Suzi POV
Pinaikot ikot ko ang ballpen ko sa kamay ko habang nakipagtitigan sa mga notes ko in math, pinilit kong intindin pero hindi ko talaga maintindihan. Ewan ko ba sa mathematics na 'to, sariling problema sa iba pinapasolve.
I sighed.
"Problema mo?" agad naman akong sumimangot at tinitigan siya. My boyfriend.
"Problema ko ang problema ng mathematics na 'to."
Tumawa siya. "Bilib talaga ako sa math na 'yan, sa dami dami ba naman ng problema mo, nagawa pa niyang dagdagan."
"Whatever," sabay irap kong sabi at inis na tiniklop ang notes ko. Ibabalik ko na sana sa bag ko pero inagaw niya. "Hey!"
Binuksan niya ang notebook ko. "Angas ng handwriting mo ah, babaeng babae."
"Huwag mo 'kong igaya sa'yo na pang grade one ang handwriting."
"At least matalino," umirap naman ako. "Gusto mo turuan kita? madali lang 'to."
"Edi ikaw na matalino," bulong ko.
"Ayaw mo?"
Ngumiti ako. "Syempre gusto."
With that, he started to teach me. Pero wala pa din akong maintindihan, paano hindi ako nakikinig e. Nakatitig lang ako sa kaniya, manghang mangha sa taglay niyang kagwapohan.
"Babe, mata sa notes."
Ngumisi ako. "Hindi ko maintindihan."
"Syempre, sa akin ka ba naman nakatutok. Alam kong gwapo ako, nasa dugo na namin yun kaya please don't stare at me, makinig ka nalang, babe."
"Nasa dugo niyo?" tanong ko, tumango naman siya. "Baka nasugatan ka noon ah kaya lumabas dugo mo and you turned out to be like that. That ugly looking face."
"Hays, even the whole world tell me I'm handsome, my girlfriend will never," sabi niya at sumimangot.
"I was just kidding. You're handsome, very handsome."
He smiled. "Huwag mo akong landiin, babe. Focus!"
Tinawanan ko nalang siya.
"Any questions?" tanong niya after explaining to me everything.
"What do you think happened between Ethan and Zaria?"
Umawang ang labi niya. "Babe? Seriously?"
"Come on, that was a question. Answer me, they're being weird kase."
"Well, I think they broke up."
Sa sobrang gulat ay nahulog ko ang ballpen sa kamay ko. "They what?!" sigaw ko.
"They broke—"
"Gosh, why?!"
"Because I don't know. Malay ko ba sa buhay pag-ibig nila? Nakafocus ako sa atin ngayon," aniya. "Anyway, tara. May pasok pa tayo after 10 minutes. "
Tumayo nalang ako baka malate din kase kami, mas mabuti na ang maaga. He hold my hand like what he always do. HHWW kami ngayon. Alam niyo yun? Holding Hands While Walking. Haha, kilig.
Habang naglalakad kami bigla nalang na may humila kay Drake at tinulak ako ng kung sino man yun sanhi ng pagkaupo ko sa sahig, ouch, my butt hurts.
"Get your hands off Drake, bitch!" agad na umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis ng marinig ko ang boses ng babaeng 'yon.
Tumayo ako at hinarap sila, agad naman umawang ang labi ko ng hinalikan ni Ayesha si Drake. Bago pa man matulak ni Drake si Ayesha ay hinablot ko na ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...