Chapter 59- Confessed

121 3 0
                                    

Alya POV

Muli na naman akong nagising ng maaga, nakaugalian ko na 'to kase nagluluto pa ako ng umagahan para may makain kami. Bumangon na ako at napabuntong-hininga ng makitang wala akong katabi. He didn't go home?

Nauna kase akong umuwi kagabi kase iniignora niya ako, ewan ko ba, sinubukan ko siyang kausapin pero hindi naman siya sumasagot kaya umalis nalang ako ng walang paalam.

That's the one thing I cannot stand, being ignored.

Inayos ko nalang ang higaan bago naligo at nagbihis, ngayon pala ililibing ang ama ni Suzi kaya aattend ako. Hindi man kami close ng ama niya, parang part na din siya sa buhay ko kase ama siya ng kaibigan ko.

I wore white dress, nagsuot na din ako ng sunglass kase baka maiyak ako. Masyado pa naman akong nadadala kapag may umiiyak kahit nga sa dramas e. 

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng makitang nakaupo si Chase sa sala habang nakatitig sa kawalan. Magpapaalam pa ba ako? Huwag na kaya, mukhang wala naman siyang pake e. Pero... aish!

"Aalis na ako," sabi ko bago nag-umpisa ng maglakad papunta sa pinto. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay bigla siyang nagsalita.

"You didn't cook."

Napapikit naman ako sa inis, akala ko naman kung ano! Hindi naman talaga ako marunong magluto e pero no choice! Kainis, nilapag ko nalang muna ang bag ko sa upuan bago dumiretso sa kusina at nagluto. Mga prinito lang. 

[At Suzi's House]

Nakaupo kaming lahat. Si Suzi wala dito, nakatulog, siguro dahil na din sa sobrang iyak. Si Drake naman binabantayan siya. Habang ako, nakatulala.

"Wala yata si Chase? Himala," sabi ni Xylem. 

"Oo nga, where's your hubby?" sabat ni Monica. 

I shrugged. "Hindi ko alam pero bago ako umalis, nasa bahay siya."

Ethan chuckled. "Hala, kabahan kana, Alya."

Nakatanggap tuloy siya ng hampas kay Zaria. "Huwag mong pansinin 'yan, I'm sure may kinabubusyhan lang yun."

Hays, it's good to know that they're back. Ethan and Zaria, I hope Ethan won't play with her again because if he does, hindi ko na talaga hahayaan na makita niya pa si Zaria. Zaria suffered enough, masyadong masakit past niya. She's a victim of child abuse, and her parents are currently in prison. Masaya na siya at masaya ako dahil don.

"Baka babae," epal na naman ni Ethan.

Zaria glared at him. "Huwag mong igaya si Chase sa'yo, tumahimik ka diyan kung ayaw mong ikaw ang sunod na paglamayan."

Nagpretend naman si Ethan na zinip niya bibig niya, takot naman pala e. Under 'yan?

"Ano ba naman 'yan, comeback palang kayo pero nangangamoy break up na," sabi ni Xylem.

Ethan frowned. "It's won't happen, right?" Zaria didn't answered him, instead she stood up and went to the bathroom.

"Hindi sa pinag-ooverthink kita, pre ha pero paano kung bumalik pinsan mo? Mukhang ang lungkot pa naman niya noong umalis si Kenji, paano kung narealize niya na mahal na pala niya si Kenji at nagdecide siya na iwan ka niya at sundan yung pinsan mo pero 'wag kang mag-overthink ha?" nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa sinabi ni Xylem, pati na din sa mukha ni Ethan na nakabusangot.

"Siraulo ka!" sagot ni Ethan na nagpatawa kay Xylem, kahit ako napatawa ng kunti.

"Hoy, mahiya naman kayo! Nasa bahay tayo nila Suzi at alam niyo kung bakit, hindi 'to lugar para magtawanan!" panenermon ni Monica. 

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon