Chapter 11- Fake Girlfriend

206 6 0
                                    

Suzi POV

I am in a hurry now, heading my way to the school's gate. Zaria said she's already fine, and I can see that she's telling the truth. I've been so worried when she walked out last Friday while Alya is forcing herself to be happy again.

They texted me, sabi nila nandodoon na silang tatlo sa gate. Ngayon kase ang alis ni Monica, sabi niya dadaan muna siya dito para magpaalam. 

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko nakitang may tumakbo din pala papunta sa direksiyon ko kaya nagkabungguan kami. Napapikit naman ako sa sakit dahil napahiga ako sa sahig good thing hindi nakabagok ulo ko but something's wrong, pagmulat ko nagulat ako ng mukha ni Drake ang sumalubong sa akin and guess what? Magkalapat ang labi namin. 

Tinulak ko naman siya at dali daling tumayo. Wtf, he just got my first kiss. And I've been protecting my first kiss since birth yet he just stole it easily!

"You! How dare you!" sigaw ko kaagad.

Tumayo naman siya at pinagpagan ang shorts niya bago ako tiningnan. Ramdam ko din ang mga tingin ng estudyante and I bet magiging top news na naman 'to sa university's news!

He smirked. "First kiss?"

"Unfortunately, yes."

"Oh. Should I consider myself as lucky? Ako lang naman ang nakakuha sa unang halik ng masungit na Reyna ng university. Can you believe it?" sabi niya ngumiti ng pagkalapad lapad. Iniinis niya talaga ako!

"Curse you! Pasalamat ka at nagmamadali ako kung hindi naku, baka natiris na kita!" sabi ko at agad siyang tinalikuran.

"Sweet lips, Miss Suzi!" I heard him shouted so I faced him and raised a middle finger that make him laughed.

Agad naman akong tumakbo papuntang gate. Monica looks gorgeous in her outfit. Paparazzi are all over the place. In the other car, there's Xylem, his hand in his pocket while leaning his back on the car.

"Suzi!" sigaw ni Monica kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"I'll miss you! Chat tayo ah?" sabi niya kaya tumango kami at nagpaalam na.

"Don't forget my request!" sigaw ni Alya kaya natawa si Monica at pumasok na sa kotse niya. Pumasok na din si Xylem.

Nang pinaandar na ang sasakyan ay sumunod ang sasakyan ni Xylem. Nakatayo lang kami sa labas, nang nawala na sila sa paningin namin ay agad kaming pumasok.

"Punta muna ako SSG Office ha? I'll just finish some papers," sabi ni Zaria, hindi pa man kami sumasagot ay tinalikuran na niya kami. 

"Sana maging maayos shoot nila, aso't pusa pa naman yung dalawa," sabi ni Alya, naglalakad kami ngayon papunta sa room.

I chuckled. "I bet they will. They're professional, once they're on their shoot, I know na magiging seryoso sila. Hindi ko lang sure pagkatapos."

Hindi kalayuan nakita ko si Drake na mukhang papalapit pa sa amin, mukhang nakita din yun ni Alya.

"Naiwan ko pala ang ballpen ko sa clinic noon, babalikan ko lang baka nandon pa," sabi ni Alya.

"Ballpen lang yun, Alya, 'wag mo 'kong iiwan."

"Ballpen lang nga but that ballpen is expensive, hehe, bye!" sabi niya at tumakbo na.

Hindi naman ako makapaniwala. I acted like I didn't see him and just continue to walk, nalampasan ko na siya and I thought okay na but he held my arms and pulled me closer to him, halos masubsob na ako sa dibdib niya.

"Ano ba?!" inis kong sabi at hinila ang kamay ko paalis sa hawak niya.

Hindi niya ako sinagot at hinila ulit ako sa lugar kung saan hindi talaga matao. Hindi na ako nagpumiglas, e ang lakas niya.

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon