Chapter 54- Wish

105 2 0
                                    

Zaria POV

I can't sleep, seriously. Ito naman kaseng si Ethan bigla bigla na namang gagawa ng bagay na nagpapaasa sa akin! Masyado na niyang sinakop ang isipan ko kaya hindi ako makatog! One more thing, I'm not in my room kaya hindi ako sanay.

Napabuntong-hininga naman ako bago sumulyap sa orasan, hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng chineck ang orasan na 'yan. Napaawang naman ang labi ko ng makitang ten minutes nalang before mag alas tres ng umaga. Mukhang wala na talaga akong chance na makatulog!

Tumayo nalang ako at nagsuot ng jacket, napagdesisyonan kong umakyat nalang muna sa rooftop ng napakalaking bahay na 'to baka sakaling makatulog pa ako.  Lumabas na ako ng kwarto, gusto kong mag back out dahil ang dilim baka mamaya may magpakita dito na multo—

"Ah!" napasigaw ako ng biglang may kumalabog. Shit, sabi ko na nga ba't dapat natulog nalang ako e! Gosh! May multo.

May narinig naman ako na yapak papalapit sa akin, sa sobrang kaba ay halos pinigilan ko na ang sariling huminga. "Zaria? Bakit ka sumigaw?!" halata ang pag-aalala sa boses ni... Ethan?

"Ethan?" paninigurado ko.

"Ako nga. May nangyari ba? May nahulog kase akong bagay, inayos ko muna bago ko hinanap yung sumigaw. Akala ko ano na e!"

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Akala ko multo e!"

He said. "Afraid of ghost, I see."

Umirap nalang ako bago umayos ng tayo at akmang papatuloy na ang paglalakad ng magsalita ulit siya. "Saan ka pupunta? Sama mo na 'ko, hindi ako makatulog e."

Tsk. FC KA NA NGAYON, ETHAN? I mean, close tayo pero dati lang! Pero ito siya ngayon, akala mo hindi ako sinaktan!

"Ano... Huwag na!" kunyaring natatawa kong sabi bago lalakad na sana pero hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay nagsalita na naman siya.

"Sigurado ka ba? May nakita kase akong, ewan ko kung ano kanina e. Basta ang alam ko lang nakaputi siya—"

Tumakbo ako papunta sa likod niya. "Hehe, nagjojoke lang ako e. Tara na, punta tayo sa rooftop!"

He laughed before he shook his head and lead the way while I'm just silently following him. Patingin tingin din ako sa kanan at kaliwa, baka kase ano... baka totoo yung sinabi niya na may white lady! Hindi niya sinabi na white lady pero base sa sabi niya nakaputi! Since puti, white lady talaga yun!

"Tahimik mo naman, 'wag kang matakot nandito naman ako e!" sabi niya kaya napatikhim ako at pinagpatuloy lang ang pag-akyat sa hagdan not minding what he just said.

Pagkaakyat namin sa rooftop, isang napakalamig na simoy ng hangin kaagad ang tumama sa pisngi ko. Umupo ako sa may upuan bago pinagmasdan ang kalangitan na napupuno ng mga bituin.

"Can I ask?" he suddenly said.

"Sure, just not too personal question."

"Kenji. Is he your boyfriend already?"

I blinked twice and looked away. "No, he's still courting me."

"You let him?" he asked, I don't know if I'm just hallucinating but I heard sadness in his voice. I just nodded. "You love him?"

"I don't know," sagot ko habang nakatuon ang paningin sa mga bituin. "Hindi malabong mahalin ko din siya. Para lang siyang bituin habang ako naman ang kadiliman, binibigyan niya ng liwanag ang napakadilim kong buhay."

I smiled remembering how he cheered me up when I was down, how he stay by my side even though I'm pushing him away. Ganon siya, he won't leave kung hindi niya masisigurong okay na ako. That's why he's the best among the bests.

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon