Chapter 34- Make him love this day

128 5 0
                                    

Alya POV

"Hey, Chase!" I shouted super loud that it came to the point that everyone around this place looked at me but the one I called didn't even bother to give me a glance.

"Hoy!" sigaw ko ulit at tumakbo hanggang sa naabutan ko na siya. "Grabe 'to! Bingi ka ba?"

He looked at me boringly. "What?"

Ayan na naman po yung famous line niya. What! What! Kainis naman. Kung hindi lang siya gwapo, nasapak ko na siya. So, ano naman kung gwapo, Alya? Syempre, sayang yung mukha! Magkakablack eye.

"Isabay mo na ako, wala sundo ko," sabi ko at sumabay sa kaniya sa paglakad.

Yung totoo, hindi talaga ako nagpasundo. Sinadya ko 'to para makasabay siya baka kase mag inom na naman sabi nga niya hate niya yung day na 'to! At hindi ko din alam kung bakit sobrang concern ako sa kaniya, siguro dahil asawa niya ako? Hays, kilabutan ka self.

"Magtaxi ka," aniya.

"Seryoso ka?! Hahayaan mo akong magtaxi? Paano nalang kung dalhin ako sa ibang lugar ng driver! Jusko, kahit kunti magpakita ka naman ng concern!"

"Your imagination is going too far."

I pouted. "Naman eh!"

"Fine!"

"Grabe ka naman, 'wag mo naman iparamdan sa akin na napipili—"

"Oh, shut up," sabi niya at dumiresto sa kotse niya. Hays, sungit talaga! Kagabi hindi naman siya ganiyan e, siguro mabait lang siya kapag lasing. Kung hayaan ko nalang kaya siyang maglasing araw araw para always siyang good boy.

"Hoy! Ano pa'ng hinihintay mo? Pasko?" bumalik naman ako sa ulirat dahil nagsalita siya.

Nasa loob na siya ng kotse at nakabukas na ang passenger seat. Inirapan ko muna siya at sumakay. Nakasimangot naman akong nakatingin sa labas ng bintana habang nagdadrive siya, ang tahimik!

Ako naman aminadong madaldal pero bakit kaya wala akong masabi ngayon?! Naubos na words ko. Kakabored naman. Bakit pa kase ako sumabay?!

"Bakit mo ako gusto makasabay?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumaas kilay ko. "Excuse me? Hindi kita gustong kasabay! Wala akong sundo at total naman pareho lang tayo ng bahay e makikisabay na ako!"

He smirked. "As if I'll believe you. Your father called me and asked me to look after you since you texted your driver not to fetch you." 

"Ha! Taksil talaga yung driver ko. Sabing hindi sasabihin kay daddy e!" bulong ko sa sarili. Mukhang narinig niya bulong ko dahil marahan siyang tumawa. Nagugulat pa din ako kapag ganon siya!

"So, bakit nga?"

"Eh feeling ko maglalasing ka na naman e! Sabi mo kase kagabi—" tinakpan ko ang bibig ko. "Ano! Kase tingnan mo nga suot mo all black, hoy, ano meron?" pag-iba ko ng topic.

Alam niyo kase suot niya ay black polo tapos black pants, mabuti nalang puti shoes niya. Man in black 'yan?

Nakita ko naman kung paanong nag-iba ang ekspresyon niya at paghigpit ng kapit sa manubela. Gosh. Yung bibig mo, Alya!

"Nagugutom ako! Kumain muna tayo!" sabi ko sa kaniya para mawala naman ang maitim na aura niya.

"Sandali nalang at makakauwi na tayo, just eat there."

"Ang sakit na kase ng tiyan ko e! Nagugutom na ako!" sabay hawak sa tiyan ko para acting.

Ayoko pa kase umuwi lalo na't kasama ko siya. Don't get me wrong ha, hindi naman sa gusto ko siyang kasama gusto ko kaseng pasayahin siya, ang lungkot niya kase. I'll make him love this day instead of hating it. Nagmamagandang loob lang!

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon