Chapter 3- Play with you, milady

376 9 0
                                    

Monica POV

Nagising naman ako ng magvibrate yung phone ko sa side table, kinapa ko ito at nakuha ko naman. Nakapikit ang mata ko itong sinagot.
"Hello?" antok na antok ko pang sabi. 

"What the heck, Monica?!" bigla naman nangunot ang noo ko at minulat ang mata para tingnan kung sino ang tumatawag. Si Alya! Kaya pala parang nakalunok ng microphone ang nagsalita.

"Hmm? Anong problema? Ang aga aga mong mambulabog, Alya ah."

"Anong ang aga aga?! Alam mo bang mag aalas nuwebe na ha?!"

"Hindi," sabi ko at tumayo, humikab muna ako bago tiningnan ang orasan sa gilid ko. 

"Ahhh! O my gosh!" tili ko at inend kaagad ang call bago dali daling pumasok sa banyo.

Naligo ako ng mabilisan pero maayos naman na pagkaligo bago pumasok sa make up room ko at nagsuklay lang. I have no time to put some make up. Pumasok din ako sa walk-in closet at nagbihis ng uniform bago bumaba bitbit ang bag ko. 

"Where did you go yesterday?" bungad sa akin ni Kuya ng makababa na ako, nakaupo siya sa sala.

"Oh please, Kuya. Wag mo muna ako sermonan ngayon dahil late na ako. Pakisabi nalang kay mommy at daddy na hindi ako magbebreakfast, bye!" sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya dahil agad akong tumakbo papasok sa kotse, agad naman itong pinaandar.

So, nakatakas ako sa sermon ni Kuya kahapon dahil biglang may emergency meeting siya. Haha. Tus ngayon nakatakas ako ulit. After ilang minutes ay nakarating na kami sa school at dali dali akong pumasok.

"Hi po! Pwedeng magpapicture?" tanong ng babae kaya tumigil nalang muna ako at hinayaan siyang kumuha ng litrato. Mukhang nakita yun ng ibang estudyante dahil papalapit sila sa akin, omg wag ngayon.

Agad naman akong tumakbo papasok sa building namin, sa sobrang bilis ko tumakbo may nakabungguan ako pero hindi ako natumba dahil nahawakan niya ako sa braso.

"Thanks," sabi ko at akmang aalis na pero hindi niya pa binibitawan braso ko. "Excuse me? Yung braso ko baka may balak kang bitawan?" dagdag ko pero hindi man lang ako kinibo.

"Ito ba hinahanap niyo? Andito siya!" sigaw ng lalaki. Damn this asshole! I know he's one of the kings and I didn't expect na ganito attitude niya. He's also a freaking model, of course I know him.

Agad naman na lumapit ang mga estudyante sa akin at isa isang nagpapicture kaya puro pekeng ngiti nalang ang binibigay ko. Sinundan ko naman ng tingin ang lalaki na naglalakad na palayo. Curse that guy!

Nang lahat natapos na ay parang pagong akong naglakad papunta sa room namin, cold sweat are formed on my forehead. Binuksan ko naman ang room ng walang katok at agad na nawala ang init dahil malakas ang aircon.

"Miss Garcia, you are 20 minutes late in my class," sabi sa akin ni Miss Amanda pero hindi ko siya pinansin dahil hingal na hingal ako at bwisit na bwisit pa.

"Ma'am, her manager called her," I heard Suzi said so I secretly thanked her. 

Miss Amanda keeps on discussing something but my mind is too occupied because of what happened just this morning. Hindi ko alam pero nakapangalumbaba lang akong nakatingin sa kaniya, hindi din pumasok yung lalaki na yun which made me glad.

"Class dismiss," Miss Amanda said and get her things bago lumabas.

"Hoy. Monica, tara na sa Cafeteria!" saad ni Alya kaya tahimik akong tumango at kinuha ang mga gamit ko bago sumunod sa kanila. 

As usual, bulong bulungan na naman all over the Cafeteria. Ang gaganda kase namin, kakaloka. Naramdaman ko naman na may nagvibrate sa bag ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumawag.

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon