Alya POV
Ang aga kong umuwi sa bahay sa kadahilanang may gagawin ako kahit wala naman talaga. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umuwi! Pero mas lalo akong nabuweset ng hindi ko man lang nakita ni anino ng lalaking yun!
At bakit ba ako nabubuweset? Diba mas mabuti yun para makagalaw ka ng matiwasay, Alya? Napapadyak naman ako, bored talaga ako. Tapos hindi pa ako makalabas bukod sa umuulan wala din akong kasama.
I tried to call Monica, I can't call her. Ewan siguro lowbat siya or nakaoff phone niya, I also tried to call Zaria and she's busy, nasa bahay siya nila Ethan. Si Suzi naman hindi sumasagot ng tawag, nagriring lang.
Kaya ito ako ngayon, nakaupo sa sofa habang paulit ulit na kinukulikot ang cellphone ko. Titingin ako sa facebook, gallery, YouTube, instagram, twitter, wattpad hanggang sa ulit ulit lang.
Ano kayo pwedeng gawin? Magswimming kaya ako sa baba? Sayang, hindi pa nabubunyagan haha. Ay tanga, malamig e. Hmm... Wala din kase kaming maid, hindi kami binigyan. Sabi kase ni daddy since may asawa na ako, gawin ko na daw ang mga gagawin dapat ng asawa. Ano ba'ng alam ko diba?
Huminga ako ng malalim at humiga sa sofa, thinking where the heck is Chase? Aaminin ko, nag-aalala ako. Ang lakas kase ng ulan at alam kong delikado ang magmaneho ngayon.
Muntik ng malaglag ang phone ko ng magring ito.
My Walking Yelong Husband calling...
Sasagutin ko ba? Ay 'wag na! It's not my responsibility to answer his calls. At isa pa, nabubuweset nga ako e! Alam mo kung anong mas nakakabuweset? Iisa lang ang kwarto namin! Yung guest rooms kase under construction pa.
Hanggang sa maend nalang ang call hindi ko ito sinagot. Omg, baka importante, Alya? Argh, bahala siya! Naglakwatsa siya e, bahala siya sa buhay niya.
Bigla na naman nagring kaya inis akong bumangon at sinagot na ang tawag. Kakairita, sakit sa ears.
"What?!" inis kong tanong.
Nangunot noo ko ng marinig ang ingay sa linya niya, parang nasa bar siya. "Bogo sip-eoyo."
With that simple Korean words, my heart beats abnormally. I know bogo sip-eoyo stands for I miss you. It's a basic Korean words!
"Where are you?" I asked, not minding what he just said. Hindi ko din kase alam ang isasagot ko.
"I'm sorry... " narinig ko ang paghikbi niya kaya nanlaki ang mata ko. "... It's all my fault. I'm sorry."
"W-what are you talking about? Chase! Tell me, where are you?" taranta kong sabi.
"Alya?" nagtakha naman ako, so all this time hindi niya pa ako kilala? Ginagago niya ba ako? Siya itong tumawag e.
"Ako nga. Asan ka?"
"I'm at the bar, it's just near our house. Why?" pasinghot singhot pa niyang sabi.
I knew it! Lasing siya! Ano na naman kayang nangyari sa lalaking ito at naglasing?!
"Leche ka!" sigaw ko at inend ang call.
Binigyan niya pa ako ng gawain. Tumayo na ako at nagbihis ng jacket bago bumaba. Sumakay na ako sa kotse at ako na mismo ang nag drive, alam ko naman kung saan yung bar na yun. Sabi niya malapit lang sa bahay, e iisa lang yung bar na malapit sa amin.
Hindi din nagtagal ay narating ko na ang bar. Pagpasok ko, ang dami pang tao and mostly mga lasing na. This is why, I hate bars! Ang daming lasing!
Nilibot ko ang paningin ko and then there, I saw Chase sitting on the sofa with his eyes close. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa tabi niya, nakita ko naman na minulat niya mata niya.
"No girls! Get off my sofa!" he said but I ignored him. "Lady, get off! I have a wife and I don't want her to be mad."
I bit my lower lip. Chase being loyal, huh?
"Let's go home," sabi ko.
"I won't! I won't go with anyone but my wife. Umalis kana!"
"Chase! It's me, Alya! Your wife!" sigaw ko kaya napatitig siya sa akin at ngumiti.
"Alya, my wife... " nagulat ako ng hinaplos haplos niya ang pisngi ko. "You look beautiful."
I faked a cough and stood up. "Let's go home, let's go."
Tumango tango naman siya kaya tinulungan ko siyang tumayo, ang bigat niya! Nagbayad naman ako sa mga ininom niya bago siya sinakay sa backseat ng kotse. Pumasok kaagad ako sa driver seat at huminga ng malalim bago tumingin sa salamin kung saan nakikita si Chase na nakapikit na ang mata.
Why the heck did you get yourself drunk, Chase?
I was about to start the engine when... "Chanel, my baby. Why did you leave me? Hmm?"
Biglang kumirot ang puso ko. Napakagat nalang ako sa pang-ibaba kong labi bago napagdesisyonan na umuwi na.
Hindi din nagtagal ay narating na namin ang bahay, ginising ko siya pero kahit ganon inalalayan ko pa rin siya pagiling giling kase kung maglakad. Dinala ko naman siya sa kwarto namin at pinahiga.
"You're such a mess, Chase," sabi ko habang pinipigilan ang sariling lumuha.
Hindi ko din alam kung bakit gusto kong lumuha! Basta ng binanggit niya yung name na Chanel, biglang kumirot ang puso ko at bigla bigla nalang akong may naririnig na boses sa isip ko.
Kumuha naman ako ng maligamgam na tubig at towel. Piniga ko ito bago pinunasan ang napakaamo niyang mukha. Pagkatapos ay aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang wrist ko, pero nakapikit pa rin siya.
Sinubukan ko itong tanggalin pero masyado siyang malakas. Hindi na ako nagulat ng minulat niya ang mata niya.
"Stay here," sabi niya. "Please... "
I sighed deeply. "Okay."
Humiga naman ako sa tabi niya pero nakatalikod sa kaniya, hindi ko siya maharap. Oo, ganito palagi posisyon namin at hindi pa kami nag-uusap.
"Alya?" I guess, 1 minute ng magsalita siya. Hindi ako kumibo at nanatiling nakatalikod. "Are you asleep?"
I didn't answered him, I pretended to be asleep. Waiting for him to say something.
"I'm sorry for everything. Kung sana pala hindi nalang kita pinakasalan para maging masaya ka 'no? Sana nanatili nalang akong comfort zone mo. Naalala mo? Yung unknown number na tumawag sa'yo, that was me," sabi niya.
I bit my lip to stifle a sob. That was him? So all this time, iisa lang sila? Pero bakit magkaiba ang personalidad?
"Feeling ko tuloy kasalanan ko kung bakit ka ngayon nalulungkot. Tus kita mo ngayon, binigyan na naman kita ng gagawin naging pabigat tuloy ako. Naglasing kase ako. Pinakaayaw ko kaseng araw ay dadating na bukas. I hate that day so much, so much," his voice cracked.
Narinig ko naman ang mahinang hikbi niya hanggang sa ilang minutong hindi na siya kumibo kaya sinilip ko siya at nakitang nakapatong ang braso niya sa mata at natutulog na.
"Chase... Kung hindi mo ako pinakasalan. Maybe, I'm still feeling lonely right now. Alam mo ba kung paano nalagyan ulit ng kulay ang buhay ko ng dumating ka? Salamat sa lahat, hindi ko alam na marami ka palang personalidad and every personality you have, I like it. And it's not your fault why I'm sad, hindi, Chase instead it's you, the reason why I'm happy. At hindi ka pabigat, it's my responsibility to take care of you, Chase," bulong ko at kinumutan siya.
I think I'm already falling to my walking yelong husband... And I hope this time, he is willing to catch me.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...