Zaria POV
"Naks, ganda ah. Ang ganda pa ng ngiti, nakaayos, fresh. Anong meron, Monica?" pag-usisa ni Alya pag dating ni Monica sa room.
Umupo muna si Monica. "Duh, masanay kana, Alya. Palagi akong maganda."
"Yung totoo?" kulit ni Alya sa kaniya.
Lumapad naman ang ngiti ni Monica. "Shit! Xylem is courting me!"
Tumili naman si Alya kaya napatingin sa kaniya lahat. "Oops, sorry."
"Daig mo pa ako ah. Ako yung niligawan, Alya, hindi ikaw. Masyado kang kinikilig."
"Masaya lang ako 'no! Sabi ko na nga ba't kayo talaga para sa isa't isa e!"
"Akala ko ba sabi mo hinding hindi ka papatol sa lalaking 'yun?" biglang sabi ni Suzi na kakarating palang.
"Hmp! Binabawi ko na 'yun. At ikaw! Bakit ngayon ka lang pumasok?!" Monica said. Suzi didn't attend class for 2 days so as Drake.
Suzi chuckled. "Dinala ako ni Drake sa Hacienda ng mommy niya."
"Gosh! Umaasenso na love life natin ah!" Monica said. Sana all, how about me naman?
"Oh, tahimik mo ata, Zaria," napansin yata ni Suzi pananahimik ko.
"Syempre siya ata ang pinakamaganda ang love life. Nakikita ko silang sabay maglunch, hatid sundo. Baka Ethan yung jowa niya," sabi ni Monica amino'y kinikilig.
"That's my problem. Hindi ko pa siya nakita mula kaninang umaga kaya ang weird!" sagot ko.
"Masyado mo namang namimiss! Hindi pa nga nag-isang araw na hindi kayo nagkita e. Chill ka lang, hindi magloloko 'yun," Monica said and smiled at me.
Well, I hope too.
"Good afternoon, class."
The class went well. I tried to focus, inaalis ko muna sa isip ko si Ethan and I succeed. Ngayon na natapos na ang klase, naaalala ko na naman siya. Asan na naman kaya ang lalaking yun?
"Zaria, sabay ka sa amin?" tanong ni Alya.
Umiling ako. "Mauna na kayo, hahanapin ko lang si Ethan."
"Sige, mag-iingat ka. Kung magpapasundo ka, itext mo lang ako. I got you, girl," sabi ni Monica kaya ngumiti ako.
"Salamat, ingat din kayo!"
Pagkaalis nila ay agad akong nagsimulang maglakad, nilibot ko ang campus. Sa sobrang laki, nakakapagod. Umupo muna ako sa bench area at nagpahinga.
"Drake!" sigaw ko at tumayo ng makita ko siyang naglalakad. Napatingin naman siya sa akin at linapitan ako.
"Oh, bakit?"
"Nakita mo ba si Ethan? I didn't saw him in classes, hanggang ngayon."
Halata naman na nagulat siya. "Hmm, I think I saw him in the gym. Tingnan mo kaya. "
Ngumiti naman ako. "Salamat."
Ano naman kaya ang ginagawa niya sa gym? Nang makarating ako dun, katahimikan naman ang bumungad sa akin. Wala namang tao, baka nakaalis na. Ang sure lang ako ngayon ay pumunta siya sa school kase nga nakita siya ni Drake. Ang tanong, asan siya?
Pagkalabas ko ng gym ay may narinig akong pamilyar na mga boses kaya nanatili akong nakatayo, alam kong hindi nila ako makikita dito.
"Ano ba talaga'ng gusto mo, Mira?" tanong ni Ethan.
Nagdadalawang isip pa ako kung papakinggan ko sila e. Pero sa huli, I chose to listen. Gusto ko din malaman kung bakit sila nag-uusap, kung bakit sila magkasama at kung bakit hindi siya nagpakita sa akin?
"Ano ba'ng kinabubusyhan mo? You don't answer my calls and messages anymore. Tell me, nagawa mo na ba ang pinagawa ko?" sagot ni Mira.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...