Chapter 35- Heartbreak

129 5 0
                                    

Suzi POV

Ang lalim ng iniisip ko yung sa sobrang lalim, mahirap ng masisid. Nagdadrive ako ngayon, I decided to go to the mall to make me forget about what I'm thinking right now.

I also leave my phone at our house, ayaw ko munang makareceive ng tawag or text kahit kanino especially from Drake dahil alam kong hindi ko ito kayang hindi pansinin. This is my time! Kailangan walang distraction, kailangan ko makapag-isip isip ng maayos.

To think about what I'm feeling. Anong 'tong nararamdamn ko! Masyado na akong nalilito at gusto kong malinawan. And I know going to the mall won't help pero gusto ko lang ng malibang. Okay?

Nang marating ko na ang mall ay agad akong naghanap ng lalagyan ng kotse sa parking lot, may nakita akong space kaya doon ako nag park.

This time. Ako muna. Hayaan ko muna ang sarili kong mag-enjoy. Away from pains. Away from Drake. Away from everything.

Agad din naman akong bumaba at pumasok sa mall. Ngumiti ako ng kaunti, kaya ko 'to. Ang tanga ko kase e, pumasok ako sa buhay ng isa sa mga Kings! Ito tuloy ako, nagdudusa sa 'di malaman na dahilan. It has been my rule not to enter anyone from the King's lives yet pumayag ako sa walang kwentang laro na 'yun!

Hays! Buhay nga naman oh. Naglakad nalang ako sa isang ice cream store. The lady greeted me so I greeted her back and bought an ice cream. Hindi din ako nagtagal doon at pumasok sa isang shop where clothes for both man and woman was placed.

Bibili lang ako ng damit ko pati nalang din sa kapatid ko, tiyak na matutuwa yun. Hindi ko kase hilig yung mamili, I mean bibili ako pero akin lang. I never wanted to be close with my half-brother pero makulit siya kaya ayun napalapit nalang din ako pero syempre masungit pa din.

And about the money, I have lots. Not from my father, from me. Mahilig akong mag-ipon kaya medyo kuripot ako. Although I have credit cards pero minsan ko lang 'yun ginagalaw and that's when necessary pero kapag needs ko for myself sa sariling pera ako kukuha. I don't need the money of my father dahil sa kaniya yun, I need nothing from him only his attention which is so hard for him to give me.

Habang nagtitingin ako ng damit na gusto ko, I heard a familiar voices. Agad naman akong tumago sa likod.

"Teka, which is better? This or this?" tanong ni Ayesha, yes, it's Ayesha.

"Hmm... The pink one, I guess?" sagot naman ni... Wait? Dahan dahan akong sumilip at agad akong napakagat ng labi,pinipigilan ang sariling humikbi ng makitang si Drake ito.

What? Why? How?

Ang saya nila. They're both laughing, teasing each other. Just by looking at them, parang perfect match na talaga sila. Mga ngiti nila abot langit, ang saya nila. Ang saya saya. Tapos ang sakit naman dito, sa puso.

Agad naman akong umiwas ng tingin ng parang napansin ata ni Ayesha na may nakatingin.

"Nakapili na po ba kayo?" muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla nalang na may sumulpot na saleslady sa gilid ko.

"Uhm... Ano, siguro sa sunod nalang," aligagang sabi ko sabay takbo palabas ng shop.

Wala na akong pake kung may makabungguan ako basta ang alam ko, kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Tumakbo ako palabas ng mall at dumiretso sa sasakyan ko.

Pagpasok ko ay agad kong pinaghahampas ang manubela, sa sobrang sakit at galit naibuhos ko lahat sa paghahampas. Kasabay na din nito ang pag agos ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ahhhh!" sigaw ko habang hindi pa din tinitigil ang paghampas. Ang sakit talaga kase e.

I slowly lean my forehead on the stirring wheel while still sobbing, my heart is shattered.

Alam kong hindi ko dapat ito maramdaman pero nagkagusto lang naman ako e or worst nagmahal lang! Naiinis din naman kase ako sarili ko at hinayaan ko yun!

Masyado kase siyang pafall e! Dinadaan niya sa pagiging palatawa niya! I know all of you agree that most of the women fell for a person who is funny! Like me! Nahulog tapos hinayaan lang mahulog, walang sumalo!

Sabi ko na nga ba e! Mali talaga ang pinasok ko! Bakit pa kase naimbento ang salitang laro? Ayan, tuloy! Masyado kaseng maeffort ang bakulaw na yun and that is one of the thing I like about him. Maeffort!

After how many minutes, inangat ko ang ulo ko at gusto kong untugin ang sarili ko dahil sa maling timing pa talaga. Sakto kaseng nahagip ng paningin ko ang dalawa! Nakita ko naman na medyo napatingin sa kotse ko si Ayesha bago umiwas kaagad ng tingin.

Inis ko naman na pinikit ang mata ko sandali bago minulat ulit and I guess that was the worst decision I made, nakita ko lang naman naghahalikan ang dalawa.

Sa sobrang inis na may halong sakit ay dali dali ko naman na pinaandar ang sasakyan at dumaan mismo kung nasaan sila mabuti nalang talaga pumreno ako kaya naghiwalay ang dalawa.

Nakita ko naman na napatingin sila sa sasakyan ko bago umalis sa daanan kaya agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis doon habang hinahampas na naman ang manubela.

Muntik na! Muntik na, Drake. Kung hindi pa ako bumalik sa katinuan baka napatay ko na kayo! Mga walang hiya!

Sabi ko lalayo ako sa sakit e! Bakit feeling ko ako yata ang lumapit? Tangina, ang sakit talaga. Ano ba'ng pwedeng gamot sa sugatang puso? Magpapalit na kaya ako ng puso, yung pure pa!

I really have to stop this. Ayoko nang maglaro, napapagod na ako. Pagod na pagod na, hindi sa laro kundi sa sakit. I need to end this bullshit before I get crazy and end their life instead. Nakakabaliw!

Tapos naman na e! Napaniwala na namin yung mommy niya na we're in a relationship at yung sinabi niya na titigil din si Ayesha? Sus! Hindi na kailangan dahil masaya na siya! Sila! Magsama sila! Total pareho lang naman silang dalawa e, parehong sakit ang dinala sa akin!

And this day, nalinawan na ako. That I fell in love with my freaking fake boyfriend! And guess what? Kailangan ko lang pala mawitness yung scene na yun para lang malinawan. Grabe, need palang masaktan.

At the end.... I decided to end everything between us, I know there's no us but what I mean is about our game! Ayoko na. This is for the sake of my heart that now turned into pieces. I'm not blaming him for this heart being shattered because he's not aware that I'm in love with him because all he know is that we're fake! FAKE! Wala din naman akong karapatan magalit kase nga fake! Baka mabaliw na talaga ako.

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon