth dropped.

"Edi si Ethan! Sino pa ba?!"

"Ah si Ethan? Hindi ah. Ang judger mo naman," nakangiti ko pa ring sabi, as much as possible ayaw ko ng gulo.

"Eh bakit ang lagkit ng tingin mo sa kanya? May pasorry sorry ka pa dahil nasigawan mo siya, may pa wag na wag na ka pa ng tutulungan ka niya.  Ano yang galawang pabebe?"

"Anong malagkit sa tingin ko? Kung pano kita tingnan ngayon ganon din ang pagtingin ko sa kanya kanina, so meaning ba non malagkit din tingin ko sa'yo? Hoy, excuse me di tayo talo," nagbibirong sabi ko, akala ko di na mababawasan galit niya pero mas lalo tuloy na nagalit. Ang epic naman ng mukha, jusko.

"You—! Argh, don't let me see your face again or else titirisin kita, bweset ka!" sabi ni Mira bago naglakad paalis, sinagi niya pa balikat ko. 

Nag isang linya naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.  Posible ba yun? Nasa iisang University kami, isang cafeteria lang ang kinakainan namin, at mas lalong nasa iisang room lang kami. Niloloko ba ako ng babaeng yun? And duh,  does she think I'll be afraid because of what she said? Hmp, she fought the wrong queen.

Atsaka, I'm hitting with her man daw.  First of all, I am not hitting with that man and sa kanya ba yung lalaking yun? Hindi naman.Nagkibit balikat nalang ako bago nagpatuloy sa paglakad dahil naalala kong kailangan pala 'tong papers.

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon