Zaria POV
Nakatingin naman ako sa bintana ng kotseng sinasakyan namin ni Ethan, umuulan kase. Pupunta kami ngayon sa bahay nila Ethan, his parents invited me for dinner and I gladly accept it. Although, I'm nervous but I want to meet his family in person.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Ethan kaya lumingon ako sa kaniya.
"Yeah, kinakabahan lang," pag- amin ko.
He smiled. "Don't be, mabait pamilya ko. Walang gagawing masama yun."
I pouted. "It's not my concern whether they're nice or bad! Basta kinakabahan lang ako."
"Okay," natatawa niyang sabi.
Sakto naman na nasa harap na kami ng mansion nila. Bumaba naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nilahad niya ang isang kamay niya para tulungan akong bumaba habang yung isang kamay niya ay may hawak na payong. Hanggang ngayon, hindi pa din tumitila ang ulan.
Tinanggap ko naman ang kamay niya at bumaba na. Nag umpisa na kaming maglakad kasabay non ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, kahit malamig ngayon tagaktak ang pawis ko.
Nang nasa harap na kami ng pinto, may lumapit na maid kay Ethan at kinuha ang payong sa kaniya. Binuksan naman ng guard ang pinto at pagkabukas ay bumungad kaagad sa amin ang mga maids at butlers, pagpasok namin ay yumuko sila. The last time I got here, hindi sila ganito.
Kapansin pansin din na nag-iba ang bahay nila. Mas naging maganda, nakakamangha na ang mga paintings na nakadisplay sa mga dingding. Ang napakalaki at napakaliwanag na chandelier ang nakakuha ng atensiyon ko.
"You're here!" pamilyar na boses ang nagsalita kaya napalingon ako at napangiti ng makitang si Ms. Elli ito.
"Ate," saad ni Ethan at nilapitan ang ate niya para yakapin. "Nakauwi kana pala?" tanong ni Ethan at kumalas sa pagkakayakap.
"Syempre naman. Nabalitaan ko kase na magkakadinner tayo with Zaria kaya dapat present ako!" sabi niya kaya napangiti ako, ganon din si Ethan. "Tara, nandon sila sa dining area."
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod kami, at iyon na naman yung kaba sa dibdib ko. Napalunok naman ako ng makitang kompleto sila. His mom and dad. His grandma and grandpa. His cousins and niece/nephew.
Hindi ko na natuonan ng pansin ang kagandahan at kalakihan ng dining area nila dahil nakatutok ako sa pamilyang masayang nag-uusap.
"Family, hello!" sigaw ng ate ni Ethan at pumalakpak kaya napatingin silang lahat sa kaniya. "Nandito na ang bisita!"
Ethan cleared his throat. "Everyone, this is Zaria. My girlfriend."
Agad naman na tumayo ang babaeng napakaganda na kamukha ni Ms. Elli, so I have a feeling that it's their mother. Lumapit naman siya sa akin na may ngiti kaya kabado akong ngumiti pabalik.
Nagulat ako ng niyakap niya ako. "Gosh, I thought hindi na magtitino si Ethan!" sabi ng mommy niya at binitawan ako kaya natawa ako, nakita ko naman na sumimangot si Ethan.
"Anyway, I'm Yanna Salazar, Ethan's mom. You can call me Tita or mommy nalang."
"Uh... " speechless ako.
"Umupo kana, iha," sabi ni Tita at inalalayan akong umupo sa isang bakanteng upuan. "Kumain ka."
Ngumiti naman ako at tumango.
"Mom, nandito pa ako!" ani ni Ethan.
"Alam ko! Umupo kana dito!" sabi ni Tita kaya mas lalong sumimangot si Ethan at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...