Monica POV
Para akong zombie ngayon habang naglalakad papunta sa room namin, ang tamlay ko parang hindi nakakain ng ilang linggo. Ayan, Monica. Sige, inom pa. Kakainis, bakit hindi ko naisip na Monday ngayon!
Okay, Monica. Normalize blaming Xylem for this. Yes! It's all his fault. Kung nagparamdam lang siya at kung hindi lang siya nakipadate sa diyosang—este chanak na yun edi sana walang sakit sa ulo, walang sakit sa puso at maganda pa tulog ko!
"Hala! Totoo na ba ang prediction na magkakaroon ng zombie apocalypse? I'm just seeing one now." biglang sumulpot ang panget kong pinsan sa harap ko.
"Huwag mo akong buweseten ngayon, Clyde, mainit at masakit ang ulo ko," may pagbabanta kong sabi bago siya nilampasan.
Habang naglalakad ako ay tumigil ang paa ko dahil sa nasaksihan. Wow. Nakita ko lang naman si Xylem with the chanak again sitting on one of the bench while talking, sarap niyong sakalin!
"Now I know why. Naku, Monica, mukhang hindi na ikaw," epal na naman ni Clyde pero inikutan ko lang siya ng mata.
Nakita ko naman na napatingin si Xylem sa direksyon ko, nakita ko din kung paanong nabura kaagad ang ngiti sa labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin bago pinagpatuloy ang paglalakad.
Pagpasok ko sa room ay agad akong naupo sa upuan ko before I lean my forehead on the armrest and cried silently. Ang sakit talaga, parang bigla nalang akong nakalimutan at nabalewala dahil lang sa babaeng yun.
"Monica— gosh! Umiiyak ka ba?!" rinig kong sabi ni Zaria pero hindi ako nag angat ng tingin at patuloy lang sa pag-iyak.
Dali dali ko naman na pinunasan ang pisngi ko ng marinig ang boses ni Suzi at Alya na papalapit bago umayos ng upo. Ngumiti ako ng kaunti sa kanila, ramdam ko din ang titig ni Zaria pero inignora ko lang yun.
When the class ends, agad din akong tumayo at lumabas. Hindi na ako nagpaalam sa tatlo kase sanay na silang umaalis ako kaagad, syempre noon sinusundo ako ni Xylem pero ngayon? Malabo ata.
"Monica." napatigil ako sa paglakad at dahan dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses and right, it's Xylem. I thought he won't go here.
"Yes?" tanong ko na parang walang nangyari.
"Let's have a date," he said and smiled at me.
"W-what?" I stuttered.
Nagugulat ako kase hindi ko inexpect yun. Akala ko kase ititigil na niya ang panliligaw niya at tuluyan ng babalik sa ex niyang chanak.
"Gulat na gulat? Para namang hindi ko gawaing idate ka. Tara na!" excited niyang sabi at hinila ako, nagpatinaod nalang ako sa kaniya.
Napangiti nalang ako habang nakasakay kami sa kotse niya. Nakakabaliw! Kanina at kahapon lang ay umiyak ako dahil sa kaniya tus ito ako ngayon, kasama siya't nakangiti.
Tumigil naman ang sasakyan at napangiti ng makitang dinala niya ako sa pinakasikat na Amusement Park. Kakaexcite at the same time nakakakaba baka mamaya sumakay kami sa mga nakakatakot na rides such as rollercoaster and ferris wheel.
"Let's go!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Okay, that was unexpected. Pero dibale gusto ko din naman.
After an hour...
"Okay, what toys do you like?" he asked me.
Nandito kami ngayon sa shooting game. Kung saan kailangan mong matamaan ang mga nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan namin gamit ang isang laruang baril, if you succeeded you'll get one of those stuff toys that was displayed in the side.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...